Tuesday, March 22, 2011

Pamana

dahil sa summer na, ang skin allergy ko ay namamayagpag na.

ito na ata ang ilan sa mga pamana ng aking daddy na gusto ko mang tanggihan e wala akong magawa. isama mo na dyan ang eczema nung bata, dry skin at ang araw araw na pagpapa-alala sakin na anak ako ng aking daddy- ang allergic rhinitis.

alam ko na ngayon ang dahilan kung bakit nung bata ako, pinaiinom ako ng hilaw na itlog na hinaluan ng sarsi para sa sipon ko. uhugin daw kasi ako. laging may sipon. naalala ko pa nga dati nung hinihiram ko ang isang laruan ng aking kaklase na parang pangshave. hindi raw ako pwedeng gumamit kasi baka malagyan ng sipon.

kadiri nga naman.

alam ko na ngayon na ang pagkakaroon ko ng allergic rhinitis ang dahilan kung bakit lagi akong may sipon. kung bakit sa mga panahon ngayon, lalong tumitindi ang atake nito na minsan e nagpapasakit ng ulo ko. bawat umaga, iniinda ko ang pagbahing ng sunud sunod pagkabangon sa kama. kung minamalas, nauuwi sa sinusitis pag hindi naclear ang aking sinuses at nasal passages ng sipon.

ang skin allergy ko naman e nang-aasar pa sa paglitaw nito sa may parte ng aking underarms. ngayon, alam niyo na kung bakit hindi niyo ako makikitang nakasando. well, bukod pa yan sa mga stretch marks ko.

naalala ko pa nung nasa egypt ako. hindi tinatablan ng petroleum jelly ang aking balat sa pagpapatuloy nito sa pagiging dry. may bonus pang balakubak yan.

sa aming magkakapatid, ako ang tanging pinagpala na nakamana ng mga ito. sana lang, namana ko na lang ang hindi niya pagiging tabain.

No comments: