Saturday, April 23, 2011

Biyaya

kahit bilang na bilang ang aking pera, hindi ko pinapalagpas ang mga pagkakataon na makita ang mga kaibigan.

lalo na kapag si jon.

umikot ang mga usapan sa napakababaw na paksa tulad ng pagkachipipay pa rin ng sm pampanga kahit nirenovate na hanggang sa napakalalim na usapan gaya ng mga desisyon at tamang approach sa trabaho.

kami lang dalawa. walang lovely grace, benjie, karen, abs or eds. umikot ng umikot hanggang mapagod at magkapalatos sa paa si jon. ilang taon na nga ba? 15 years? o mas matagal pa ata. ganun na katagal ang pagkakaibigan namin.

pero, lahat ng mga kuwento na inuulit at sinasariwa ay hindi naluluma. ang mga aral sa buhay ay patuloy na umaagos.



isang biyaya ang maging kaibigan mo jon.

p.s. eksena ka muna dito love. may utang kang mga kuwento at pasalubong sa amin ni jon.

No comments: