Friday, December 12, 2008

Sulat

Dear Charltoninho,

alam ko na hindi biro ang pinagdadaanan mo sa bawat araw na ikaw ay pumapasok sa trabaho. mahirap. minsan nakakasauka. delikado. madalas nakakainis ang mga katrabaho. minsan sumasama pa sa kadiwaraan ang mga pasyente. tiis lang at tingin sa itaas dahil siguradong may umaalalay sa iyo sa bawat minuto na ikaw ay malayo sa iyong pamilya at nasa gitna ka ng karagatan ng walang kasiguraduhan.

simulan mo ang iyong araw na may ngiti at pasasalamat sa Diyos. lubos kang pinagpala dahil sa libu-libong nars na nasa Pilipinas, may trabaho ka. kung tutuusin, hindi lang basta-basta nars. isa ka sa mga nars na nasa espesyal na lugar kaya ituring mo ito bilang isang napakagandang pribilehiyo.

walang nagsimula na hindi nahirapan. lahat dumadaan sa yugto ng pagsang-ayon sa agos ng iyong paligid. huwag mong madaliin ang iyong pagtungtong sa mundo ng isang propesyunal.

charltoninho, matuto kang tumanggap ng kung ano ang ipinagkaloob ng Maykapal. alam ko na ikaw ay naniniwala na ang lahat ay may dahilan kung bakit ito naganap. manalig ka at itanim sa isip kung ano ang iyong pakay kung bakit ka nandito. tanungin ang iyong sarili kung nasa tamang landas ka pa. maging matalino sa bawat hakbang at matatag sa iyong paglalakbay.

hanggang sa muling pagbibigay ng panahon sa kung ano ang dapat mapagtanto ng iyong sarili.....

Charltoninho

No comments: