Showing posts with label Filipino Mode. Show all posts
Showing posts with label Filipino Mode. Show all posts

Thursday, January 28, 2010

Now I Am Thankful

thinking most of the time of living somewhere other than the philippines and being with other nationalities, something hit me really hard.

pao is now based in trinidad and tobago. one of the caribbean countries, the place is such a beauty. it opened a lot of doors for pao and other filipinos as well.

now pao is a nurse and as such, he gets to interact with a lot of people. among them are the new batch of nurses who come from cuba according to him.

when i think about cuba, i think about eva mendez, cameron diaz and the mighty cuban women's volleyball team that won three straight gold medals in the olympics. i also think of cuban cigars, the magnificent beaches and havana.

joking about my fascination of gorgeous cubans, pao told me another side of them. i forgot about fidel castro. of cuba being a communist country.

he told me that these colleagues of ours are forced to work there. their salary sent directly to cuba-to their families and government. they cannot stay there for long. after two years, they are forced to go back to cuba and serve their country.

they were friendly he told me. as locals of trinidad and tobago would tend to be snobbish, filipinos would always sport the friendly spirit that we have.

i will not be ashamed in admitting that almost all my life, i have been dreaming of living in another country and marrying of another nationality. it is not that i do not love our country. it is just that i grew tired of the system in our place.

pao in the end told me that still, we are lucky. we have our phones, access to the internet and can live and work anywhere we want.

it hit me big time. at this, i suddenly thanked God that i was born as a filipino.

Wednesday, December 9, 2009

Anonymous

bakit ang pilipinas hindi kilala sa ibang parte ng mundo?

lagi kasi akong tinatanong kung san ako galing at siyempre kahit papano e proud naman ako na sabihin sa kanila na galing ako sa pilipinas. ito yung mga panahon na ang mga pasyente ko e natutuwa saken tsaka nila sasabihin na, "oh philippines! good people!"

although madalas, sigurado ako na hindi nila alam kung san sa mundo matatagpuan ang pilipinas.

clueless sila saten. nun sa egypt, ang alam lang nilang bansa na nasa southeast asia e malaysia at thailand. tsaka nga pala indonesia. pero walang pilipinas. madalas nakakalungkot ito. walang identity. walang pangalan. sa panahon na inisip ko na sobrang kalat ang mga pilipino sa mundo, nagkamali ako.

nung nagpunta nga ako ng luxor at nagtour kasama pa ang ibang nationalities, may time na magpapakilala kami kung sang bansa kami nanggaling. ala miss universe style ba. karamihan sa kanila, akala daw nila e malaysian ako. gusto ko ngang sagutin na bakit, ganito ba kagaling magenlish ang mga malaysians? hahaha. hindi naman sa sinasabi ko na hindi magaling magenlish ang malaysians pero i know for a fact na may edge tayo sa kanila when it comes to this department.

pero mas mabuti na yung wala kang alam talaga kesa sa mali ang pagkakaalam mo sa ibang bagay. tulad na lang ng isang romanian na nakapangasawa ng pilipino. nagpunta kasi ang mag-asawa sa pinas para magbakasyon at para na rin makilala ang pamilya nung lalaki. pagbalik sa egypt, tinanong siya kung ano masasabi sa bansa natin at ang tumataginting na sagot niya ay puro kahoy daw ang mga bahay natin!

naman! mahirap daw tayo dahil puro kahoy! ang sarap batukan! kasi saken, hindi status symbol ang bahay na gawa sa bahay. mababaw. unreasonable. minsan nga ang mga kahoy na gamit sa paggawa ng bahay e napakamahal. try ka ya niyang magpunta sa forbes park? o kaya sa corinthian gardens? o kaya magpunta na lang kaya siya ng pampanga? kelan ba naging basehan ang bahay na gawa sa kahoy sa estado ng buhay?

sensitive ba? hindi naman. sabi ko nga, mas nakakainis ang kabobohan ng mga tao sa ilang bagay. mas maayos pa kasi ung wala ka talagang alam. matuturuan pa kasi ng tama.

may mga egyptians na nagtatanong kung mahirap ba ang pilipinas. ayaw kong sagutin. kasi parang ang hirap ipaliwanag ang sitwasyon saten sa kanilang mga utak na minsan napapaisip ako kung meron nga ba sila. ang masasabi ko lang, maraming mahirap saten pero meron tayong middle class kasi napansin ko lang, sa kanila, masyadong extreme. as in kung may middle class man, hindi mo pansin. kapag mayaman sa kanila, sobrang mayaman talaga at pag mahirap naman, sobrang hirap naman nila talaga.

nung nakaraan buwan, maraming balita ang lumabas tungkol sa ating bansa. may maganda at may pangit pero lahat, bumubuo ng imahe na ipinapakita natin sa mundo.

minsan, nakakaramdam ako ng hiya kung ano ang lahi ko kapag may mga masamang balitang lumalabas sa media. gusto kong magtago o kaya magpanggap na malaysian na lang ako. o kaya naman isa akong vietnamese, thai, indonesian o kaya burmese. pwede ring galing ng maldives o kaya ng bhutan. basta kung ano lang bang masabi.

ngunit sa bandang huli, ang anumang pangit na imahe ay nilalabanan ko ng aking mabuting gawa at asal. ng pag-aaruga ng isang nurse na pinoy na hindi makikita sa isang egyptian, romanian, indian o ng isang palestinian. ng lubos na paggalang sa sinumang maging pasyente ko. ng mga ngiti na nagpapasigla sa mga nais nang mawalan ng pag-asa.

naisip ko kasi, ito lang ang tanging paraaan para makilala tayo. makilala sa mabuting paraan at mabuting dahilan.

Monday, August 11, 2008

Sapi

Nagsimula ang araw na maayos ang lahat. Umayon sa nakagawian ang gising ng bawat isa habang ang araw ay sumisilip at nagpapahiwatig ng pagnanais na magparamdam.

Umupo siya at nagsimulang humigop ng kape sa kanyang berdeng tasa na may bakas ng kalumaan. Ilang taon na nga ba? Dalawampu at dalawang taon na nga nang masilayan niya ang kanyang mukha. Tila anghel na sumasalubong ang kanyang anyo. Puno ng pagmamahal at pag-aaruga. Iyon ang kanyang inakala. Na laging ganoon ang masisilayan.

Walis tingting ang dumapo sa kanyang payat na binti. Masakit at lumatay. Minsan ay isang makapal na kahoy o kaya naman ay kahit anong matigas na bagay na puwdeng ipampalo e dumadapo iyon kahit sa anong parte ng kanyang katawan. Sinasabihan siya ng walang kuwenta, walang butas ang buto (na magpasahanggang ngayon e hindi niya maarok ang diwa nito), bugok, at perwisyo. Makakarinig din siya na sinasabihan ng tanga, na walang makikipagkaibigan sa kanya at ang hindi niya makakalimutan e ang masabihan siya na kung bakit isinilang pa siya sa mundong ito. Lahat ng mga iyon ay namutawi sa labi ng inakala niyang anghel.

Isang manikang de-susi. Yung ang tumpak na paglalarawan sa kanya. Sa mga kaibigan sa loob ng pamayanan hanggang sa mga sasabihin sa ibang tao. Lahat ay kontrolado. Nang minsan ay masabi niya ang katotohanan sa kanyang tiyahin ay tila gusto niyang putulin ang kanyang dila sa pagsasabi ng katotohanan. Nalaman niya na ang pagsisinungaling ay mabuti, na ang pagtatakip sa mali ay tama lang. Ang kanyang kasiyahan at kalungkutan ay kontrolado rin. Bawal ang maging masaya lagi. Ang madalas na paghihirap ay mainam daw. Iyon ang sabi sa kanya. Sa bubot na isip ay sadyang puno ng hiwaga ang mga ideyang sumasakop sa kanyang pagkatao.

Nahulog ang kutsara. Napitlag siya sa paglalakbay ng kanyang isip. Lumipas ang ilang taon, gimbal at patuloy ang hiwaga sa kanyang tunay na kulay. Isunubo ang isang kutsara ng kanin na hinaluan ng scrambled egg. Nag-isip muli at tinanong ang sarili, "Hanggang kailan ang ganitong kapalaran?" Isang subo muli at binilisan ang pagkain dahil kung hindi ay masasabon na naman siya dahil baka mahuli raw sila sa pagpunta sa simbahan.

Naalala niya si Edward Norton sa The Fight Club. Dalawa rin kasi ang kanyang pagkatao. Isang puti at isang nakakabulag na itim. Ganoon ang kanyang pakiwari sa taong itinuring niyang anghel dati na dapat naman talaga ay maging anghel niya. Linggo ngayon at ang ibig sabihin ay paghuhugas ng mga kasalanan. Isang araw para sa pagmumuni-muni at pagbabago para sa kabutihan. Ito ang dapat na mangyari at asahan. Ngunit gaya ng lumipas na mahigit sa isang libong Linggo, bigo siya. Bigo siya na makamtan ang ganitong kahulugan ng araw na ito sapagkat umulan na naman ng panunumbat at pagsikil sa pagpapahayag ng damdamin.

Wala ba raw siyang karapatan para makasilay ng ngiti ang kanyang mga labi at mukha? Bakit ba lagi na lang napupuna ang kanyang munting kasiyahan samantalang walang sumasakal sa kalayaan ng anghel sa paglustay ng kung ano ang gusto niyang kamtan?

Blangko. Blangko pa rin ang aking isip. Hindi ko na lubos maisip kung pano ako gagawa ng panibagong pangangatwiran sa aking kabuuan bilang tao na ang ginagawa na aking ina ay kailangan kong palampasin dahil hindi puwede kahit magpahagip man lang na ako ay nasasaktan sa kanyang mga ginagawa. Nauubusan na ako ng pampamanhid ng diwa na mali ang lumaban sa kanya. Mahirap. Nauupos ako sa kanyang ginagawang pangingibabaw sa buhay ko sa maling paraan. Nasasabik akong humalagpos sa gapos ng kanyang hindi makatwirang pamantayan sa pagpapalaki sa amin.

Kailangan na ng pangontra sa sapi. Hindi ko maatim na mawala ang gabutil na kabutihan niya na nakatanim sa aking isipan dahil sa bawat sandali ng kanyang sapi, pinapatay niya ang aking pananampalataya na kalooban ng Diyos na maging nanay ko siya.

Saturday, August 9, 2008

Limang Araw


ilang araw na nga ba ang nagdaan nung huli akong nagsulat para sa aking blog?

limang araw. maikli at maliit na bagay kung ituturing pero sa mga nangyari saken ngayon linggo e masasabi kong napakalaking bagay na nito.

a.) una- naayos ko lahat ang mga dokumento na kailangang ipadala sa australia matapos ang mahigit tatlong araw ng pagaasikaso. bawat araw ay nangangailangan ng humigit kumulang na dalawang oras para sa pagpila, dalawang panyo o bimpo para sa pampunas ng pawis, isang pamaypay panlaban sa init, maraming pera para sa mga bayad sa mga dokumentong kailangan, dalawang tig-500 ml na tubig para sa uhaw at limang libong pagtitimpi sa mga taong walang pakundangan kung mang-inis sa iyong pagpila at sa kanilang katangahan.

b.) ikalawa- nakapagsabi na ako sa IDP na ipadala nila ang resulta ng aking IELTS sa australia kapalit ng tumataginting na P1,400 para makarating ito doon sa loob ng tatlong araw. taliwas ito sa mahigit isang buwan na paghihintay para naman makarating ang stateboard verification ko doon mula sa prc sa halagang P101.

c.) ikatlo- nakauwi na si weng at dala ang isang daang kuwento ng kanyang mga karanasan sa malaysia sa pakikipagtunggali sa pagsagwan. nakakatuwa ang mga karanasan niya at siyempre pa, nakakatuwa ang kanyang pasalubong. may kasama pa palang pansit ang pagdating niya. salamat weng.

d.) ikaapat- nakilala ko si ate aireen na pareho naming gustong manirahan sa australia at doon ay magtrabaho. naging makabuluhan ang aming maikling pagsasama dahil para kaming magkakilala nang sampung taon sa aming mga kuwentuhan. isa itong pagbabago sa aking tingin sa sarili na ako ay kulelat sa pakikipagkapwa-tao lalo na sa mga estranghero.

e.) ikalima at panghuli- dumating na ang go signal para mag-ayos na ng mga kulang na dokumento para sa egypt! ibig sabihin, malapit na akong umalis! yay! ang saya dahil dumating din ang pinakahihintay ko na pagkakataon. subalit, naiipit naman ako ngayon kung kakayanin ko ba ang pagkuha ng NCLEX.

ang daming nangyari na dapat na alalahanin. tulad na lang ng araw na ito. sadyang pambihira dahil ito ay sumisimbolo sa 888. simula pa ng olympics. subalit, mas maganda siguro kung ating tatandaan na ang bawat araw ay mahalaga at dapat na alalahanin. bawat araw ay espesyal. bawat araw ay hindi na muling maibabalik.

Saturday, August 2, 2008

Eulogy sa Iyong Shitteous na Buhay My Friend

Dahil nangako ako sa iyo Benj, last na talaga to. Hindi ko lang mapigilan ang sarili ko matapos akong tawagin na pabigat sa mga magulang ko (which my parents never told me) ng isang pseudo-friend.

Yup I am closing my hangups sa isang low-life creature with this entry. Enough is enough. You have done a lot of damage into my beautiful canvass called my life and partly, responsible ako dun. So here I am closing this "little" part with this eulogy to your shitteous life that I have viewed yours as dead long before you reached puberty.

Thank you for you have showed me how great my life is. Sa lahat na lang ng oras na nagkikita tayo, laging ang mga daing mo sa paghihirap sa pag-aaral ang bumubungad saming mga tenga. Nakakasawa. Nakakainis. Manonood na lang ko ng mga balita kesa makinig sa yo.

Thank you for making me realize that I have stood with the simplicity of life not complicating it with frustrations rooted on your ancestors. Mahirap nga kalagayan namin as nurses but I am just so thankful na nurse ako at hindi miserable katulad mo. I know this shit na nangyayari samen e lilipas din. E yung iyo? Friend, wala ka pa sa tunay na kalbaryo niyo.

Thank you dahil sa kayabangan mo, nadidistinguish namin ang dapat na pag-uugali ng isang tao. Sabi nga ulit sa text ni benj, kung gano man kascrewed up ang buhay mo, hindi ka pa rin useless dahil pwede kang gawing bad example. At iyon ang isa sa nagiging papel mo sa amin.

Thank you dahil sa mga delusions of grandeur mo, alam namin na normal kami at grounded pa rin kahit papano. Minsan sana, gawin mong kapani-paniwala ang mga sinasabi mo kahit konti lang.

Thank you dahil sa pagiging user-friendly mo, natuto kami sa mga pinapagawa mo habang ikaw ay walang hirap na nag-eenjoy sa buhay mo free from your responsibilities. Tyong matuto ka naman maging multi-tasker, independent at resourceful. Pinagkakalat mong magaling ka e simpleng paggawa lang ng diagram sa MS Word hindi mo magawa. Tsk Tsk Tsk

Thank you dahil sa pagiging selfish mo, mas nag-eenjoy kami kapag wala ka o paalis ka na sa outing ng tropa. Promise, ang saya namin!

O siya, nakakarami ka na sa space kahit hindi dapat. Hay tapos na ang kabanata sa buhay ko na pinapangit ng isang nilalang na hindi ko alam kung bakit ko pa nakilala.

Paalam sa yo! (Yes!!!!)

Thursday, July 31, 2008

Cheapo

I'm cheap.

Hindi naman kami ganon kayaman. Tama lang and nakakaranas din kami ng mga crisis sa pera. Pinalaki kami nang hindi sumosobra kung ano ang kaya namin. Maaga pa e pinamukha na sa amin na hindi namin kayang bilhin ang lahat ng gusto namin. To this, I must say na naging mabuti ang mga magulang namin.

Nakapag-DLSU ako at lahat kaming magkakapatid e nakapaguniversity naman. Dahil sa paghihirap ng dad ko at pagbubudget ng mom ko, lahat ng priorities ay napagtutuunan naman ng pansin.

Enough of my cheapo history. Heto, nanalo na naman ako sa Jam 88.3! Haha talagang naghanda ako for this day. And I won this:


Hindi ako agad nagdinner para lang matiyempuhan yung cue na kailangan ko nang magtext. Medyo nahirapan din ako na magisip ng icocomment ko sa album ni Maria Mena kasi siyempre, kailangan pa-impress pero hindi dapat masyadong halata hehe. Dapat din pala na may pagkaheartfelt yung comment mo para mas natural kaya ang sabi ko, "Maria Mena sings like your bestfriend. From the soothing voice to the honest lyrics that never fail to touch your heart, she is truly a rare gem like a friend." Mejo corny no? Pero okay lang, panalo naman e.

Paborito ko kasi yung kanta niya na Never Mind Me. Pwede kong ulit-ulitin ng sampung beses tong kanta niya dahil sobrang nagagandahan ako sa lyrics at melody. Apparently, affected ako sa bawat kanta niya kaya nagtiyaga talaga akong hintayin yung segment ni Lana para lang malaman kung ano gagawin para makuha yung CD niya. Try niyo:


Sa bahay, wala pa sa sampu ang mga original cds. Kung hindi pinaburn e pirated ang mga yun. Mahal kasi yung original kaya sa pagkapanalo ko nito, dagdag na sa mga orig ang cd nato. Last Friday, nakuha ko na yung gift certificate at comic book na napalunan ko din sa Jam. Haha nakakatuwa naman.

So ayun. Cheapo talaga ako. Kumakain ako kahit san tsaka mahilig din ako sa ukay. Ang phone ko? Nung third year college pa ko. Mahilig din ako sa 3-in-1 na kape, kumain ng complete na burger sa hepa lane sa morayta at kumain ng fish balls dun. Hindi rin kami nakacable. Kaya nagtitiyaga na lang ako sa mga pirated na dvd para mapanood ung mga palabas sa US na gusto kong panoorin. Hindi rin kami nagpapacarwash. Kami-kami lang naglilinis ng sasakyan namin.

Nangangarap din naman ako na mamuhay ng mas masagana pa dito pero, tska na. Marami pa kong dapat na pagdaanan at paggastusan na mas importante. Wala pakong karapatan na mamuhay marangya kasi wala pa naman akong nararating. Pero heto ang malinaw, I won't work forever as a nurse. I'll put up a business and come up with a better plan than my dad. Nakikita ko kasi na dad is working really realy hard when in fact, you can do otherwise but still have all your needs answered.

Sa ngayon, masaya naman ang maging cheapo. Cheapo sa ilang bagay dahil kapag sa mas mahahalagang bagay, hindi kami nagtitipid. Nakakakuha naman ako ng mga bagay na gusto ko sa mas murang paraan, minsan, libre pa nga.

Nga pala, salamat ulit JAM 88.3 at sayo Lana!

Wednesday, July 23, 2008

Thank God!

Nagkausap na kami ng parents ko. Somehow, lumiwanag ang isip ko. Ang ganda lang ng pakiramdam kasi alam mo, hindi ka nila minamadali. Walang pressure. They fully support you because they also understand my situation.

Nagmessage nako sa Friendster niya mismo. I just hope he answers. Nanghihinayang din ako sa pinagsamahan namin.

Benj, Banjo, Lein and Poan, thank you so much for listening to me. You are truly precious in my life. Salamat talaga. Kaluguran da kayu.ú

I know God will not forsake me. Just lead me Lord to whatever plans You have. Use me to whatever purpose You desire for me.

Tuesday, July 22, 2008

Eight Days to Go!

People, pwede niyo bang sabihin saken kung gano kahirap magreply sa email when in every other two days or so, nakakapaglog ka sa friendster?

I just find it odd dahil after all ng pinagsamahan sa pag-aayos ng papers, ganon na lang ba? Dahil nauna ka saken dun e kakalimutan mo na ko? Siguro karma to gawa ng pagsabi ko sa kanya dati na huwag na siyang magreply sa isang kakilala na naging prof ko naman sa school. Pano ba naman tong si prof, inaaway tong kasama ko e di siyempre mas logical na huwag nang pansinin si prof. Pero ba't ganun? Wala naman akong naalalang ginawang masama sa kanya para di siya sumagot saken.

Nagcocomment naman ako sa Friendster niya pero di pa rin siya sumasagot saken. Hay. I guess people are being people- insensitive at downright blunt. Well, ako to. Malay natin busy siya pero pwede rin sa kanya kung tama nga na nakalimutan na niya ako. Anyway, I am keeping my faith till August. I still have eight days to go to decide kung ipu-pursue ko pa ang Egypt. I'm sorry God if lumilitaw na binibigyan kita ng deadline. Kaso kasi, I feel na ang dami kong nasasayang na time.

Sexy!

Share ko lang tong text message na pinadala saken ni cams.

Kung magkakasexy movie ka, anong title ang gusto mo? Pili na!

1. Ang Kati ng Higad Mo

2. Napagod ang Bunganga sa Laki ng Tilapia

3. Ulo Pa Lang, Ulam Na

4. Gising na si Adan

5. Pasalat ng Peklat

6. Bubudburan Ko ng Niyog ang Mainit mong Pichi-pichi

7. Lawayan Mo Baka Mausog

8. Kapag Gumabi, Bumubuka ang Kabibe

9. Wag Mong Kamayin, Baka Mapanis

10. Nang Binuklat ang Aklat ni Isabel

11. Damang-dama Ko ang Galit Mo

12. Nang Tumapon ang Nata ni Cocoy

13. Langitngit ng Papag

Haha. Enjoy!

Monday, July 21, 2008

Umaaraw Umuulan!

Ang sarap ulitin ng kantang to.

Sige matutulog na muna ako. Kahit papano, bumuti na rin yung nararamdaman ko. Sana bukas iba naman ang maging kinalabasan. Goodnight! Heto yung kanta, Umaaraw Umuulan ng Rivermaya. Bye!

Saturday, July 19, 2008

Oo ALam Ko!

Hay ba't ganon ang buhay?!

Five months na at ganon pa rin- naghihintay! Hanggang kelan nga ba ko maghihintay? Tsaka, pano ba malalaman kapag kailangan mo nang igive-up ang isang bagay na hindi na darating?

Pano ba masasabi na kailangan nang magmove-on? Sa totoo lang, ang hirap kapag wala kang masagot sa mga tanong na to. This week kasi, nagtext ako sa office kung may nasisilip ba silang pag-asa na aalis pa ko papunta ng Ehipto. At sa awa ng Diyos, wala pa raw silang natatanggap na email na paalisin nako.

Limang buwan. Yes! Tumataginting na limang buwan na ang lumipas nang maisipan kong subukan ang aking kapalaran sa ibang bansa. Ngunit sa mga di inaasahang pagkakataon, napag-iwanan ako kasama ng dalawa pa. Ang lupit di ba? Sana nakaisang buwan nako dun o kaya dalawa pa kung naisama ako sa unang batch. Minsan nga napapraning ako kung dahil ba wala akong experience o kung dahil ba ina-assign ako sa icu kahit walang experience kung kaya't hindi pa nirerelease ang visa ko.

Sa pagkakaalam ko naman, may mga fresh grads na kagaya ko ang nauna na saken kaso sa ward nga lang sila naka-assign. Yup, engrande ang area ko at ewan ko kung tama ba to. Madalas, kinakabahan ako. Kinakabahan kung ano mangyayari saken dun. Aaminin ko, hindi pa ako nakakalabas sa isla ng Luzon! Ibig sabihin, hindi pa rin ako nakakasakay ng eroplano o kaya barko na nagbibiyahe (nakasakay na kasi ako sa MV Doulos). Kaya excited din na kinakabahan.

Kagabi, nagkausap kami ng nanay ko. Nagupdate ako sa kanya na 'yun nga, wala pang balita kung aalis ako. Tinanong niya ko kung ano na balak ko- kung magNNCLEX o ituloy yung trabaho sa abroad. Sabi ko, maghihintay ako hanggang August para sa Egypt. Kung wala, magNNCLEX ako. Pinaka-emphasize ko na I want all options to be explored. With that, bumalik sa usapan ang pagpunta sa Australia. Dati, nagbabalak ang parents ko na pa-aralin ako dun ng three months then I'll be able to work as a nurse dun. So nagIELTS ako which I passed para sa qualifications sa Australia and nag-ayos ng mga requirements. Kapapasa ko pa lang nito at ang tatay ko e nasa Melbourne pa nun so it seemed okay na tumuloy dun. Ang problema at ang pinakamasakit na katotohanan e ang bulok na sistema ng ating gobyerno ang pumigil sa akin sa planong yon. Pano ba naman, 6 months pa ang hihintayin ko bago makuha ang board certificate! (FYI: ang board certificate ay yung document na parang diploma na galing sa PRC)

Naiintindihan ko na sadyang marami ang bilang naming mga nurses na pumasa at sa ginhawa ng tadhana, ang aking napakagandang apelyido e nagsisimula sa letrang 'S.' Kumusta naman, aabutin ng siyam siyam ang paghihintay dahil kailangang mauna pa sa akin ang mga nilalang na may apelyidong nagsisimula sa letrang 'A' hanggang 'R.' Siguro ito ang gusto ng aking kapalaran dahil sa mga ganitong panahon e natapos na ang kontrata ng aking mahal na ama at kinailangan na niyang umuwi dito sa Pinas. Nangangahulugan lamang na wala na akong pang-aral sa land down under. In short, change of plans na naman. So NCLEX, ikaw naman ang haharapin ko.

Maximum of six months ang hihintayin. Ito ay para lamang sa eligibility. Bukod dun, gagastos ka na ng mga sampung libo sa pagprocess ng mga papers na ipapadala. Habang naghihintay, review na ang aatupagin ko. At dahil sa mapagbirong tadhana, hindi pa rin makakita ng trabaho si ama kung kaya't naisipan kong mag-apply na sa mga hospitals sa Manila at Pampanga para naman e hindi na ako maging pabigat sa bahay. Ayun, apply lang ng apply hanggang nagsawa kami ni Sheng sa kaka-apply. Putik, wala man lang tumatawag samen! Haha nakakatawa dahil kung sino man ang nagsabi na naghihintay ang trabaho para sa amin ni Sheng na may parehong karangalan nung nakatapos ng kolehiyo ay mali sila.

Fast forward sa year 2008 (kasi mga bandang August 2007 lahat nagstart ang pag-aapply sa Ausralia). Wala pa ring tumatawag! This time din, nakaka-ilang buwan na rin ung mga pinadala naming documents para sa NCLEX. Siyet, ang hirap na ng sitwayon ng mga nurses dito sa Pinas! (Alam niyo na kung bakit based sa previous posts ko.) So being the resourceful that I am, naghanap ako sa Manila Bulletin ng mga job openings. Minsan, si dad din ang naghahanap for me until nga na masumpungan ang sa Egypt. Pasok ako sa requirements kaya yun, nagpasa ako. After a month, tinawagan ako for interview sa March 28 at naranasan ko ang unang job interview na parang hindi. Kasi, ung Egyptian na nag-interview, sinammurize lang yung laman ng contract. At bilang si desperado at hayok sa magandang pagkakataon, pumirma ako agad. In a week, nakapagfile ako ng mga documents na kailangan.

After a month, okay na lahat incuding the medical exam. After a month, isa pang month, isa pang month, isa pang month at isa pang month. Ganun na, wala nang nagbago. Naghihintay pa rin ako. Next week, umaasa ako na may magtext sa akin na narelease na ang visa ko. Pano naman, matatapos na ang July! Ang huling sabi kasi sakin, baka daw by end of July since kami nalang ang napag-iwanan and wala nang iba pa. Kaya daw kailangan na raw nilang mag-interview pa.

Whew. Matagal naba? Sobra na ba? Oo alam ko matagal na. Alam ko rin na kung di ko tinuloy to, baka nagtatraining nako sa Medical City o St Luke's. Alam ko rin na sana USRN na ako ngayon since maayos naman na yung mga requirements ko. Alam ko rin na sana nakapagtrabaho muna ako. Alam ko rin na martyr ako sa paghihintay. Alam ko rin na patient ako after all those years na nagdevelop ang mga muscles ko sa thigh at calf gawa ng mahahabang pila sa FEU at PRC. Alam ko na may pagkadumb na itong decision ko.

Sa lahat ng ito, alam ko kasi na naghintay nako nang ganito katagal at marami na akong pinalagpas na pagkakataon kaya ngayon pa ba ako susuko at bibigay?

Thursday, July 17, 2008

Hangganan


Nagbabadya
ang isang rebolusyon
sa
pamamagitan ng
pagbabago.


Yumayakap sa mga
balikat ng tagumpay
ang
mukha ng
pagkapagal.


Humahalik habang
sinasamyo ang
isang
hangin ng
pag-asa.

Saturday, June 21, 2008

Mga Nakakakiliting Eksena Part One

Unang Eksena:

Habang naghihintay magbukas ang auditorium, naupo muna kami sa mga upuan sa tabi. Dumating si Mr/Ms. S_t_ na may mga dalang papel at nagsimulang makipag-usap sa akin at sa mga kaibigan ko.

Walang Kasarian na Prof (WKP): Di ba naging estudyante ko kayo?
Ako: Opo sir!
Mga Kaibigan (MK): Yes sir (Ma'm?)! Sa fast track po sir. Acute Biologic Crisis po yung topic niyo samen.
WKP: A oo. Natatandaan kita (ang tinutukoy niya e ako). Magrereview ba kayo ngayon?
Ako: Opo (Naghihintay nga kami dito para sa review. Ano ba!).
WKP: Nga pala, nagmamasteral kasi ako ngayon. Nasa implementation nako ng thesis ko. Pwede niyo ba kong tulungan?
MK: Tungkol po ba saan yan sir(ma'am?)?
WKP: Tungkol siya sa preparedness ng mga students to take the nursing licensure exam. Qualified naman kayo for the study.
Ako: Sige po.

Siyempre, sa paniniwala namin sa good karma (dahil malapit na board exam nun) at sa hirap na dinanas namin sa research, tumulong kami at sumali sa kanyang ginagawang pag-aaral.

WKP: Malapit na exam niyo no?
MK at Ako: O nga po e.
WKP: Nakakatuwa nga kasi yung apat na magna cum laude (kasama ako sa apat) e hindi man lang pumasa sa preboard niyo no? (Nakatingin siya saken nito)
MK: O nga po e. Marami naman po kasing mali sa mga answer keys.

Nainis ako. Pinapatamaan ba niya ako? Nanadya ba siya? Alam ba nito ang kapasidad ko? Siyempre ayokong magpa-api.

Ako: Mahirap din po kasi yung exam.
WKP: Mahirap ba?
Ako: Opo. Anyway sir, sa'n po kayo nagmamasteral? (Gumagana na utak ko kung pano makaretaliate sa "napakagaling" naming professor)
WKP: Sa PLM. Adviser ko si Mam Glenda. May alam ba kayong statistician? Kasi yung gusto ko siya na lahat gumawa.
Ako: Naku sir may kilala kami kaso, kami rin ang nagsosolve. Siya bale yung nagguguide samen. Kasi, under kami kay Mam EDC! (The pillar ng FEU-IN) Gusto po kasi nila, kami ang nagcocompute basically.
WKP: Talaga?
Ako: Pati nga po ung pagcompute e manual lang. Walang computer. Tska po para alam namin yung ginagawa namin. Hindi yung nagpapagawa lang. Sa defense po kasi namin, nacocompute kami on the spot.
WKP: A ganun ba? (Tumatango na lang)
Ako: Opo. Anong method po ang ginawa niyo para macontrol ang extraneous variables niyo?
WKP: Huh. Ano lang e. Simple lang.
MK at Ako: Tapos na po. E sir, pano naman po yung research design niyo? Pati po yung sampling niyo?
WKP: Thank you ha. Uy alis muna ko. Salamat ha?
MK at Ako: Sige po!

Nainis ako. Nabuwisit dahil hindi ko alam kung ano dahilan niya kung bakit nasabi niya yun. Habang pinapakalma ako ng aking mga kaibigan, napagtanto ko na ipapakita ko sa kanya na kaya ko. Na hindi ako isang Magna na nakuha lang sa pagpapasipsip at pagbibigay ng regalo (kilala niyo kung sino?). At yun ang ginawa ko hanggang sa maging RN ako.

Naawa ako sa kanya. Hindi ko alam kung naiintindihan ba niya ang ginagawa niya sa research niya. Ayokong magmukhang bitter kaya sinasabi ko ang mga ito pero sa naging karanasan kasi namin sa kanya,hindi siya epektibo bilang guro. Mas nanaisin pa naming magkakaklase na umuwi at magbasa na lang ng libro.

Hindi ko na siya nakita ulit sa school. Ewan ko kung natapos niya yung graduate studies niya. Bahala na siya, basta ako, napatunayan ko na ang aking karangalan ay hindi hungkag. Pinaghirapan ko ito at nagpapasalamat ako na pinarealize niya sa akin na hindi ako magiging kagaya niya...

Thursday, June 12, 2008

Para Sa Iyo Robi




Matagal ko ng gusting sabihin ‘to- SALAMAT! Salamat Robi dahil ginising mo ‘ko sa pagkatulog ko, sa pagkahinto ng pag-abot ko sa aking mga pangarap.

Nakita kita nung una palang bilang isang mabuting kabataan. Nagustuhan kita bilang housemate kasama si Rona, Pris at Valerie. Sa paglipas ng araw, unti-unti akong bumilib sayo. Mabait ka. Isang magalang, mapagkumbaba, maaalahanin at maka-Diyos na kabataan. Isang mabuting anak at kapatid, masipag na estudyante at tapat na kaibigan. Nakakapagtaka ka dahil sa mura mong edad, nagpakita ka ng pambihirang maturity at sense of responsibility. Maraming nagduda sa iyong sinseridad, kung totoo ba ang lahat ng pinapakita mo. Maski ako ay nagulat sa iyong mga reaksyon sa anumang sitwasyon na kinaharap mo.

Sinampal mo ‘ko, sinampal mo ko sa aking pagkamanhid. Ginising mo ang pagkahimbing ko sa isang sitwasyon ng aking buhay. Pinadama mo sa akin ang mga kamalian ko sa aking buhay. Sagad hanggang kaluluwa ang ginawa mong paggising sa akin. Binago mo ako. Napagtatwa ko ang anumang kamalian sa buhay ko at nagyon ay pinipilit ko itong baguhin.

Hindi ko lubos maisip na isang lingo na pala ang lumipas nang pumila ako para lang makakuha ng ticket sa Big Night niyo gayundin ang araw-araw na pagtetext upang ika’y iboto. Hindi ko lubos na matanggap na ang nagsilbing inspirasyon ko e hindi ko na madalas mapapanood. Nabubuhay na lang ako sa paggunita sa mga ginawa mo sa akin. Nahihirapan ako dahil sa tingin ko, sadyang malakas ang nagging dating mo sa maraming manonood at kabilang ako doon.

Nakakahiya mang sabihin pero mas matanda ako sa ‘yo ngunit, ikaw pa ang nagturo sa akin. Sa TV, nakita ko ang sarili ko sa ‘yo kaya’t naiyak ako nung hindi ikaw ang tinanghal na Big Winner. Naramdaman ko kasi na parang ang mga kagaya natin ay ikinukulong sa mga stereotypes na meron sa ating lipunan. Masakit at unfair kung titignan pero aking napagtanto na hindi matatawaran ang iniwan mo sa amin Robi. Sabihin man na gasgas, ikaw ay tunay na nanalo sa puso ng marami.

Ngayong wala ka na sa bahay, pare-parehong magsisimula ang buhay natin. Masaya ako na sa aking paglalakbay, natagpuan kita at ng iba pang naniniwala sa ‘yo. Salamat at congratulations!

Friday, May 16, 2008

Promise

I may be rushing things in my life. For weeks, I always end up being weary of my future, of my career. It is like I am so tired of waiting.

After so many months, I still don't have work. Patience, patience. I can still remember what Morgan Freeman said in the movie Evan Almighty that when you ask for patience from God, doesn't He give you opportunities to practice patience? Well, this is maybe the opportunity for me to practice my patience and eventually, I can become patient.

In the past, I always end up realizing that the time I waited for something, I learned a lot and the timing couldn't have been the best. Yes, God's timing is always perfect and I should be trusting Him.

This is it. This will be my last time that I will complain and whine about my situation. This is a promise to myself.
originally posted on friendster last november 18, 2007