Showing posts with label Family. Show all posts
Showing posts with label Family. Show all posts

Friday, December 27, 2013

2-0-1-3

and now, for the highs of this year!
  • boracay trip with benj, rina and gen- thanks to the generosity of my friends and aunts, i was able to visit this beautiful island.  



  • lateral transfer to the coronary care unit- with five months and running at this special area, i got to learn a lot of things and of life in general.

  • got the required band score for IELTS!
  • new friends at cvu3- the closure of our original unit led to meeting new friends.

  • telemetry outing- this was only possible because our unit was closed premanently.  still, good things happen out of sad circumstances.

  • family- we are complete for the holidays! my sister is engaged, paulo is now working and we are just thankful to the Lord.

thank you, 2013!

Monday, July 1, 2013

Try


trying to be a good son as well...

Monday, December 31, 2012

2012 Part 2


night outs. practicum for adult health. juniors. good old friends.

Monday, October 31, 2011

21

21 na sila.



uma-adelle lang ang dalawa. legal na ang dalawang bubwit sa bahay. matapos ang isang araw na binayak ang tiyan ni monster mom, may dalawang monster ang dumagdag sa pamilya.

naging kritikal ang mga panahon na iyon. kahit mag-aanim na taon ako noon, nalaman ko na walang trabaho ang aking puder.

naging mahirap para sa dalawang batang sumususo ng gatas at sa dalawa pang bata na nasa elementarya na.

wala rin naman pinagkaiba sa mga nagdaang panahon. mahirap pero okay lang. nakakaraos ang lahat.

pero ngayong 21 na ang dalawa, i just wish them maturity.

oras na to take things on their own. to learn things beyond those what we teach them. wag lang umasa sa mga sinsabi namin. pero, i don't want them to really be too independent naman. na kapag tinuturuan ko, ayaw naman nilang makinig.

ganyan lang sila. madalas, matigas ang ulo. and paminsan minsan din, hindi gumagana ang aking usual arsenal of weapons- intimidation, blackmail, frame up at persuasion.

sa nakaraang dalawang linggo na magkasama kami ng isang bubwit, madalas kaming mag-away. blame it with generation gap at pagkakaiba ng pagpapalaki, para akong nauupos na kandila sa enerhiya once na nagsimula na ang aming argumento. isang obsessive compulsive at isang burara na walang paki sa iba, i am like exiled sa haiti.


at eto ang resulta ng isang pag-aaway namin.

but thing is, ang presence ng dalawang monster ay hindi rin naman masama. lalo na kapag may mga bagay akong ayaw na gawin. may nauutusan lalo na kapag nauuto.

pero sige, i take this birthday of yours as a step in your growing up. i will give you this chance for proving me wrong.



in the mean time, i need massage. please lang, gawin niyo na kambal dahil matapos kong magpakahirap sa inyong birthday celebration kahapon. now na! or else, ibubunyag ko ang mga sikreto niyo sa facebook!

*photos taken here and here.

Saturday, August 6, 2011

P 500.00

ngayon ang huling gabi ni jonah sa bahay.

bukas, luluwas siya kasabay ko papuntang maynila para sabay-sabay sila ng kanyang mga kapatid pauwi sa mindanao.

malubha ang kanyang ama. sa tantya ko, tuluyan nang lumala ang tuberculosis ng kanyang ama. sumusuka na ng dugo at kailangan na nila ng mga donors para sa dugo.

mahirap kasi type ab ang kanyang ama at sa dami nilang magkakapatid, iisa lang ang kapareho niya ng blood type.

sa pag-uwi ni jonah, marami ang nagpadala sa kanya. mga damit, bag, pabango at kung anu ano pa. ang nakakatuwa, mula ito sa mga kamag-anak namin. hindi ko alam kung ano ang ibibigay ni muder sa kanya.

limang daan piso at ang pamasahe niya bukas ang tanging maibibigay ko sa kanya. sa sahod ko, ito lang ang makakaya ko para sa tulong na binigay niya sakin.

nagka-ayos din sila ng aking ina. dito sa bahay, alam mo na ang lahat ay malungkot sa pagkawala niya.

pero ang mas inaalala ni jonah, si candy:



wala ng mag-aayos ng buhok ni candy at ito, my dear friends, ang pinaka-challenging according to my mom.

on my part, mahihirapan ako sa mga damit. ayaw na ayaw ko kasing maglaba. pero bukod dun, tila mawawalan ako ng isang kapatid.

marami akong narealize.

una, health is wealth. ilang beses ko nang narerealize ito pero ayun, lumamon na naman ako ng daing, nilaga at taba ng talangka. wala na naman exercise. disciple charlton, discipline.

and self-control pala.

pangalawa, hindi naman siguro mahirap itali ang buhok ni candy. kaya naman siguro.

pangatlo, marami namang landry shops sa maynila.

panghuli, all good things come to an end.

simula bukas, dalawang upuan na ang bakante sa hapag-kainan: ang kay ate at kay jonah.

Saturday, March 26, 2011

Buto



at dahil ako ay isang pobreng empleyado ng isang ospital na kumikita ng minimum na sahod, naisipan kong magcontribute sa paraan na kaya ko- ang paggabay sa kalusugan. sa pagkakaregular ko sa opisina, may mga kasamang benepisyo yan. may access din sa mga serbisyong ino-offer ng ospital.

sa pagiging women's month ng march, may libreng bone scan sa lahat ng mga babae lalo na ang mga menopausal. natuwa naman daw ako at kahit papano, may silbi ako sa bahay. pwede ang mga tiyahin at lola pati siyempre si mudra sa gimik na ito.

kung ano ang ginagawa dito e hindi masyadong malinaw saken except na ito ay scan lamang ng mga bones sa peripheral. wait, parang binaliktad ko lang. basta scan daw ito ng mga buto sa gilid at kung may nakitang significant findings, tsaka palang magkakaroon ng mas malawakang pagsusuri sa mga buto.

nagtext ako kay mudra para habang nasa manila siya sa paghahatid kay daddy sa airport e makapunta na siya sa ospital. nagkaroon ng mahabang palitan ng text. nung una, desidido na hanggang nagkaroon ng mga agam-agam tungkol sa kung papano pumunta at kung sino makakasama.

hinayaan ko lang siya. magsasama daw siya ng mga tiyahin. edi sabi ko sige. at dun na natapos ang usapan tungkol sa peripheral bone scan.

umuwi ako this weekend. sa isang pagkakataon, napunta ang usapan tungkol sa bone scan. nagtanong siya. kung ano ba ginagawa. sabi ko ii-scan lang ang buto niyo parang x-ray tapos kung may nakita, tsaka magrerekomenda ng ibang tests. hindi raw ba ito yung masakit? kasi ung kumare niya, nagbone marrow daw at masakit daw talaga. sinabi ko na iba yun. na masakit talaga yun dahil tutusukin ang buto mo. scan lang ito.

nainis lang ako kasi hanggang ngayon, nagpapaniwala pa siya sa mga sabi sabi ng iba. pwede naman niya akong tanungin. sa bahay, ganito dito. hindi ko alam kung nahihiya sila saken o ayaw lang nilang magmukhang mas may alam ako kesa sa kanila. o kung ayaw lang nilang magpatalo.

ang mga kapitbahay namen, mas madalas pang magpacheck ng blood pressure kesa sa kanila. wala na ata talagang pag-asa sa open communication. sa isang napakatradisyunal at konserbatibong pamilya, napapabayaan ang communication at image na pinoproject ng mga magulang.

pasensya na pero medyo nainis lang ako. umalis na lang ako sa sala at pumasok ulit sa kuwarto. sabi kasi ni jonah na kasama namin sa bahay kay mudra, "o iba naman pala yun e. bakit hindi mo itry?"

tignan mo nga naman. hindi pa siya nagtanong saken. nagdesisyon na agad siya na hindi na siya magpapabone scan dahil lang sa mga pinagsasabi ng kumare niya.

ako na lang kaya ang magpabone scan? baka basag na ang bungo ko.

*photo taken here.

Saturday, March 5, 2011

Haiti



heal the world ang drama sa bahay.

bakit?

pupunta kasi ng haiti ang daddy ko para ayusin ang telecom system dun. how noble of my dad! haha. it happened so fast na hindi pa nabibigay ang kanyang second dose ng anti-cholera e baka umalis na sila ng pinas. scary!

thankful pa rin naman ako dahil kahit papano e may patutunguhan ang graduation ng mga kapatid ko. alam mo naman si mama, kailangan may handa kahit pansit lang. kapag sinabing pansit lang, ibig sabihin nun e mababa sa limang putaheng handa. e good luck naman sa sahod ko at ni ate pag ganun!

so there, heal the world muna tayo. pero heal the cholera muna sana. kasi there is no love in time of cholera. seriously.

*photo taken here.