i survived my first week in egypt! hay it feels nice na nakaraos ako ng isang linggo dito sa ehipto.
wednesday: naghintay ng mahigit 13 hours sa abu dhabi international airport ng walang pagkain at accommodation sa hotel na dapat pala ay meron. pagtapak mo palang sa airport, iba na ang amoy. amoy kili-kili haha pero kailangang mag-adjust.
thursday: after mahigit 13 hours ng paghihintay, nakarating na rin ng cairo, egypt sabay direcho sa giza, egypt para magpunta sa hospital. had my first egyptian meal na baked chicken ata un, a bad-tasting tomato soup with potatoes, salad na puro cucumber na matigas, dessert na parang gelatin na may niyog ata sa taas at tubig. binigyan din kami ng 700 egyptian pounds for our allowance na kakaltasin din sa aming suweldo. maganda ang flat namin as in engrande talaga. off namin for two days.
friday: gumising nang maaga dahil nag-aadjust pa ang katawan. pinuntahan ako ni kuya hill sa bahay at inilibot sa shiek zayed. tinignan ung bahay na pwede kong lipatan at nagpunta sa mall na malapit dun. ang mall dun e parang supermarket lang ng sm. at ang amoy sa supermarket? tumatagos sa utak mo.
saturday:
Friday, September 12, 2008
Thursday, September 4, 2008
Charltoninho Meets World
isa na akong ganap na ofw hahaha. sa katunayan, naghihintay ako ngayon sa abu dhabi international airport para sa aming biyahe papuntang cairo, egypt. more than 12 hours ang aming hihintayin para sa aming susunod na biyahe at habang sinusulat ko ito, pagod na pagod ang buong katawan.
first time lahat ang mga karanasan ko sa biyaheng ito. simula sa pagpasok sa naia 1 habang nabobo ako kung ano ilalagay sa tray sa mga gamit na titignan hanggang sa nahuhuli lagi ako sa pagchecheck in. first time sa buong buhay ko na labis akong nauhaw sa tubig and yet nag-iisip ako kung bibili ng tubig na nagkakahalaga ng 40 pesos para sa 500ml. first time din na nagugutom ako and yet nagiisip din kung pwede ba akong kumain gawa ng simula ngayon ng ramadan ng mga muslim.
mahirap pala ang mag-abroad. ever since na magkaisip ako, i always wanted to go abroad to live and work there but reality just hit me big time.
well, it is just the start and i still have to make adjustments and condition my whole mind and soul that i need to endure all of these to be successful.
pucha, ang baho lang ng ibang tao dito at napakabland ng mga pagkain. shocks papayat talaga ako dito. at ang mga indians? naku mukhang hindi nila alam ang ibig sabihin ng privacy. napakadaming pinoy dito sa abu dhabi lalong lalo na sa mga duty free shops at mga cabin crew ng etihad airways (ang sinakyan ko at ang flag carrier ng uae). gusto ko ng maligo at magtsinelas!

Monday, September 1, 2008
Libre
kahit medyo puyat at pagod, susulitin ko ang pagkakataon na ito upang makapagsulat at makapagkuwento. aaalis na ko sa aking lupang sinilangan sa darating na miyerkules. pucha, nakakatakot pala na nakakapraning.
hindi na libre pagkain.
hindi na libre tubig.
hindi na libre kuryente.
hindi na libre paninirahan ko sa isang lugar.
hindi na libre pamasahe.
hindi na libre laba.
hindi na libre plantsa.
hindi na libre linis ng bahay.
hindi na libre panonood ng tv.
at lalong lalong hindi na libre sa pag-iinternet at pagbloblog.
naisip ko lang, ang dami palang isasakripisyo sa pangingibang bansa. dati, pangarap kong manirahan sa ibang bansa at maging independent sa lahat ng aspeto. ngunit ngayon, parang hindi pa ako handa. well sa totoo lang, kaya ko naman yong mga gawaing bahay puwera na lang sa paglalaba pero ang pinakapagsubok e yung mabubuhay ako sa kikitain ko.
putik, wag naman sana akong mahomesick nang todo at mahirapang mag-adjust dahil baka maudlot lahat ang mga pangarap sa buhay. mahirap na, madami umaasa hehe. naku wag lang akong bigyan ng mga tao sa paligid ko ng tingin na nagtatanog kung bakit sa Egypt at baka tadyakan ko sila sa kanilang kamangmangan sa aking pupuntahan.
o siya, eto na muna ang mga larawan nung ginamit namin yung gift certificate na napanalunan ko sa Jam 88.3. ang sarap talaga ng libre hehe

