Thursday, March 17, 2011
Remote Control
nagexam ako kanina for my master's degree. sabay na rin ang interview.
muntik na ata akong matae sa hirap ng exam. may vocabulary. may statistics. may research. may current events. may parang sudoku pa na part. sa pigang pigang damit, halos matuyo ang utak ko sa pagbabaligtad baligtad nito para makaisip ng sagot.
akala ko nung una sobra sobra ang two hours. nang simulan kong sagutan, gusto ko nang umayaw.
inisip ko na lang na ito ang tama para sa goal ko. now that i have a better vision of what i want and what i need, kailangan na magstick doon sa mga steps na makakatulong saken.
this week, nagbukas ang hospital namen for nurses. habang nagprepresent ako for quality circle, andun ang mga applicants naghihintay ng turn for their interview. habang nagiisip ako para maimprove ang aming written output, andun ang mga applicants nag-iisip ng mga sagot para sa exam nila to measure their competency.
habang nangyayari ang mga ito, i was so frustrated with my group mates. i practically wrote half of the report and i am tasked to report almost 2/3 of the presentation.
i am so fed up with the quality circle and i feel no fulfillment at all.
i wanted to cry kasi i wanted to go to the other room to take the exam for nurses. i missed it so much but i can't do nothing but to stay where i am right now. kakapirma ko lang ng regularization papers and i decided to stay sa department ko for at least 1 year.
God sometimes allow events to happen. events na tingin mo napakaunfair na hindi mo alam kung bakit ganon. take the case of Japan. sa ngayon, wala akong maisip na dahilan kung bakit nangyari yun sa bansang iyon.
o kaya kung bakit biglang nagopen ang nursing nang hindi ako pwede.
eto lang ang sigurado: lahat ay nasa kontrol Niya.
*photo taken here.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment