how many times do you pray?
i have wanted to ask this question to a lot of people to where i am now. why do they pray a lot of times in the day in the "public eye" and why do they need to send a message that they are praying?
it is not that i am against praying because i pray as hard as i can but the thing is, a lot of us are making it a point that by praying, we are becoming a good people. that by praying, we are now clean.
this has brought me into a question of my own faith. i pray as much as i can and to tell you honestly, when i remember to and when i am in need. very embarrassing indeed if you would consider praying as the act of getting down to your knees and utter your own thoughts and feelings. i believe, that praying is a moment with God anywhere and anytime. even whispering your heart's voice is a moment of praying. so for me, no need to show to the whole world that i am praying right at this moment.
i say hypocrites thrive very well in this place. they say they are religious but they don't work as religious people. they say they are holy but their words are not. they say they are blessed by their own God but they do not extend it to other people.
it is maybe because i am standing on the other edge of the fence that is why i cannot comprehend the fascination of praying publicly for five times but the thing is, when you pray, you get to speak out yourself to the higher being. you shed your self and ask for repentance or whatsoever. well, we may have a lot of reasons why we pray but as for me, a change of heart with openness to the greatness of God is a prayer.
if you can excuse me, i will just pray.
Friday, July 17, 2009
Tuesday, June 30, 2009
I Dare Myself Not
after one post, i feel like i am succumbing to self-doubt and fear of the unknown. irrational, i could not get my mind to think and believe that with God's grace, everything will work for our good.
if you will look into my past, i have made a lot of stupid decisions. years later, i am looking into it with a different perspective. triumphant. fulfilled. but now what?
i know the stakes are higher now. more risks. if i will fuck up on this, what will be left for me are regrets and self-pity.
i hope not. i dare myself not.

Saturday, June 27, 2009
Kambal
nasasakal. napepressure.
naiinis. nabubuwisit.
napapagod. nalulupaypay.
umaasa. nananalangin.
nagiisip. nagmumuni-muni.
nangangarap. nagnanais.
buhay ehipto. buhay nurse.
naiinis. nabubuwisit.
napapagod. nalulupaypay.
umaasa. nananalangin.
nagiisip. nagmumuni-muni.
nangangarap. nagnanais.
buhay ehipto. buhay nurse.
Sunday, June 14, 2009
No What Ifs and No Turning Back
i just made my resignation letter to be sent later this month. yes i am resigning. i am going to pursue my goal, that is, to be able to work in the land down under. and it is because i am tired of working with people who do not know the meaning of professionalism, fair and consideration. i am also tired of fronting my fake smile behind my crushed dignity and wrath-filled blood. so more than two months from now, i am leaving egypt...
*********************************************************************************
People can be really so mean. after all the hard work you did, all you get is pure power tripping from people who are drowning from a glass of new-found authority. can't they just teach their staff, talk to them nicely, reprimand when necessary and appreciate a job well done? by this, i mean to every staff? not just to egyptians.

from the start, i have always succeeded in leaving things where they should be left and taken care of. if i have problems at home, i leave it there. now if you have problems with your girlfriend, do not bring the problem to her fellow Filipinos. be fair and be professional. you are a doctor. our work is no stranger to you. we both work our assess off just to save lives and with that, you should have at least an ounce of consideration.

i am ending this post to where i started- my forthcoming resignation. i am having some doubts and fears about what will happen but digging deeper into it, i know it is the risk that i have to take if i really want to be where i want to be. no what ifs and no turning back.

Saturday, June 6, 2009
Paalam at See You Soon!
nais ko sanang maging masaya sa araw na ito. nais kong ngumiti at magbigay ng isang mainit na pagbati para sa kasaysayan na isusulat ngayon. ito ang araw na aalis ka. ang dalawang taon na nakakapagod na pagtatrabaho sa ehipto ay nagtatapos dito...
pinipilit ko mang maging matatag sa iyong paglisan, hindi ko mapigil na mamighati ang puso ko dahil sa loob ng siyam na buwan, naging parte ka ng buhay ko. at sa puntong ito, masyadong malaki ang puwang na iyong iiwan sa aming buhay dito sa ehipto.
mamimiss namin ang iyong boses at minsang kaingayan na nagpapagising sa nakakaantok na shift sa gabi.
mamimiss namin ang iyong tawa na walang halong pagpapanggap sa iyong tunay na kalooban.
mamimiss namin ang iyong pagtulong sa bawat oras na kailangan naming magextract ng dugo at sa bawat pagkakataon na natotoxic kami sa trabaho.
mamimiss namin ang iyong pagiging maliksi at madiskarte sa mga bagay-bagay sa ccu.
mamimiss namin ang iyong mga kuwento.
mamimiss namin ang pang-aalaska sa iyo.
higit sa lahat, mamimiss ka namin.
shi, ingat sa biyahe at hintayin mo ako sa pinas. kailangan ipagpatuloy ang ating plano na makatapak at mamayagpag sa land down under.

Friday, May 29, 2009
ang buwan at ang kanyang anyo
habang binabagtas ang maninilaw-nilaw na buhangin ng ehipto, tumingin ako sa langit. ang buwan, tila nagmamalaki sa kanyang laki at liwanag sa gabing medyo umiinit na.
wala masyadong tao sa daan. kung meron, mangilan-ngilan lang na kabataan na hindi ko mawari kung ano ang ginagawa sa loob ng sasakyan nila. meron ding mga aso na palaboy lalo na't ang mga aso dito e hindi inaalagaan.
isang buntong hininga ang aking pinakawalan. bukas magsisimula na naman ang aking pakikibaka sa trabaho. simula na naman ng apat na sunod-sunod na gabi ng pagiging alagad ng kalusugan.
tumingin ako ulit sa langit, ganon pa rin. walang pagbabago. tinatanong ko ang aking sarili kung sadyang nagiging apurado ako sa mga pagbabago. sa mga plano. sa mga hakbang.
hati ang aking kalooban sa mga pagninilay ko. may nagsasabi sa akin na kailangan ko nang kumilos sa mas lalong madaling panahon. umalis dito at magsimula ulit sa pilipinas patungo sa aking patutunguhan sa ibang lugar.
may nagsasabi rin sa akin na kung papano ang gagawin ko kung walang mangyari sa akin sa pilipinas? na mapapasama sa mga taong walang trabaho?
tumingin ulit ako sa langit. bumuntung hininga at umaasang may magbabago sa kanyang anyo at sa aking kapalaran

Monday, May 18, 2009
Of Failures, Getting Up and Prayers
I do not dwell in failures.
I welcome them and celebrate the lessons learned.
There is nothing more painful in getting up and fighting back than succumb to utmost defeat and self-doubt. But this is life and that how we should play the game.
No holding back and no looking back.
Life goes on and if one door closes, search for new ones.
I believe that everything happens for a reason and for this, I will wait patiently for the answer and exhaust its meaning to my advantage
Starting with a new perspective and more planning, I can only hope for the best.
God help me...
Amen.

Saturday, May 9, 2009
Siya at Ako
modern ako, traditional siya.
liberal ako, conservative siya.
silent-type ako, may pagka-nagger siya.
madalas, salungat ang aming konsepto sa mga bagay-bagay kaya madalas ang sagutan pag minsan.
hindi ko siya maintindihan, hindi rin niya ako maintindihan.
pero kahit ano pa man ang sabihin niya, hindi ko mababago ang buklod na nagdudugtong sa aming buhay.
kung wala siya, wala rin ako.
kaya ma, happy mothers' day sayo.
mula sa iyong pinaka-independent at pinaka-outspoken na anak.

Thursday, May 7, 2009
May Swine Flu Ata Ako
kahapon, tocino ang ulam ko. the other day, longganiza naman. gawa ito sa baboy. who would have thought na sa ganitong lugar e may longganiza at tocino di ba? nakakatuwa talaga and being the kapampangan that i am, pumasa naman ito sa panlasa ko. now, i really miss my home, the food and of course my family.
sinabi ko bago ako umalis ng pilipinas, hindi ko mamimiss ang pamilya ko kasi sanay naman ako dahil parang kagaya lang ng college ang set-up. makakausap ko naman sila lagi. makikita through web cam. mali pala ako. maling-mali.
nung lunes, eksaktong walong buwan na ako dito sa ehipto. napag-isip ko na mabilis lang din ang panahon ng pamamalagi ko dito pero ang nakakapagtaka, ngayon ko nararamdaman ang pagiging homesick. dumaan ang birthday ko, pasko, new year at mahal na araw pero hindi ako nakaramdam ng pangungulila. kung kelan nalalapit na ang pag-uwi ko, tila lumalakas ang bugso ng damdamin ko na muling mamuhay kasama ng mga tunay na nagmamahal sayo.
epekto siguro ito ng sobrang longganiza at tocino. di bale, nasarapan naman ako tsaka baka matagalan pa bago makakain ulit gawa ng takot ng mga tao dito sa swine flu kaya't pinagpapatay daw ang mga kawawang nilalang sa cairo ayon sa bbc news na napanood ng kasama ko sa trabaho.
inspired by manilenya's post entitled balut, penoy, balut.

Sunday, May 3, 2009
Mapera Daw Ako
nagtataka ako. tinitignan ko ang itsura ko sa friendster. payat daw ako tas iisa lang lagi ang nakikita nilang suot kong t-shirt pero ba't ang daming nag-iisip na marami na akong pera?
natatawa lang ako kasi wala talagang katotohanan yun. ako? na laging nag-aabsent sa trabaho? e dito pa naman pag umabsent e bukod sa wala ka ng sahod para sa araw na yon e may penalty ka pa!
ewan. ang sinasabi ko sa sarili ko, sana totoo na lang yun. na hindi lang sa isip nila kundi sa realidad para makaalis na ako dito.
sakal. eto nararamdaman ko. excitement? wala nun sa trabaho ko.
madalas, tinatanong ko ang sarili ko kung bakit ako nandito. kung sa ginagawa kong ito, nagiging masaya ba ako? ano nga ba ang napapala ko? sa totoo lang sakit ng damdamin sa inis at panggagamit ng mga tao sa ccu. kahit nga mga taga-dito e pareho kami ng nararamdaman. ang kinagaan lang ng sitwasyon nila e wala silang kontrata na hanggang dalawang taon.
maliit lang sahod ko. lagi kong sinasabi na mataas lang ng ilang libo sa may pinakamataas na sahod na nurse sa pinas. un lang. ang pagkakaiba lang e mas mura ang pamumuhay dito at hindi kagaya saten sa pinas.
maraming pera? sana. ganon naman ata halos ang gustong mangyari ng mga tao para makalaya na ako sa kulungan dito.

Subscribe to:
Posts (Atom)