as i write this post, my muscles are sore from the first day of my swimming lessons. yay! it was fun. and challenging especially if my lack of coordination is being rubbed in my face. well, i may be too hard on myself. tomorrow is my second day and hopefully, i'll be less conscious of my body.
cheers for new adventures and for finally deciding to work on my goals.
Showing posts with label Concepts and Reflections. Show all posts
Showing posts with label Concepts and Reflections. Show all posts
Sunday, November 10, 2013
Tuesday, July 30, 2013
Critical Low
most of the days, my mind is just floating. then, i get to work and force myself to change into nursing mode. after that, balik na naman sa dati- internet addict, constant procrastinator and forever dreamer. when combined, i accomplish nothing and i always end up asking myself kung ano na nangyari sa buhay ko.
i am always reminded of the realization that i had in the past- when things are going great, complacency sets in. it is this battle that i have struggled for the longest time. case in point, my masters. when i started, i was still at the office and to compensate for not being a "true" nurse, i enrolled for my masters degree. i was great back then. now as a bedside nurse, i could not care less for the pending requirements that i have. i feel like a wasted a lot of effort and money.
then, there is this pursuit to relearn all things that i have been doing in the past. the drive is there but the discipline to read and to research seems to be in a stagnant critical low level. hence, the constant posting of motivational messages.
hope it works.
Friday, April 15, 2011
Seeds

i feel like i just graduated. pagkatapos umattend ng graduation ng kapatid, andaming flashback. mga preparations. mga expectations.
minsan masaya. minsan malungkot. lalo na kapag narealize mo na baka yun na ang huling pagkikita niyo ng mga kaibigan at kaklase.
akala ko yun lang ang mahirap. ang paghihiwalay. at ang pagkawala ng allowance. wala pa pala yun sa mga tunay na hamon.
habang nakaupo ako kanina sa e.r. at naghihintay ng mga patients na magiging data ko para sa report sa buwan na ito, naisip ko na matagal pa ang wednesday. sahod kasi sa wednesday pero tinigtignan ko ang wallet ko, ang laman e 100 pesos.
mabubuhay pa kaya ako nito?
bakit ko nasabing i feel i just graduated? kasi entry-level pa rin ang labas ko dito sa work ko. sa sahod at sa mga pinagagagawa, parang fresh grad lang.
a mixture of unfortunate events and decisions, i am now here. it is not that i despise my work today. or hindi ako kuntento. na pwede na hindi rin ako masaya.
parang after my work in egypt, i should be somewhere else na mas mataas ang sahod. pero here i am, mas bumaba ang sahod at nawala pa ata sa tamang landas.
sa pakikinig ko ng mga podcasts, ang sahod daw ay wag tignan na bunga. dapat ituring silang buto. seeds to planting your future harvest. it is a different take. mas maganda. mas positive.
aaminin ko, kahit papano nainspire naman ako. despite my current financial status. sabagay, i have no choice but to be positive. lalo lang akong matatalo ng mga kaisipang ito.
anyway, i am so used to beginnings. ung laging magsisimula sa wala.
*photo taken here.
Tuesday, January 18, 2011
Anong Gusto Mo?
nagsimba na lang ako after manood ng game. natuwa naman ako kasi both feu volleyball teams e panalo.
for a certain moment, i felt relieved. well, not only for a moment but for the whole day. na nagtuloy until today. this is the reason kung bakit nag-aattend ako ng church service dito sa manila instead sa pampanga.
pagkatapos magchurch, bumisita kami sa dad ng isang kaibigan sa high school na sumailalim sa isang surgical procedure. nagturo ako ng post-operative exercises kasi ang mga nurses sa ospital na iyon e walang itinuro.
wala ni isa sa mga kapatid ng kaibigan ko ang may medical background. todo demo dito. todo health teachings doon.
nurse na nurse lang.
pag-uwi ko, umuwi ako nang may ngiti sa labi. naisip ko lang, sige, okay nang mabugbog ako sa sermon ng magulang basta malusog lang sila.
mas gugustuhin ko na atang pag-initan nila ako kesa tahimik sila at nasa banig ng karamdaman.

Monday, November 29, 2010
In My Hands
minsan, nakakalimutan ko na ako lang ang may kakayahang magdesisyon para sa sarili ko.
katulad na lang ng desisyon ko kung pano humarap sa mga nangyayari sa paligid ko. tatawa o iiyak? magmumukmok o magdadasal?
madaling magdesisyon. mas lalong madaling sumakay sa nararamdaman.
pero kailangang tandaan na sa huli, ako pa rin ang apektado.

Saturday, September 25, 2010
Baligtad
nag-usap kami ni sheng.
ano nga ba ang mararamdaman mo kapag narinig mo ang iyong ama na inahahabilin na kayong magkakapatid sa kanyang kapatid at mga kaibigan? na bukas o sa makalawa, maari na siyang mamahinga nang lubusan?
wala akong naisagot kay sheng. isang matagal na pananahimik habang pinipilit na pagaanin ang sitwasyon ang aking tugon.
ang mga tanong lang ang pumuno sa blangko kong isipan. mas nanaisin mo bang mamahinga na ang iyong ama? kahit alam mong siya na lang ang iyong natitirang magulang? araw- araw, nakikita mo siyang nakaratay. nakikibuno sa sakit na biglaang dumapo habang pinipilit na maging matatag laban sa pangungulila sa asawang kelan lang namayapa.
e ang maging ulila? kaya mo ba?
kayong magkakapatid na lamang ang matitirang haharap sa mga darating pang umaga. kapag may mga tanong ka na ang tanging makakasagot lang ay ang dunong na dulot ng edad, san ka huhugot ng sagot?
sa tuwing mag-uusap kami ni sheng, parang ako ang tinutulungan niya. imbes na siya. siguro, ito ang paraan ng Diyos para matahimik ako sa mga kalungkutan ko na nag-uugat sa mga bagay bagay sa paligid. sa pamilya. sa trabaho. laging nababaligtad ang aking pananaw kapag nag-uusap kami.
minsan ata, dapat baligtad na lang ang mundo ko.

Subscribe to:
Posts (Atom)