hinila ko ang aking kamay para mapilit na mahawakan ang aking mga daliri sa paa. maaga pa pero kailangan ko nang bumangon.
kinuha ang palanggana para mailagay ang kawali, kaldero, tuna, pasta, mantika at pot holder. kahit pinipigilan ng muta ko ang pagdilat ng mga mata ko, pinilit kung sumuong sa dilim ng hagdan para magluto sa kusina. sa isang iglap, nasanay na ang mga mata ko sa tanglaw na nagmumula sa ilaw ng poste. tulog na tulog ang lahat. just the way i like it.
sinindihan ko na ang stove para magpakulo ng tubig. naglagay ng asin at mantika. hahayaan ko itong makulo habang maghahanda para sa sauce.
"tao ka ba?," ang tanong ni poan. wala ba daw akong nagiging crush man lang. sabi ko, hindi ko alam. kung pag-ibig at mga damdaming nabubuo sa ligawan, wala akong maisasagot. nagtataka rin naman ako minsan kung bakit parang devoid ako ng attraction. ng kahit infatuation man lang. dahil ba ito sa disgust at unbelief sa mga naririnig kong kuwento ng aking mga kaibigan tungkol sa kanilang buhay in-loved?
hindi siguro.
ilang beses na ba akong natigilan kapag napapaisip ako na baka maturn-off sila sa akin dahil masyadong akong refined? dahil masyado akong good boy? dahil masyadong tahimik? o kaya isipin nila masyadong nakakasuka ang aking stretch marks, man boobs at tiyan?
madalas din yung ideya na hindi ko kayang makipagdate dahil wala akong pera at hindi pa panahon kaya ngayon, anong petsa na?
naghiwa ako ng sibuyas. hindi ako naiyak. sira na pala ang sibuyas. kinalkal ko ang cabinet ng landlady namen at meron pang isa. tinanggal ko ang ugat na nagsisimulang tumubo. naghiwa ng bawang. inalis ang oil ng tuna at sinumulang painitan ang kawali para sa sauce.
hindi na rin ako minsan sigurado sa sarili ko. for living independently and killing all emotions of caring, sanay na akong mag-isa. but when i see couples or watch movies, i feel like i have punished myself.
practical pa ba ang delayed gratification? para kasing overrated at gasgas na to.
kumulo na ang tubig. pinutol ang pasta at inihulog. sinumulan ko na ding maggisa. low heat para magcaramelize ang sibuyas. masarap ang amoy. isinama na ang tuna. maya-maya, ibinuhos na ang murang del monte spaghetti.
ano nga ba ang tamang timpla para magkaroon ng lovelife? kailangan bang guwapo? o kaya may pera? magandang katawan? tamang angas?
sa pag-iisip, napaso ako nang hawakan ko ang takip ng kaldero nang kumulo ang tubig. tinikman ang pasta at pwede na. hinalo ko naman ang sauce. hinalong mabuti ang tuna.
tinikman ko ang sauce. maalat. sing-alat ng love life ko.
No comments:
Post a Comment