Saturday, March 26, 2011
Buto
at dahil ako ay isang pobreng empleyado ng isang ospital na kumikita ng minimum na sahod, naisipan kong magcontribute sa paraan na kaya ko- ang paggabay sa kalusugan. sa pagkakaregular ko sa opisina, may mga kasamang benepisyo yan. may access din sa mga serbisyong ino-offer ng ospital.
sa pagiging women's month ng march, may libreng bone scan sa lahat ng mga babae lalo na ang mga menopausal. natuwa naman daw ako at kahit papano, may silbi ako sa bahay. pwede ang mga tiyahin at lola pati siyempre si mudra sa gimik na ito.
kung ano ang ginagawa dito e hindi masyadong malinaw saken except na ito ay scan lamang ng mga bones sa peripheral. wait, parang binaliktad ko lang. basta scan daw ito ng mga buto sa gilid at kung may nakitang significant findings, tsaka palang magkakaroon ng mas malawakang pagsusuri sa mga buto.
nagtext ako kay mudra para habang nasa manila siya sa paghahatid kay daddy sa airport e makapunta na siya sa ospital. nagkaroon ng mahabang palitan ng text. nung una, desidido na hanggang nagkaroon ng mga agam-agam tungkol sa kung papano pumunta at kung sino makakasama.
hinayaan ko lang siya. magsasama daw siya ng mga tiyahin. edi sabi ko sige. at dun na natapos ang usapan tungkol sa peripheral bone scan.
umuwi ako this weekend. sa isang pagkakataon, napunta ang usapan tungkol sa bone scan. nagtanong siya. kung ano ba ginagawa. sabi ko ii-scan lang ang buto niyo parang x-ray tapos kung may nakita, tsaka magrerekomenda ng ibang tests. hindi raw ba ito yung masakit? kasi ung kumare niya, nagbone marrow daw at masakit daw talaga. sinabi ko na iba yun. na masakit talaga yun dahil tutusukin ang buto mo. scan lang ito.
nainis lang ako kasi hanggang ngayon, nagpapaniwala pa siya sa mga sabi sabi ng iba. pwede naman niya akong tanungin. sa bahay, ganito dito. hindi ko alam kung nahihiya sila saken o ayaw lang nilang magmukhang mas may alam ako kesa sa kanila. o kung ayaw lang nilang magpatalo.
ang mga kapitbahay namen, mas madalas pang magpacheck ng blood pressure kesa sa kanila. wala na ata talagang pag-asa sa open communication. sa isang napakatradisyunal at konserbatibong pamilya, napapabayaan ang communication at image na pinoproject ng mga magulang.
pasensya na pero medyo nainis lang ako. umalis na lang ako sa sala at pumasok ulit sa kuwarto. sabi kasi ni jonah na kasama namin sa bahay kay mudra, "o iba naman pala yun e. bakit hindi mo itry?"
tignan mo nga naman. hindi pa siya nagtanong saken. nagdesisyon na agad siya na hindi na siya magpapabone scan dahil lang sa mga pinagsasabi ng kumare niya.
ako na lang kaya ang magpabone scan? baka basag na ang bungo ko.
*photo taken here.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment