Thursday, March 17, 2011
Bar
pwede nakong maglasing araw araw.
for three days, maingay sa tinitirhan namin. pukpok dito, pukpok doon. madaming tao. madaming nilalagareng kahoy. amoy pintura pa ang hangin sa mga dingding na pinipunturahan ng kulay berde.
sa wakas, ang alak at bar na ang lumapit saken.
dahil sa ingay, napipilitan akong magtakip ng tenga pag natutulog. minsan nakakainis. minsan parang bale wala lang.
ano nga ba ang naging dahilan kung bakit sa edad kong to, tanging beer, vodka at red wine lang ang dumaan sa bibig ko? ang mga office mates ko na puro babae e kuwento lang ng kuwento ng mga alak na kanilang ininom.
hindi naman sa nagsisisi ako kung bakit pinanatili kong maging kontrolado sa mga ganitong bagay.
naisip ko lang kasi kung ano magiging itsura ko. magiging mas madaldal kaya ako? maghuhubad ba ako sa daan? o susuka rin ba ako?
malalaman natin yan sa pagbubukas ng bar.
*photo taken here.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment