Friday, April 15, 2011
Seeds
i feel like i just graduated. pagkatapos umattend ng graduation ng kapatid, andaming flashback. mga preparations. mga expectations.
minsan masaya. minsan malungkot. lalo na kapag narealize mo na baka yun na ang huling pagkikita niyo ng mga kaibigan at kaklase.
akala ko yun lang ang mahirap. ang paghihiwalay. at ang pagkawala ng allowance. wala pa pala yun sa mga tunay na hamon.
habang nakaupo ako kanina sa e.r. at naghihintay ng mga patients na magiging data ko para sa report sa buwan na ito, naisip ko na matagal pa ang wednesday. sahod kasi sa wednesday pero tinigtignan ko ang wallet ko, ang laman e 100 pesos.
mabubuhay pa kaya ako nito?
bakit ko nasabing i feel i just graduated? kasi entry-level pa rin ang labas ko dito sa work ko. sa sahod at sa mga pinagagagawa, parang fresh grad lang.
a mixture of unfortunate events and decisions, i am now here. it is not that i despise my work today. or hindi ako kuntento. na pwede na hindi rin ako masaya.
parang after my work in egypt, i should be somewhere else na mas mataas ang sahod. pero here i am, mas bumaba ang sahod at nawala pa ata sa tamang landas.
sa pakikinig ko ng mga podcasts, ang sahod daw ay wag tignan na bunga. dapat ituring silang buto. seeds to planting your future harvest. it is a different take. mas maganda. mas positive.
aaminin ko, kahit papano nainspire naman ako. despite my current financial status. sabagay, i have no choice but to be positive. lalo lang akong matatalo ng mga kaisipang ito.
anyway, i am so used to beginnings. ung laging magsisimula sa wala.
*photo taken here.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment