Sunday, April 3, 2011

Pagkakamali

sa pagtitipid, nauwi sa paglustay ng natitirang 200 pesos. ito ang aking istorya. ito ang aking katangahan...

i decided to stay here in manila instead of the usual na pag-uwi sa pampanga. i was so in to the idea of spending my day doing some chores na dati e ginagawa ko during sunday night. nagluto ako. nagwalis ng nagwalis. nagpagpag ng mga gamit. nagplantsa.

pero tao lang ako. mahina. nalulumbay. nalulungkot. kaya't nang nagtext si jonathan, walang patumpik tumpik akong nagsabi na wala akong ginagawa at nagtanong kung anong oras magkikita.

bumangon agad at naligo. gumamit ng loofah upang matanggal ang libag. nagtoothbrush. nagpulbos at dali daling nagbihis. tinignan kong muli ang aking wallet. 200 pesos hanggang tuesday. kakayanin ko ba? kebs lang sa banga. masyado akong nalumbay nung friday.

pano naman kasi, umattend ako ng stroke review seminar sa ospital sa pagnanais na magbalik loob kahit papano sa nursing. hindi na ako nagtaka ng magsink in saken na mag-isa ako. siyet, ang liit lang ng department namen! nagmukha lang akong outsider bukod pa sa mga weird looks ng organizers kapag nakikita nila ang department ko.

pag-uwi ko ng bahay nung friday, wala ang kambal. tahimik. walang maingay. walang nag-aaway. walang nagsusuntukan. walang mautusan at walang mauto. nalungkot ako. i felt na loser na naman ako. pero hindi ko na masyadong pinansin at salamat sa sakit ng ulo na naranasan ko sa seminar. natulog na lang ako.

kaya kahapon, pumunta pa rin ako sa paanyaya ng mga tunay na kaibigan. nagsine. nagpop corn at kumain sa metrowalk. masarap ang pagkain. pero mas masarap ang kuwentuhan.

so far, abot sa limang daan ang nagastos ko na. salamat sa pagwiwithdraw sa atm. bago ang weekend na ito, ninais ko na makatipid sa usual na 300 pesos na nagagastos ko tuwing umuuwi ng probinsya. nagkamali ako.

subalit, natutuwa pa rin ako sa pagkakamaling ito.

No comments: