ngayon ang huling gabi ni jonah sa bahay.
bukas, luluwas siya kasabay ko papuntang maynila para sabay-sabay sila ng kanyang mga kapatid pauwi sa mindanao.
malubha ang kanyang ama. sa tantya ko, tuluyan nang lumala ang tuberculosis ng kanyang ama. sumusuka na ng dugo at kailangan na nila ng mga donors para sa dugo.
mahirap kasi type ab ang kanyang ama at sa dami nilang magkakapatid, iisa lang ang kapareho niya ng blood type.
sa pag-uwi ni jonah, marami ang nagpadala sa kanya. mga damit, bag, pabango at kung anu ano pa. ang nakakatuwa, mula ito sa mga kamag-anak namin. hindi ko alam kung ano ang ibibigay ni muder sa kanya.
limang daan piso at ang pamasahe niya bukas ang tanging maibibigay ko sa kanya. sa sahod ko, ito lang ang makakaya ko para sa tulong na binigay niya sakin.
nagka-ayos din sila ng aking ina. dito sa bahay, alam mo na ang lahat ay malungkot sa pagkawala niya.
pero ang mas inaalala ni jonah, si candy:
wala ng mag-aayos ng buhok ni candy at ito, my dear friends, ang pinaka-challenging according to my mom.
on my part, mahihirapan ako sa mga damit. ayaw na ayaw ko kasing maglaba. pero bukod dun, tila mawawalan ako ng isang kapatid.
marami akong narealize.
una, health is wealth. ilang beses ko nang narerealize ito pero ayun, lumamon na naman ako ng daing, nilaga at taba ng talangka. wala na naman exercise. disciple charlton, discipline.
and self-control pala.
pangalawa, hindi naman siguro mahirap itali ang buhok ni candy. kaya naman siguro.
pangatlo, marami namang landry shops sa maynila.
panghuli, all good things come to an end.
simula bukas, dalawang upuan na ang bakante sa hapag-kainan: ang kay ate at kay jonah.
No comments:
Post a Comment