Thursday, March 31, 2011

Maalat

hinila ko ang aking kamay para mapilit na mahawakan ang aking mga daliri sa paa. maaga pa pero kailangan ko nang bumangon.

kinuha ang palanggana para mailagay ang kawali, kaldero, tuna, pasta, mantika at pot holder. kahit pinipigilan ng muta ko ang pagdilat ng mga mata ko, pinilit kung sumuong sa dilim ng hagdan para magluto sa kusina. sa isang iglap, nasanay na ang mga mata ko sa tanglaw na nagmumula sa ilaw ng poste. tulog na tulog ang lahat. just the way i like it.

sinindihan ko na ang stove para magpakulo ng tubig. naglagay ng asin at mantika. hahayaan ko itong makulo habang maghahanda para sa sauce.

"tao ka ba?," ang tanong ni poan. wala ba daw akong nagiging crush man lang. sabi ko, hindi ko alam. kung pag-ibig at mga damdaming nabubuo sa ligawan, wala akong maisasagot. nagtataka rin naman ako minsan kung bakit parang devoid ako ng attraction. ng kahit infatuation man lang. dahil ba ito sa disgust at unbelief sa mga naririnig kong kuwento ng aking mga kaibigan tungkol sa kanilang buhay in-loved?

hindi siguro.

ilang beses na ba akong natigilan kapag napapaisip ako na baka maturn-off sila sa akin dahil masyadong akong refined? dahil masyado akong good boy? dahil masyadong tahimik? o kaya isipin nila masyadong nakakasuka ang aking stretch marks, man boobs at tiyan?

madalas din yung ideya na hindi ko kayang makipagdate dahil wala akong pera at hindi pa panahon kaya ngayon, anong petsa na?

naghiwa ako ng sibuyas. hindi ako naiyak. sira na pala ang sibuyas. kinalkal ko ang cabinet ng landlady namen at meron pang isa. tinanggal ko ang ugat na nagsisimulang tumubo. naghiwa ng bawang. inalis ang oil ng tuna at sinumulang painitan ang kawali para sa sauce.

hindi na rin ako minsan sigurado sa sarili ko. for living independently and killing all emotions of caring, sanay na akong mag-isa. but when i see couples or watch movies, i feel like i have punished myself.

practical pa ba ang delayed gratification? para kasing overrated at gasgas na to.

kumulo na ang tubig. pinutol ang pasta at inihulog. sinumulan ko na ding maggisa. low heat para magcaramelize ang sibuyas. masarap ang amoy. isinama na ang tuna. maya-maya, ibinuhos na ang murang del monte spaghetti.

ano nga ba ang tamang timpla para magkaroon ng lovelife? kailangan bang guwapo? o kaya may pera? magandang katawan? tamang angas?

sa pag-iisip, napaso ako nang hawakan ko ang takip ng kaldero nang kumulo ang tubig. tinikman ang pasta at pwede na. hinalo ko naman ang sauce. hinalong mabuti ang tuna.

tinikman ko ang sauce. maalat. sing-alat ng love life ko.

Wednesday, March 30, 2011

Deadline

hindi ko na alam kung paano ko uubusin ang otso oras para magmukhang may ginagawa ako.

isa sa magandang dulot ng pagtapos ng lahat ng mga reports bago ang deadline e hindi ka nagkukumahog para mahabol ang oras ng pasahan. so sa pagpatak pa lang ng buwan na ito, ilang beses akong bumalik sa E.R. para kumuha ng mga datos para sa report.

ngayon na tapos na lahat ang dapat gawin, ano kaya ang magandang gawin?

Tuesday, March 29, 2011

Bus Ride

kahapon, i wanted to punch myself for being too torpe. i wanted to ask for the person's digits but i was too shy too ask. sitting too close, i felt attraction was there.

teka, ano nga ba itsura ko kahapon?

ang dami ko lang kasing sources ng kahihiyan that i feel too shy. i wanted to bring out my phone but ikinahiya ko ang aking mobile phone na siyang umalalay sa moments ko ng kalungkutan.

tsk. tsk. tsk.

i could have written a note and have the person read it. but i did not so now, i am pleading the good Lord to make that person ride the same bus kung saan ako sasakay.

pathetic right? pero that is how i am. ayaw ko namang magmaasim o magpakabitter kung pano ako. at least naprove ko na capable akong makaranas ng mga puppy love at infatuation (wow ha).

sa palungko-lungko na paglalakad mula sa pagkaasar at kabiguan, nakarating ako ng bahay habang ang anak ng katulong ng landlady namen e pakalat kalat sa daan. kaya pala hindi ako pinapadaan e inakala niyang ako ang daddy niya! siyet! mukha na ba akong tatay? father figure na ito?

pangitain na ba ito? wait. hindi muna. i need to see that person again first!

Monday, March 28, 2011

Langhap Sarap

monday gave me a taste and smell of death.

for about two years, death has been distant from me. after all, araw araw ko na lang nakakasama sa mga duty ko sa egypt. code dito, code doon. i had enough.

pagpasok ko kanina sa e.r., the stench of dried blood has refreshed my memories. matagal na pala akong hindi nagduduty sa ospital. sakto naman sa pagpunta ng pinsan ni botcha girl for interview para makapasok sa ancillary unit ng ospital namen. iba na talaga ang may kapit at may kakilala.

even if ang mga qualifications ng nurses e nagtaas, i know i fit in sa mga listahan nila. but, hindi pa oras. hindi pa nakatakda ang pagbabalik ko sa i.c.u.

for now, lalanghapin ko muna ang mabahong amoy ng e.r. to remind me of the days na nagtrabaho ako bilang nurse.

Saturday, March 26, 2011

Buto



at dahil ako ay isang pobreng empleyado ng isang ospital na kumikita ng minimum na sahod, naisipan kong magcontribute sa paraan na kaya ko- ang paggabay sa kalusugan. sa pagkakaregular ko sa opisina, may mga kasamang benepisyo yan. may access din sa mga serbisyong ino-offer ng ospital.

sa pagiging women's month ng march, may libreng bone scan sa lahat ng mga babae lalo na ang mga menopausal. natuwa naman daw ako at kahit papano, may silbi ako sa bahay. pwede ang mga tiyahin at lola pati siyempre si mudra sa gimik na ito.

kung ano ang ginagawa dito e hindi masyadong malinaw saken except na ito ay scan lamang ng mga bones sa peripheral. wait, parang binaliktad ko lang. basta scan daw ito ng mga buto sa gilid at kung may nakitang significant findings, tsaka palang magkakaroon ng mas malawakang pagsusuri sa mga buto.

nagtext ako kay mudra para habang nasa manila siya sa paghahatid kay daddy sa airport e makapunta na siya sa ospital. nagkaroon ng mahabang palitan ng text. nung una, desidido na hanggang nagkaroon ng mga agam-agam tungkol sa kung papano pumunta at kung sino makakasama.

hinayaan ko lang siya. magsasama daw siya ng mga tiyahin. edi sabi ko sige. at dun na natapos ang usapan tungkol sa peripheral bone scan.

umuwi ako this weekend. sa isang pagkakataon, napunta ang usapan tungkol sa bone scan. nagtanong siya. kung ano ba ginagawa. sabi ko ii-scan lang ang buto niyo parang x-ray tapos kung may nakita, tsaka magrerekomenda ng ibang tests. hindi raw ba ito yung masakit? kasi ung kumare niya, nagbone marrow daw at masakit daw talaga. sinabi ko na iba yun. na masakit talaga yun dahil tutusukin ang buto mo. scan lang ito.

nainis lang ako kasi hanggang ngayon, nagpapaniwala pa siya sa mga sabi sabi ng iba. pwede naman niya akong tanungin. sa bahay, ganito dito. hindi ko alam kung nahihiya sila saken o ayaw lang nilang magmukhang mas may alam ako kesa sa kanila. o kung ayaw lang nilang magpatalo.

ang mga kapitbahay namen, mas madalas pang magpacheck ng blood pressure kesa sa kanila. wala na ata talagang pag-asa sa open communication. sa isang napakatradisyunal at konserbatibong pamilya, napapabayaan ang communication at image na pinoproject ng mga magulang.

pasensya na pero medyo nainis lang ako. umalis na lang ako sa sala at pumasok ulit sa kuwarto. sabi kasi ni jonah na kasama namin sa bahay kay mudra, "o iba naman pala yun e. bakit hindi mo itry?"

tignan mo nga naman. hindi pa siya nagtanong saken. nagdesisyon na agad siya na hindi na siya magpapabone scan dahil lang sa mga pinagsasabi ng kumare niya.

ako na lang kaya ang magpabone scan? baka basag na ang bungo ko.

