nung isang gabi, i have wished a lot of ways kung pano mawala sa mundo ang mga nag-iinuman sa katabing unit ng tinitirahan namin. at 3:00 am, gising na gising pa rin ako habang pinakikinggan ang mga tawanan at asaran ng mga taong walang konsiderasyon sa mga naghahanapbuhay.
1.) earth opening up and swallowing them
iniiimagine ko ang lupa na biglang bubuka at lalamunin sila. nakakainis na kasi. maiintindihan ko pa kung hanggang alas dose.
2.) their vocal chords giving up and will experience paralysis on the upper body.
sigawan. kantyawan. pwede bang hinaan lang ng konti?
3.) aspiration by their own vomitus.
i was so helpless sa pagbalikwas sa kama while trying to find kung pano makatulog. bukod sa inis, i was just too tired from work. tuloy, kung anu ano na naisip ko.
bakit ba may mga taong walang paki kung nakakaperwisyo na sila? sabagay, mga lasing nga naman. ang problema lang kasi, ang good time nila e bad time ng iba.
nung isang araw, may nakita akong mga late twenties na patient sa ER. may bloody stools. may bleeding din ang lower gastrointestinal tract. pano nangyari? mula sa every other day daw na pag-inom ng alak. kung ano mang dahilan nila ng pag-inom ng ganon kadalas, hindi ko alam. nakakalungkot lang ang pagkasayang ng buhay.
so sa ganitong tema, naisip ko na okay na din ako na madalas, boring ang buhay. pero gusto ko rin naman ng konting kasiyahan.
tagay pa!
No comments:
Post a Comment