Showing posts with label Plan. Show all posts
Showing posts with label Plan. Show all posts

Thursday, November 13, 2014

Friday, October 10, 2014

106 Days

binilang ko ang araw bago sumapit ang araw na pinakahihintay ko.  106 days kung tama ang aking bilang.  mahaba din yun.  maraming pwedeng mangyari sa panahong iyon.

isang buwan nga lang ang lumipas mula nang magresign ako, tinamaan ako ng iba't ibang damdamin.  i was depressed, hopeless, bored, excited, anxious and inspired.  para na akong baliw.  i cannot stop thinking when it will be or if it will ever come.  kung matutuloy nga ba ang mga naset ko nang goals sa buhay through working overseas.

sabi ko nga kay nam lagi na lang may aberya.  pero matalinhaga niyang sinabi sa akin na dadating din iyon pagdating ng panahon ayon sa pantas na si aiza siguerra.  how profound!  pero sige.  aaliwin ko na lang ang sarili ko.  i will try to be at my best bago dumating ang 106th day.  i will try to be more productive and be better at my body.  at oo, susubukan ko ang napagtagumpayan ni nam noon- ang sumulat araw araw.  subalit sa version ko, susubukan kong sumulat araw araw sa loob ng 106 days.

i know it is a kind of defense mechanism.  trying to distract myself from the pressing issue but i want to keep my sanity that is why i am doing this.

106 days starting today.

Sunday, May 6, 2012

Sick

ayun.

i am again blogging. thanks to a fever and colds, i was able to blog. quick update lang. i am done with two assignments and there is only school requirement that i need to pass. don't you worry because i am currently finishing it. just taking a break.

currently on a sick leave, i plan to finish my portfolio and take more rest before over time at work will keep me from doing so.

with work, there is a weird feeling of enjoyment and fulfillment at the same time.





Thursday, April 28, 2011

Small Voice

now i have a reason. i know now what to say if the time comes for me to transfer to the nursing division.

i just can't help myself but to feel for the nurses and doctors against the unjust and premature judgments of people i work with.

as much as i try to explain to them that what you see is just the tip of the iceberg and that patients are unique in their signs and symptoms, their brains are closed to try listening to the small voice that i have in the office.

now i will have to wait for few more months. january to be exact for my attempts to break my separation from nursing. i truly miss nursing.



i just don't want that small voice to die. all i have now is nursing.

*picture taken here.

Monday, April 4, 2011

Fairy

i have never wanted to fail an exam than this: my entrance exam for graduate school.

so today came as a surprise when i received the text message from the secretary where i applied for. i should be enrolling into the program this week to be able to get in to the summer term.

now, i am torn. shall i wait for u.p. which offers cheaper tuition? but then, i will have to wait until may to know if i was able to get in to the program. if unsuccessful, i will have to wait for next year! oh no!

enrolling to the this school will leave me in dire poverty. their tuition is unbelievable! what shall i do? if only i failed their exam, i would have no choice but to wait for u.p.



now where is my fairy godfather? i need cash and wisdom!

*photo taken here.

Saturday, November 14, 2009

Ano ang Plano Mo sa Buhay?

this week, medyo naging busy ako.

nung monday, nagpunta ako sa isang agency para tignan kung ano ang mapapala ko sa pag-aapply sa kanila. mukhang ok naman kaso, parang nakakatakot lang maglabas ng pera. tuesday, sa bahay lang at maghapon nagiinternet nagbabakasakling may mga sumagot sa mga pinasahan ko ng CV ko.

wednesday, nagpunta ako sa isang ospital malapit sa amin para magpasa ng CV at gaya ng inaasahan, hindi pa tumatanggap ang ospital ng mga aplikante sa ngayon. pagkatapos sa ospital, direcho kami ni ate sa sm. naglakad-lakad at nagpalamig.

thursday, nagpunta sa makati para sa isang work opportunity kay ate. sinabay na din ang pamamasyal sa trinoma sa pag-asang makapagshopping ng konti at sa huli, narealize ko na mahirap magshopping ng masyadong mataas ang standards pero kakaunti ang pera. hahaha

friday, sa bahay lang. nagdesisyon ako na kailangan kong maging aktibo. hindi ko na hihintayin na magkatrabaho pa para lang pumayat.

ano na naman kaya ang naghihintay sa akin sa susunod na linggo?

nabuhay ako nang ganito katagal na nagpaplano lagi. lahat ay dapat pinaghahandaan. mas nagiging komportable kasi ako kung alam ko na ang lahat ay aking naayos.

subalit, hindi rin nagiging mabuti ang laging may plano dahil hindi sa lahat ng oras e umaayon ang mga pangyayari. at sa ganang iyon, naiisip mo na ikaw ay isang malaking kabiguan.

dahil dito, mas nanaisin mo na lang na huwag kumilos. maghintay na lang dahil takot ka na muling mabigo sa iyong plano.

pero ano nga ba ang saysay ng buhay kung ikaw ay puno ng takot sa magiging takbo ng iyong buhay?

nabuhay ka ba dahil sa plano? ano ang plano mo?