*photo taken here.

Friday, March 25, 2011

Tagay

nung isang gabi, i have wished a lot of ways kung pano mawala sa mundo ang mga nag-iinuman sa katabing unit ng tinitirahan namin. at 3:00 am, gising na gising pa rin ako habang pinakikinggan ang mga tawanan at asaran ng mga taong walang konsiderasyon sa mga naghahanapbuhay.

1.) earth opening up and swallowing them
iniiimagine ko ang lupa na biglang bubuka at lalamunin sila. nakakainis na kasi. maiintindihan ko pa kung hanggang alas dose.

2.) their vocal chords giving up and will experience paralysis on the upper body.
sigawan. kantyawan. pwede bang hinaan lang ng konti?

3.) aspiration by their own vomitus.

i was so helpless sa pagbalikwas sa kama while trying to find kung pano makatulog. bukod sa inis, i was just too tired from work. tuloy, kung anu ano na naisip ko.

bakit ba may mga taong walang paki kung nakakaperwisyo na sila? sabagay, mga lasing nga naman. ang problema lang kasi, ang good time nila e bad time ng iba.

nung isang araw, may nakita akong mga late twenties na patient sa ER. may bloody stools. may bleeding din ang lower gastrointestinal tract. pano nangyari? mula sa every other day daw na pag-inom ng alak. kung ano mang dahilan nila ng pag-inom ng ganon kadalas, hindi ko alam. nakakalungkot lang ang pagkasayang ng buhay.

so sa ganitong tema, naisip ko na okay na din ako na madalas, boring ang buhay. pero gusto ko rin naman ng konting kasiyahan.

tagay pa!

Tuesday, March 22, 2011

Pamana

dahil sa summer na, ang skin allergy ko ay namamayagpag na.

ito na ata ang ilan sa mga pamana ng aking daddy na gusto ko mang tanggihan e wala akong magawa. isama mo na dyan ang eczema nung bata, dry skin at ang araw araw na pagpapa-alala sakin na anak ako ng aking daddy- ang allergic rhinitis.

alam ko na ngayon ang dahilan kung bakit nung bata ako, pinaiinom ako ng hilaw na itlog na hinaluan ng sarsi para sa sipon ko. uhugin daw kasi ako. laging may sipon. naalala ko pa nga dati nung hinihiram ko ang isang laruan ng aking kaklase na parang pangshave. hindi raw ako pwedeng gumamit kasi baka malagyan ng sipon.

kadiri nga naman.

alam ko na ngayon na ang pagkakaroon ko ng allergic rhinitis ang dahilan kung bakit lagi akong may sipon. kung bakit sa mga panahon ngayon, lalong tumitindi ang atake nito na minsan e nagpapasakit ng ulo ko. bawat umaga, iniinda ko ang pagbahing ng sunud sunod pagkabangon sa kama. kung minamalas, nauuwi sa sinusitis pag hindi naclear ang aking sinuses at nasal passages ng sipon.

ang skin allergy ko naman e nang-aasar pa sa paglitaw nito sa may parte ng aking underarms. ngayon, alam niyo na kung bakit hindi niyo ako makikitang nakasando. well, bukod pa yan sa mga stretch marks ko.

naalala ko pa nung nasa egypt ako. hindi tinatablan ng petroleum jelly ang aking balat sa pagpapatuloy nito sa pagiging dry. may bonus pang balakubak yan.

sa aming magkakapatid, ako ang tanging pinagpala na nakamana ng mga ito. sana lang, namana ko na lang ang hindi niya pagiging tabain.

Summer

mainit na sa labas. though delayed ng konting araw, summer is here!

my office mates knew how to welcome it. our division head, isang supervisor at isang ioffice mate pa ay nagleave nung friday para magbakasyon.

ung isa sa boracay nagpunta. ung isa, sa coron sa palawan. ang pinakaboss naman namin ay nagpunta sa norte.

ako? umuwi ako ng pampanga. kumain ng mangga with bagoong. naginternet. nagjumping rope. at kumain na parang wala ng bukas. wala man akong pupuntahan this summer, alam ko na the time will come na makakapagbakasyon din ako like them.

in the mean time, iinom muna ako ng malamig na tubig to fight the summer heat.

Monday, March 21, 2011

Graduation

few minutes ago, my dad left for haiti.

after almost two years of waiting for work, he finally got one. for that, it is a special one but for us left here, another missed chance. by next month, my brothers will graduate from college.

when i graduated, he was not there. even when i passed the board exam, he was still absent. but now, not only my dad is absent but my sister will be missing the celebration. my brothers' graduation will mark a landmark of our lives- the end of paying for tuition fees.

in 2008, i felt how it was to leave home and to miss many events in the family. as an overseas worker, you are left to celebrate the moment only in pictures and stories. i guess my work here in the country provided me an opportunity to be in all those events.

the mindset in the family is that we went to college so we can work overseas. that is the big difference you will see among families with businesses. i do not blame my dad. it is how the system works for our family. through it, i was able to finish college and soon, all of my siblings will finish it as well.

now in the wake of numerous international events, the filipino worker is always affected. i just hope that one day, no dad will miss the graduation of his son.

Thursday, March 17, 2011

Remote Control



nagexam ako kanina for my master's degree. sabay na rin ang interview.

muntik na ata akong matae sa hirap ng exam. may vocabulary. may statistics. may research. may current events. may parang sudoku pa na part. sa pigang pigang damit, halos matuyo ang utak ko sa pagbabaligtad baligtad nito para makaisip ng sagot.

akala ko nung una sobra sobra ang two hours. nang simulan kong sagutan, gusto ko nang umayaw.

inisip ko na lang na ito ang tama para sa goal ko. now that i have a better vision of what i want and what i need, kailangan na magstick doon sa mga steps na makakatulong saken.

this week, nagbukas ang hospital namen for nurses. habang nagprepresent ako for quality circle, andun ang mga applicants naghihintay ng turn for their interview. habang nagiisip ako para maimprove ang aming written output, andun ang mga applicants nag-iisip ng mga sagot para sa exam nila to measure their competency.

habang nangyayari ang mga ito, i was so frustrated with my group mates. i practically wrote half of the report and i am tasked to report almost 2/3 of the presentation.

i am so fed up with the quality circle and i feel no fulfillment at all.

i wanted to cry kasi i wanted to go to the other room to take the exam for nurses. i missed it so much but i can't do nothing but to stay where i am right now. kakapirma ko lang ng regularization papers and i decided to stay sa department ko for at least 1 year.

God sometimes allow events to happen. events na tingin mo napakaunfair na hindi mo alam kung bakit ganon. take the case of Japan. sa ngayon, wala akong maisip na dahilan kung bakit nangyari yun sa bansang iyon.

o kaya kung bakit biglang nagopen ang nursing nang hindi ako pwede.

eto lang ang sigurado: lahat ay nasa kontrol Niya.

*photo taken here.

Lesson



kagabi, nagtext si mama.

ano ba daw gagawin sa isang tuta naming naimpatso? kasi ang tiyan daw niya malaki tapos gumagalaw at matigas. pinakain daw kasi ng sobra sobra ng kasama namin sa bahay na si jonah.

pero, ano nga ba ang dapat gawin? ang alam ko gamot lang ang bibigay sa tao para gumaan ang pakiramdam. so sabi ko hindi ko alam.

ang sagot ni mama? parang tao lang naman yan a!

natigalgal lang naman ako dahil kahit parang tao yan, hindi naman pareho ang ating anatomy at physiology pero hindi ko na sinabi yon.

sa mga pinaggagawa ko pa naman ngayon, i feel like i am not a nurse anymore.

lesson of the day? alamin ang anatomy at physiology ng mga aso!

Bar



pwede nakong maglasing araw araw.

for three days, maingay sa tinitirhan namin. pukpok dito, pukpok doon. madaming tao. madaming nilalagareng kahoy. amoy pintura pa ang hangin sa mga dingding na pinipunturahan ng kulay berde.

sa wakas, ang alak at bar na ang lumapit saken.

dahil sa ingay, napipilitan akong magtakip ng tenga pag natutulog. minsan nakakainis. minsan parang bale wala lang.

ano nga ba ang naging dahilan kung bakit sa edad kong to, tanging beer, vodka at red wine lang ang dumaan sa bibig ko? ang mga office mates ko na puro babae e kuwento lang ng kuwento ng mga alak na kanilang ininom.

hindi naman sa nagsisisi ako kung bakit pinanatili kong maging kontrolado sa mga ganitong bagay.

naisip ko lang kasi kung ano magiging itsura ko. magiging mas madaldal kaya ako? maghuhubad ba ako sa daan? o susuka rin ba ako?

malalaman natin yan sa pagbubukas ng bar.

*photo taken here.

Tuesday, March 15, 2011

Last

while japan is still in shambles, i am picking myself up with the horrible decision to let go of my self-control and professionalism.

my daily concerns focus on these things: getting up so i can jog (big failure), what to wear for work, what to eat for breakfast, bus that will give me a comfortable seat, quality circle report and ways on how to cool down from the exasperation and disgust towards my supervisor.

so now, i refuse to be affected by her. excuse me from always giving my immediate boss the space. this will be the last.

Saturday, March 12, 2011

Patience



it is a saturday night and i am still doing our presentation for the quality circle. i had to do this. i had to write this post as i relax myself out of the loathing i felt first, to my supervisor and to the other members of the circle.

i am now in the process of attaching the mail to be sent out to the members of the circle. i remembered my supervisor giving me major parts in the oral presentation which made me think if the half of the whole report i wrote was not enough.

and geez, i have not yet reached my first year at work yet i dread breathing the same air with my supervisor. how much more if i commit myself to stay some more years just to pay my loan?!

anyway, we are almost done. guess i need to buy a whole sack of patience.

*photo taken here.

Friday, March 11, 2011

Panlaban

hello friday!

up to this time, puro hillsongs ang pinapakinggan ko. praise songs. worship songs. all for the sake na hindi ako saniban ng masasamang espiritu at work.

i could say that it is working.

kahit tanung ng tanung ang aking bisor sa mga medical terms. kahit pilit na tinatapos ang report na matagal nang tapos dapat pero dahil sa kaartehan ng ilang tao e ginawa ko ulit. kahit si botcha girl ay gumagawa ng isang nakakatawang haka-haka na analysis kung bakit prinescribe ang isang gamot na pambabae sa isang matandang lalake.

'coz hello? it's friday! hindi ko sila makikita bukas! yay!

Thursday, March 10, 2011

Monster's Shadow

my mom has created a monster.

her voice. her temper. her hands. they were all evident with this monster. the monster has acquired all the traits i dreaded. it is making my life hard because it frightens me on what the monster can do.

in my growing years, i have prayed for the monster to die. to stop living so i can live peacefully with people around me. but, it was difficult. it has been nourished by my mom's shouts and constant domineering ways. i hated her ways but it only fed the monster's hunger.

now, i'm shadowed by the monster. because that shadow comes from me.

Wednesday, March 9, 2011

Positive

hello wednesday!

after punishing my legs yesterday, i am now sitting in my work desk trying to make myself busy. i am almost done with my part for the quality circle and there are no more pending reports.

i am in. in with the regular people working here at the hospital. it does not spark any excitement on my part as i have felt so old with this current job. but, i am setting a goal that is to last more than two years at this hospital!

that would be a great achievement for me since i feel like moving out from a job after working for a year or so. what made me set this goal? i will be applying for loan so i can finish my master's degree. hope i won't regret this decision...

my temper has been on a rampage since yesterday. but in a quiet way. thanks to my office mate who keeps me calm despite the demands of the "boss".

that's it wednesday. i hope i can end this day on a positive note!

Tuesday, March 8, 2011

Bida

sa work, kailangan talaga na kumpleto ang cast like that of a movie. may supporting. may kontrabida. may bida.

kung alin ako sa tatlo, alam niyo na yon. ishashare ko lang naman ang kontrabida sa buhay ko dito sa work. iniisip niyo bang si botcha girl? puwes mali kayo dahil supporting lang siya. ang tunay at nag-iisang kontra sa buhay ko e ang aking supervisor.

sa dami ng mga pinapagawa at paraan ng pakikiusap, nahahigh blood ata ako. hays umentra na naman sa malikot kong isip na ako ay abusado. na ako ang biktima dito.

ganun ata talaga pag bida. at kung lahat ay mabait, hindi na ata work yun. libangan na pag ganun.

Sunday, March 6, 2011

Eight

today, i will give myself a grade of 8 out of 10. let's review the list:

1. smiled to people (even if i did not feel like smiling at some relatives)- check!

2. talked to people- check!

3. asked some people how they were- check!

4. ate the food served- check!

5. projected a "i'm enjoying the moment right now" face- check!

6. helped with the chores they were supposed to do (coz they were the hosts)- check!

7. told something about my life in general- check!

8. told stories about other people- check!

9. prevented myself from grumbling because of not going home early- XXXXXXX

10. kept a smile while on our way home- XXXXXXX

so that's it. a big improvement!

Saturday, March 5, 2011

Connection

today, another bold step was taken.

dahil nga sa mga pangyayari, lalagi muna ang aking di-mapalagay na kaluluwa sa pilipinas. dito muna ako magtatrabaho while trying to make something of my current work.

to make it more meaningful and productive, nagdecide akong mag-aral ulit. i want to expand my opportunities and at the same time, maging connected pa rin sa nursing.



i will be taking my masters degree and hopefully, matapos ko ito. hindi ko nga lang alam kung pano makakaraos sa tuition and other fees. pag nakapasok sa program, i will be starting this summer.

kumusta naman sa araw araw na sched? pero at least, my steps now have direction and they are all going to my destination. i have realized na dati, walang patutunguhan ang mga decisions ko. walang goal kaya ang mga steps e hindi konektado. it took me this long para marealize ko.

but no reason to whine now. i retracted my resignation and the office is happy that i am staying. at si boss e nagsabi pa na wag ka nang umalis at maging head nurse ka na lang dito since magmamasteral daw ako. in fairness sa kanya, ang taas ng tingin niya sa akin kung ano maabot ko in the future.

i told him na hindi ko muna iniisip yun. all i am thinking is the present. i should know from all the tragedies of my not so distant past.

*photo taken here.

**pasensya na rin at sunud-sunod ang posts ko dahil sinapian ako ng kasipagan. isa pa, nakakatamad magpost sa office haha

Haiti



heal the world ang drama sa bahay.

bakit?

pupunta kasi ng haiti ang daddy ko para ayusin ang telecom system dun. how noble of my dad! haha. it happened so fast na hindi pa nabibigay ang kanyang second dose ng anti-cholera e baka umalis na sila ng pinas. scary!

thankful pa rin naman ako dahil kahit papano e may patutunguhan ang graduation ng mga kapatid ko. alam mo naman si mama, kailangan may handa kahit pansit lang. kapag sinabing pansit lang, ibig sabihin nun e mababa sa limang putaheng handa. e good luck naman sa sahod ko at ni ate pag ganun!

so there, heal the world muna tayo. pero heal the cholera muna sana. kasi there is no love in time of cholera. seriously.

*photo taken here.

Putok



kung date ang nagdinner kayo ng isang tao, then kahapon, nakipagdate ako.

mga kaibigan, totoo po ito. hindi po kayo nagkakamali. ang lahat ay nangyari nang di inaasahan kaya hindi naging mahirap para matuloy.

bigla nalang siyang nagtext. ang taong nagpatibok ng puso ko at ang taong sumaksak nito. pero dahil ang drama ko sa buhay ay laging moving on, nakapagmove on na ako at wala ng hinanakit.

kumain kami sa mister kabab. we wanted to taste something arabic. in short, something na mabaho. pero bakit? was it a celebration sa pagkakaliberate ng egypt
ka mubarak? dahil ba nakalayas kami ng ehipto? o dahil hindi na kami matutuloy sa libya?

ewan. basta nabusog ako at nag-enjoy... asaness na naman kahit alam ko na hindi lang niya makasama ang kanyang minamahal dahil sa trabaho kaya ako ang sinama sa dinner.

oh well, we are friends. naging masaya naman ang kuwentuhan namen at we both feel the pains of being a nurse in the philippines.

last night was definitely something new. something na hindi ko usually ginagawa. thank God sa sahod na kakaunti at nakakain na rin ulit ako nito:



amoy putok man, nag-enjoy naman ako.

*photos taken here and here.

Wednesday, March 2, 2011

Desperado

march. another month and another set of days.

this month will mark my seventh month of employment here in my present work. parang ang bilis lang and with my bold decision to stay, everyday is like a new day for me.

may bagong positive outlook at may napakasipag na tono sa kilos.

ganito talaga kapag desperado at wala ng makapitan haha.

cheers!