nagmadali akong nagpedal ng bike ko. umabot naman ako sa train station. exactly thirty seconds bago umalis ang train, nakasakay na ako. pawis at pagod, napangiti ako. i barely made it pero ok lang.
i had a great plan of what i need to do this day. gumising ng maaga, ayusin ang dadalhin pati na ang pagkain. may checklist din ako ng documents.
naging maayos naman ang biyahe ko papunta ng london. i have followed what i researched. ang mga stops pati na ang oras ng biyahe, natumbok ko lahat. habang papalapit na ako ng next train station, inalala ko ang mga dinala ko.
bigla aking nanlambot, nanlumo ako sa aking pag-alala ng mga dinala. nakalimutan ko ang passport! sa lahat pa naman ng mga dapat dalhin, iyon pa ang aking nakalimutan. bumaba ako sa next station at umuwi na ng cambridge.
inisip ko, paano ko nga ba nakalimutan iyon?
naalala ko, minarkahan ko lang ang checklist without putting my passport. nakadagdag din ang kanyang balot na pinagawa ko pa sa thailand. hindi ko talaga siya nalagay sa bag ko.
umiyak ako. nagmukmok sa katangahan.
pero sabi nga ni jake, tumayo ka diyan at maglakad. magliwaliw at alisin ang panlulumo sa isang bagay na hindi mo na maibabalik.
at heto, nasa coffee shop ngayon at nagpapainit sa tulong ng kape. another day and another lesson learned.