Thursday, June 12, 2008

Para Sa Iyo Robi




Matagal ko ng gusting sabihin ‘to- SALAMAT! Salamat Robi dahil ginising mo ‘ko sa pagkatulog ko, sa pagkahinto ng pag-abot ko sa aking mga pangarap.

Nakita kita nung una palang bilang isang mabuting kabataan. Nagustuhan kita bilang housemate kasama si Rona, Pris at Valerie. Sa paglipas ng araw, unti-unti akong bumilib sayo. Mabait ka. Isang magalang, mapagkumbaba, maaalahanin at maka-Diyos na kabataan. Isang mabuting anak at kapatid, masipag na estudyante at tapat na kaibigan. Nakakapagtaka ka dahil sa mura mong edad, nagpakita ka ng pambihirang maturity at sense of responsibility. Maraming nagduda sa iyong sinseridad, kung totoo ba ang lahat ng pinapakita mo. Maski ako ay nagulat sa iyong mga reaksyon sa anumang sitwasyon na kinaharap mo.

Sinampal mo ‘ko, sinampal mo ko sa aking pagkamanhid. Ginising mo ang pagkahimbing ko sa isang sitwasyon ng aking buhay. Pinadama mo sa akin ang mga kamalian ko sa aking buhay. Sagad hanggang kaluluwa ang ginawa mong paggising sa akin. Binago mo ako. Napagtatwa ko ang anumang kamalian sa buhay ko at nagyon ay pinipilit ko itong baguhin.

Hindi ko lubos maisip na isang lingo na pala ang lumipas nang pumila ako para lang makakuha ng ticket sa Big Night niyo gayundin ang araw-araw na pagtetext upang ika’y iboto. Hindi ko lubos na matanggap na ang nagsilbing inspirasyon ko e hindi ko na madalas mapapanood. Nabubuhay na lang ako sa paggunita sa mga ginawa mo sa akin. Nahihirapan ako dahil sa tingin ko, sadyang malakas ang nagging dating mo sa maraming manonood at kabilang ako doon.

Nakakahiya mang sabihin pero mas matanda ako sa ‘yo ngunit, ikaw pa ang nagturo sa akin. Sa TV, nakita ko ang sarili ko sa ‘yo kaya’t naiyak ako nung hindi ikaw ang tinanghal na Big Winner. Naramdaman ko kasi na parang ang mga kagaya natin ay ikinukulong sa mga stereotypes na meron sa ating lipunan. Masakit at unfair kung titignan pero aking napagtanto na hindi matatawaran ang iniwan mo sa amin Robi. Sabihin man na gasgas, ikaw ay tunay na nanalo sa puso ng marami.

Ngayong wala ka na sa bahay, pare-parehong magsisimula ang buhay natin. Masaya ako na sa aking paglalakbay, natagpuan kita at ng iba pang naniniwala sa ‘yo. Salamat at congratulations!

No comments: