Saturday, April 9, 2011
Mabruk
dati, may napupull-out na pinoy sa ccu na sobrang kasundo ko. nakakapagtaka kasi, maayos siyang magtrabaho. walang arte at walang bullsh*t na kasama. cool lang. panigurado din na kapag pull-out si hazel samen sa ccu, magcocode blue ang pasyente ko. three times na atang ganito.
ok lang. kasi tinuulungan ako ni hazel. kahit konting kuwentuhan, ok naman. diba may mga tao na kapag kaduty mo, panatag ka? ganun ako kay hazel.
pero ayaw sa kanya ng mga tao.
pinagtsitsismisan. minamata sa mga dating mali na nagawa niya. naangasan dahil sa kakayahan na sabihin ang mali.
so fast forward, nagkausap kami kanina. from an outcast sa ehipto, isa na siyang head nurse sa saudi! in 3 months, napromote daw siya from a staff nurse to the head nurse ng icu!
tuwang tuwa ako. kasi finally, people saw what i have seen in her. dahil dun, namiss daw niya ako. sabi ko, ako din. namiss ko din siya.
sa egypt, i knew a lot of people. pero i only miss few people from that place. now do i feel any envy sa kanya? merong konti. aaminin ko.
pero i believe na my time will come. for now, i will be happy for her and her impression saken.
mabruk hazel!
*photo taken here.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment