binilang ko ang araw bago sumapit ang araw na pinakahihintay ko. 106 days kung tama ang aking bilang. mahaba din yun. maraming pwedeng mangyari sa panahong iyon.
isang buwan nga lang ang lumipas mula nang magresign ako, tinamaan ako ng iba't ibang damdamin. i was depressed, hopeless, bored, excited, anxious and inspired. para na akong baliw. i cannot stop thinking when it will be or if it will ever come. kung matutuloy nga ba ang mga naset ko nang goals sa buhay through working overseas.
sabi ko nga kay nam lagi na lang may aberya. pero matalinhaga niyang sinabi sa akin na dadating din iyon pagdating ng panahon ayon sa pantas na si aiza siguerra. how profound! pero sige. aaliwin ko na lang ang sarili ko. i will try to be at my best bago dumating ang 106th day. i will try to be more productive and be better at my body. at oo, susubukan ko ang napagtagumpayan ni nam noon- ang sumulat araw araw. subalit sa version ko, susubukan kong sumulat araw araw sa loob ng 106 days.
i know it is a kind of defense mechanism. trying to distract myself from the pressing issue but i want to keep my sanity that is why i am doing this.
106 days starting today.
No comments:
Post a Comment