All day long, I have been waiting for a text if I will have a case tonight. As a private duty nurse, lagi kang on-call. Ok lang naman sana if not for the times that I am here in pampanga. Hindi naman ako agad makaluwas kaya minsan tumatanggi na lang ako for some patients.
Nang magalas siete na kanina, tumatawag ang isang pdn asking me kung nasan na ako. At yun na nga ang nangyari, ako ang hinhintay but the thing is, I cannot act on my own. Dadaan pa rin lagi sa approval ng coordinator which I did. So that makes me clear from any blunder or anumang inconvenience.
Sabi ng dati kong kasama sa trabaho, ang ambivalence ko towards work as a pdn maybe due to the fact na ang environment ko e nasa dati paring workplace. Tsaka hindi pa natatapos ang isang buwan na ngresign ako, nagtatrabaho na ulit ako.
Sinabi ko kay ate na gusto ko nang tumigil bilang pdn. Hindi ko gusto ang pagiging on-call. Ok lang naman sa kanya ang kaso nga lang, i have to make sure na wala na akong aberya sa pag-alis ko pa-u.k. To do that, kailangan ko lang pumunta sa agency then i will stop working as a pdn.
So tiis muna sa paminsang minsan n pagtatalak ni mudra. Pati na rin ang sunday church service kina lola. Wala na rin akong kawala sa pasko at new year.
Ieenjoy ko na lang ang paghihintay. Sa mga panahon na ito, natutuwa ako sa oras na nakakapagbasa ako. Even the night runs that i take. Walang iniisip. Walang pinoproblema. Walang due na gamot. Walang due turning of position. Walang relatives na pakikisamahan. Walang iv fluids na papalitan. Walang bedbath. Walang diaper change. Walang doctor na magrorounds. Walang pagpupuyat sa pagbabantay ng maysakit.
No comments:
Post a Comment