Saturday, April 9, 2011

My Super Epic Fail Plan

gusto ko ng sampalin ang sarili ko nang makailang ulit para lang tumigil na ang nag-aalab kong damdamin. na sa kahit sa cellphone, nahuhuli pa rin ako.

hay buhay.

kagabi, nakatanggap ako ng text mula sa isang misteryosong numero. si jonathan pala! at may bagong number! alam na. siya ay may bagong phone na. salamat sa globe my super plan!

epic fail. isang nakakahiyang pagkabigo lang ang nangyari saken. heto at ang inapply ko na pinakamurang plan sa pinakamabaho nilang phone e hindi pa na-approve.



pero, nakakahiya nga ba? hindi rin naman siguro. sabi nga ni ken ilgunas ng the spartan student blog, hindi niya kailangan ang flashy na mga bagay. yung tipong kung ano ang uso. yung basic lang na kailangan e sapat na.

i guess hindi ko naman talaga kailangan ng bago. gumagana pa naman. natamaan lang ang ego ko siguro. i should love what i have. sana this will be the last time na maglalabas ako ng ganitong saloobin. ang babaw kasi na parang nakakahiya na.

so kung hindi approved, ok lang. 300 a month e mabigat na sa budget ko. in the mean time, sisindihan ko muna ang flashlight ng phone ko.



*photos taken here and here.

No comments: