Monday, October 13, 2014

103: Period of Waiting

how do you enjoy the period of waiting?

today, nagpatuloy ako sa pagbabasa ng book ni malcolm gladwell.  medyo scientific ang approach niya sa pagtalakay sa mga bagay na very social ang nature.  may apat pang libro na siya rin ang may akda ang tinatarget kong basahin.  nandiyan pa pala ang game of thrones series na binili ko online.

siyempre, i am still on the the ecg book trying to find the inspiration to continue reading it.  naisip ko, why not improve both my physical and intellectual side?  pwede namang pagsabayin. kung mapapansin niyo, iba ito sa nakaraang post ko na pagpapabuti lang ng pisikal na anyo.  ang dahilan?  ang mga kuwento ni nam na labis na nagtulak upang huwag manatili sa kung ano ako ngayon.

simula noong biyernes, patuloy akong tumatakbo kapag gabi.  with some music and a resolve to be active, i try to sweat it out and drown my worries with it.  ayokong malunod sa mga nakakapraning na diwa kaya sila na ang lulunurin ko sa pamamagitan ng pagiging positibo.

kanina, may email akong natanggap mula sa aking agent.  may kulang daw sa mga papeles ko pertaining to my medical exam.  well, it was not my fault but her counterpart dito sa pilipinas.  nagkibit balikat na lang ako at tumakbo.

wala pa rin akong decision letter as of the moment.  kung dumating man ito ngayon, wala namang intake ng mga trainees so january pa daw ang alis ko.  partly, hindi ko pa tanggap ang katotohanan na to.  for some, maswerte daw ako dahil makakapagpasko at new year pa ako dito.  oo nga naman masaya iyon pero in between those holidays and dun sa mga normal na araw, isang malaking nganga ang aking ginagawa.

so here i am, trying to do what i can do in the period of waiting.  hindi ko pa naeenjoy ang paghihintay pero pinipilit ko.

2 comments:

citybuoy said...

There's this movie that I really like called Take This Waltz and I think there's this scene that's so spot on with what you're feeling.

She fakes disability so she can be ushered via wheelchair between connecting flights. It's those moments where she's in transition where she finds the most conflict. Maybe it's tough not knowing what's next?

See this movie! Promise, sapul siya. haha

Charltoninho said...

Thank you! Will surely watch that film. By the way, thank you for writing again...