Showing posts with label Monster Mom. Show all posts
Showing posts with label Monster Mom. Show all posts

Saturday, May 7, 2011

Salamat

mothers' day bukas.

isa sa mga pinaka-awkward na event sa buhay ko. sunod ang fathers' day. you know my history with my mom. mga pangpelikulang eksena. mga emosyon na nagbabaga. mga paniniwala at kasabihan na pilit kong tinutuligsa.

madami.

pati nung panahon na sinabihan niya ako na sana hindi niya ako ipinanganak sa mundo. at nung sinabi niya na hindi ako magkakaroon ng kaibigan. mga pagbabawal sa pagbabakasyon at pagiging masaya. sa pagrerelax at pakikipagkaibigan.

i am what i am because of her. at sa sinabi ni benj na halos lahat ng theme ng aking mga posts ay nagmumula sa aking ina, tanggapin ko na lang daw siya.

so pagpasensiyahan ako. kung walang emosyonal na pagpupugay.

isang simpleng salamat lamang para sa aking nanay.

Sunday, August 17, 2008

Ang Pagpatay sa Isang Anak

sana marunong kang umunawa na hindi lahat ay dapat mong makuha ang kanilang approval sa anumang larangan ng buhay. sabagay, hindi na ako magtataka dahil ikaw mismo ay nagbibigay ng iyong saloobin kahit hindi kailangan.

sana marunong kang makaintindi na hindi lahat ng gusto mo ay tama at dapat gawin. sabagay, bulag ka sa iyong sariling kagalingan kung kaya't hindi mo nakikita ang tunay na angking kinang ng ibang tao.

sana marunong kang makinig sa nararamdaman ng ibang tao. sabagay, bingi ka sa iyong pakiramdam na parang walang karapatang magdamdam ang ibang tao.

sana marunong kang tumalima sa iyong mga pangaral. sabagay, masyado kang dominante na ang lahat ng iyong sinasabi kahit mali ay nagiging tama sa iyong mga mata.

sana marunong kang tumanggap ng iyong pagkakamali. sabagay, magulang ka nga naman. MA-GULANG!

sana marunong kang maging ina ma. masyado na akong nasasaktan. masyado ka nang maraming nasasaktan at habang ginagawa mo ito, unti-unting namamatay ang pagmamahal ko sa iyo. hindi ako katulad nina ate at ng kambal na ibinabaon na lang sa limot ang iyong mga pagkakamali. hanggat hindi mo tinatanggap ang iyong pagkukulang sa pagiging magulang, unti-unti kang mamatayan ng isang anak...