kakatapos ko lang ng apat na araw na duty bilang private duty nurse. ok naman siya. mas magaan actually compared sa mga trabaho sa loob ng ccu. hawak ko ang oras lalo na kung hindi naman gising ang pasyente mo.
ang itinuturing kong pinakamalaking hurdle? ang bedbath. lalo na kapag bedridden ang patient at hindi ganon kabibo ang buddy nurse mo o nursing aide. at ang tulog nga pala. medyo hirap lang dahil sunod-sunod na dose oras ang shift mo.
well-compensated ka naman sa trabahong ito. konting p.r. sa relatives at magkakasundo kayo. wag mo na ring problemahin ang kakainin mo.
pero sa totoo lang, nadedepress ako.
october na ngayon. lumipas ang birthday ko dito sa pilipinas at hindi sa bansa na kung saan ako magtatrabaho gaya nang nakasulat sa listahan ng mga dapat kong magawa. masaya naman ako sa kaarawan ko. really. i had dinner with my family and i went to church. it was simple and i felt loved.
sa trabaho ko ngayon, makailang beses ko nang narinig ang "o diba paalis ka na?" alam ko naman na aalis ako. may kontrata na at lahat liban sa isang importanteng dokumento na hinihintay ko. kapag naririnig ko to, may kung anong kurot sa puso ko.
i know i should never question Him. my mind is just so limited that i cannot fathom how His mind works but in my limited capacity, hindi ko maiwasang magtanong.
this is just temporary. i know things will change pero bakit nga ba ang hirap maghold on sa mga katotohanang ito?
i guess i just need to swim more to shake these off...
No comments:
Post a Comment