Saturday, August 23, 2008
Takot
lumilipas ang araw at unti-unti ay nakakaramdam ako ng kaba. kaba sa kung ano ang puwedeng mangyari sakin dun.
isang taon din yun na bubunuin ko sa ibang lugar. nakakalula. nakakatakot. sana ay malagpasan ko.

Im Happy!
bakit dun? diba delikado dun? san yun? hindi ba nakakatakot dun?
mga tanong na ang tingin ko e bumabakas sa pagiging ignorante ng mga tao na nasa paligid ko. isang patunay na ang karamihan sa atin e naka-kahon sa kung ano ang tinuro ng ating mga paaralan at nalilimitahan ng hindi nalaman o hindi inalam habang nag-aaral. maari rin na ito ay sumasalamin na ang karamihan din sa mga pilipino e hindi mahilig magbasa o tumuklas tungkol sa mundo o kanyang paligid.
bakit kamo? papaano kasi e meron sa mga kabatch ko at iba pang kakilala na sa pambihirang pagkakataon e tinanong ang mga iyon. aaminin ko na naiinis ako at namamangha kung gaano kaliit ang kanilang mundo na ang para sa kanila, maari lang magtrabaho ang isang nurse sa US, UK, CANADA, SAUDI at PILIPINAS.
bakit dun? kasi ang ehipto lang ang tumatanggap sa amin. siya lang ang nagbukas ng pinto para sa amin.
diba delikado dun? san ba ligtas? ligtas ka ba sa PILIPINAS? e sa US, UK, CANADA at SAUDI? o kaya ay ligtas ka ba sa bahay niyo? walang lugar ang tumitiyak ng iyong kaligtasan. lahat ay nahaharap sa mga risks. pero para sabihin ko sa inyo, ang isa sa ikinabubuhay ng mga tao sa Ehipto e ang turismo. nangangahulugan na ang kaligtasan ay isang malaking bagay upang mapanatili nila ito.
san yun? aba, nagtapos ka ng high school e hindi mo alam kung nasan ang Egypt? naku malamang tulog ka nung ituro na ang egypt e nasa north africa. nakakahiya ka, hindi mo alam ito pero nakatapos ka ng high school.
hindi ba nakakatakot dun? hay nako, open city po ang lugar na ito. hindi gaya ng saudi. at nasabi ko na rin na bilang isang tourist spot, pinapangalagaan nila ang kaligtasan ng mga turista sa abot ng kanilang makakaya dahil pinagkakakitaan nga nila ito.
sa totoo lang, naramdaman ko simula ngayon ang sitwasyon na kinakaharap ng mga OFW. in short, feeling OFW na ako ngayon. kinakabahan na nga ako e and at the same time, naramdaman ko ang ilan sa mga emotions na maaring maramdaman ng isang OFW. nag-PDOS na kasi ako kanina and somehow, it was an eye-opener na medyo annoying dahil mas marami pa ang mga advertisements ng kung ano-ano.
basta masaya ako na may trabaho ako. masaya ako na ang ospital na pupuntahan ko e di basta-basta. masaya ako na pupunta ako sa egypt na napakahistoric at majestic ng mga makikita dun. masaya ako kahit papano.

Friday, August 22, 2008
Just Not Right
pinipigilan kong magsalubong ang dalawang kilay ko. mahirap at madugo. isang proseso na hanggang ngayon e hindi ko malaman kung pano ko matutunan. sumasabay ito sa pag-agos ng lahat ng dugo papunta sa itaas na bahagi ng aking katawan. galit ako. violated. treated unfairly. pagod. worn out.
sa nakalipas na mga araw, naging busy ako sa pag-aayos ng mga kakailanganin sa pag-alis ko. yup, totoo. aalis nako by next week. ang sabi e sa Huwebes na daw ang aming biyahe pa-Ehipto. di ba mas maganda kung lahat ng iiwan mo dito e nasa ayos? mas maginhawang bumiyahe na ang isip mo ay malaya sa mga pag-aalala kung. ang kaso lang, ang tingin ko e masyado akong nahihirapan sa pagsasa-ayos ng aking buhay at ng aking iiwanan.
particularly, ang aking pamilya. si mama e patuloy sa kanyang domineering ways at tila pagiging makasarili sa mga pagbili sa mga "wants." si ate na patuloy akong dinidissappoint sa kanyang mga hakbang na ang pakiramdam ko e hindi ko nakuha ang kanyang suporta. ang mga nakakabatang kapatid na pilit namumuhay sa mga baluktot na nakagawian.
sa kabilang banda, ang daddy ko na malayo sa amin e ang tinuturing ko na todo ang suporta sakin. ang weird no? kahit hindi siya physically present, i still feel na nasa likod ko lang siya with all the preparations that i have to do. salamat dad.
pakiramdam ko, hindi ako suportado ng pamilya (except for my dad) ko beyond their material support. i just feel bad. my friends understand me more. it is just so not right.

Wednesday, August 20, 2008
Kailangan Pa Bang I-memorize Yan?
i am gifted with a good memory. it has been helping me get through with my life both as a student and as a person.
i have done a lot with the help of my memory. memorize gazillion information and know everything i need to know. it may seem that having this memory is good but then again, it has its dark side.
last saturday, i had a hard time. all the preparations and the tasks of being a good host had gotten me bad of which my sister all the more exposed my insanity to the light. my mom agreed with her and that was basically the start of my bad days.
up to this moment, i don't talk to my sister. the incident that she exposed to light had made me think again of her as a foe. yeah it is bad i know but i never forget. i always become "historical" and not hysterical when i'm mad. to this, i have thought again of the times that she left me in the middle. of her not having her support me. of her wanting all of us to look at her and hear her stories. most of the time, i am quiet while she does most of the talking. i get annoyed most of the time when she talks about non-sense things like how monstrous Lani Misalucha's face have turned after she went all those cosmetic surgeries, like how rich Willie Revillame is and how irritating their HR personnel is.
my family has known me to be like this. i never forget. when they have said or done me bad, i don't talk to them. they have hurt me and that does not change a thing or two. call me proud and unforgiving but until you recognize your fault, i won't care about you. most of the time also, they succumb to losing this cold war and would start talk to me but all i would do is ignore them. this, is my act for the past two days.
it's wrong i know but you have to understand that i am hurting. i deserve some understanding that the whole saturday, i was working my ass off while the three of you my siblings could not even lend a hand because all of you are not in the house. think about the work that i had to do since jonah was not there as well. you could not even stay up late so you could help us pack up things and i find this quite amusing because all i wanted is that you help us and give me some break because you were having a lot of those.
it is eating me up. my memory has been loyal to me, even in my darkest side. i just need to get these off my mind. i hope it will be gone tomorrow.

Tuesday, August 19, 2008
Ang Kuwento ng Dalawang Ibon
hindi ako magaling sa pakikihalubilo sa mga tao. hindi rin ako biniyayaan ng isang mapanglinlang na mukha. kung galit ako, makikita mo iyon agad sa mukha ko sampu ng iba't ibang emosyon na bumbalot sa akin. dahil dito, ang mga kaibigan ko ay tunay na nakakakilala sa aking buong pagkatao.
san ba papunta to? kamakailan lang kasi e may nabuong parang samahan sa mga kapitbahay namin at ng nanay ko. dalawang pares ng mag-asawa (ung isa hindi legal) ang madalas na kausap ng nanay ko tuwing hapon. ang mag-asawa na isa e magulang ng kasamahan ko sa choir dati. ung isang pares na mas matanda e hindi talaga tunay na mag-asawa. si lolo bon (di-tunay na pangalan) ay may asawa na naninirahan sa u.s. at dala na rin suguro nh kalungkutan at pag-iisa lalo na at may-edad na siya e mas mabuting may kasama siya- si lola tin (di rin tunay na ngalan).
si lolo bon at lola tin ay masasabi kong namumuhay nang maaliwalas. maganda ang pagsasamahan kahit hindi tunay na mag-asawa. narealize ko lang na sadyang maganda na may partner ka sa buhay na andyan hanggang sa huli. eto ang issue dito, kanina kasing nagkukuwentuhan ang nanay ko at ang mga bago niyang tropa, nalaman namin na dinala sa ospital si lolo bon dahil daw sa stroke. hindi namin nalaman kung ano ginawa ni lola tin para madala sa ospital si lolo ngunit napag-alaman namin na dumating ang isa sa mga anak niya. dahil dito, hindi na pinapabalik si lolo bon sa kanyang bahay sa harap namin.
si lola tin ay walang magawa dahil hindi nga siya legal at para bang may himig ng pagdaramdam ang mga anak ni lolo bon na tila pinabayaan siya. para sa akin, tila hindi makatarungan ang gagawin ng mga anak ni lolo bon sa kanya at kay lola tin. alam ko na hindi naman maiiwasan ang mga ganyan sitwasyon dahil pareho na silang tumatanda. silang dalawa ay parehong nakatagpo ng isang relasyon na hindi nakakulong sa mga dokumento o apat na sulok ng simabahan kung saan pinagdudugtong ang kapalaran ng dalawang nilalang na mag-aasawa.
kaya siguro nagtagpo sila e dahil hindi makita ng isa't isa ang pagmamahal na kanilang inaasahan na ibibigay ng kanilang mga mahal sa buhay. alam naming mag-anak iyon dahil nagkukuwento silang dalawa sa amin. hindi ko alam kung dahil sa masarap na pagkain na inihain namin sa piyesta sa kanila o dahil na rin siguro sa edad ni lolo ben kung kaya't nangyari to. para sa aming kapitbahay nila, lubos kaming nalulungkot kung patuloy silang maghihiwalay sa puntong ito ng kanilang buhay.
dati, wala akong pakialam sa buhay ng iba. hindi ko rin nanaisin na lumapit sa ibang tao at magbigay ng oras ko sa kanila. ngunit sa hinahaba-haba ng pagkabakante ko, marami akong natutunan sa buhay. at isa sa mga ito e ang aral na napulot ko sa kuwento nina lolo bon at lola tin.
sa lahat ng oras na kailangan ni lolo bon ng kalinga at pagmamahal, andun si lola tin para ibigay iyon. nakita ko iyon at naging bahagi kami sa kanilang pagsasama. ngayon na tila mapuputulan ng isang pakpak ang dalawang ibon, natatakot ako sa kanilang paglipad patungo sa huling bahagi ng kanilang paglalayag sa mundo.

Sunday, August 17, 2008
Ang Pagpatay sa Isang Anak
sana marunong kang umunawa na hindi lahat ay dapat mong makuha ang kanilang approval sa anumang larangan ng buhay. sabagay, hindi na ako magtataka dahil ikaw mismo ay nagbibigay ng iyong saloobin kahit hindi kailangan.
sana marunong kang makaintindi na hindi lahat ng gusto mo ay tama at dapat gawin. sabagay, bulag ka sa iyong sariling kagalingan kung kaya't hindi mo nakikita ang tunay na angking kinang ng ibang tao.
sana marunong kang makinig sa nararamdaman ng ibang tao. sabagay, bingi ka sa iyong pakiramdam na parang walang karapatang magdamdam ang ibang tao.
sana marunong kang tumalima sa iyong mga pangaral. sabagay, masyado kang dominante na ang lahat ng iyong sinasabi kahit mali ay nagiging tama sa iyong mga mata.
sana marunong kang tumanggap ng iyong pagkakamali. sabagay, magulang ka nga naman. MA-GULANG!
sana marunong kang maging ina ma. masyado na akong nasasaktan. masyado ka nang maraming nasasaktan at habang ginagawa mo ito, unti-unting namamatay ang pagmamahal ko sa iyo. hindi ako katulad nina ate at ng kambal na ibinabaon na lang sa limot ang iyong mga pagkakamali. hanggat hindi mo tinatanggap ang iyong pagkukulang sa pagiging magulang, unti-unti kang mamatayan ng isang anak...

Subscribe to:
Posts (Atom)