Showing posts with label Buhay Abroad. Show all posts
Showing posts with label Buhay Abroad. Show all posts

Monday, November 25, 2019

Sup?

a year after my move, it felt na wala pa ring nagbago.

single.  sumasakto ang sahod.  overweight. procrastinator.  and now, depressed.

clinically, nadiagnose ko ang sarili ko.  lagi na lang tulog at lagi nalang pinapagod ang isip ng kung anu anong mga application sa phone.  the weather does not help too.  i feel like i am stuck again.

so what's new?  

Sunday, April 9, 2017

Indiana Jones

inindyan ako,

nagluto ako ng noodles, bumili ng wine at naglinis ng room.  bumili pa ako reed diffuser para mabango ang kuwarto.

as i type this, lagpas alas otso na ng gabi.  nagugutom na at magisa sa bahay.  after exerting effort for this date, nauwi lang pala sa wala,

sa nakalipas na mga buwan na wala ako dito, okupado ng trabaho, online dating and paminsang minsan na pagpunta sa gym.  inuubos ang oras sa trabaho o di kaya sa mga gawaing bahay.

ang buhay nga naman ng isang OFW.

so, kakain ako kasama ang aking housemates.  bubuksan ang bote ng wine at sisikaping huwag ubusin.

paalam muna.  marami ang susunod.

Thursday, September 18, 2014

Historical

historical, hindi hysterical.  yup, imbes na maging hysterical ako sa nangyari, i choose to be historical.

in 2003, i transferred to feu from dlsu.  i changed my course as well.  isang 360 degrees na pagbabago.  from the school hanggang sa inaaral ko.  nahuli ako ng isang taon mula sa batch mates ko sa high school.  imbes na four years, umabot ako ng five years.  pagsapit ng 2006, lumabas ang scandal sa leakage ng nurses' licensure examination.  marami akong mga kaibigan at kaklase ang naapektuhan nito.  dahil nahuli ako ng isang taon, naligtas ako sa scandal.

in 2008, nainterview ako for a work sa egypt.  nakapasa ako along with other applicants na naging kaibigan ko din.  i know that i was among the first applicants na nakapasa.  so i waited for my departure.  april may nakaalis na unang batch.  mayo may umalis ulit.  hindi na naman ako nakasama. june at august may umalis ulit.  naiwan pa rin ako.  at sa pagkahaba-haba ng paghihintay ko, nakaalis din ako ng september nung taon na iyon.   inayawan ako ang magtrabaho sa medical city at that time since i signed the contract for egypt when the offer came.  yes there were doubts.  probably regrets din.  pero by the time na nakarating kami ng egypt, we had a choice where to be assigned.  and so na-assign ako sa critical care unit. it was the best start for my nursing career.  intensive care unit agad and i had to practice it in a very different and difficult setting.  siguro kung napa-aga ako, baka na-assign ako sa general unit.  okay lang naman pero it was better at the critical care.

in 2009, nagtry ako sa u.k. after kong mag-egypt.  nakapasa na ako sa interview.  may visa na.  ticket na lang ang ipapabook kapag lumabas na ang decision letter ko na okay na ako para mag bridging program.  biglang hiningi ang registration details ko sa egypt which hindi ko naibigay dahil sa baluktot na pamumuno.  naiwanan ako for u.k. and i was back to zero.  five years na ang mga kasama ko sa application noon.

in 2010, i was working as a quality analyst.  wala sa bedside.  i was doing work outside of nursing.  after a year, nag-apply ako sa libya.  bedside nurse ako dun.  intensive care unit din.  nakapasa na ako sa interview na pinilahan ko for 10 hours.  tiniyaga ko yun.  pumasa na rin ako sa medical exam at nakapag-process ng papers.  two weeks before my payment for the placement fee, sumabog ang giyera sa libya.  hanggang ngayon, hindi pa rin tapos ang gulo.

ngayong 2014, sumubok ulit ako na mag-apply na maka-abroad.  reference letter naman ang problema ko.  dahil dito, nahuli na naman ako.  flight kanina ng mga kasama ko dapat papuntang u.k.  hindi muna ako nagbukas ng facebook.  aaminin ko, nasasaktan ako.  lalu na at nag-eexpect ako na magbibirthday doon pero hindi na naman tuloy. 

nag-apply ako kaninang magprivate duty nurse nang malibang at may pagkakitaan.  makakapagswimming din ako kung nagkataon.  nilibang ko ang sarili ko.  kahapon, nanood ako ng sine, yung the maze runner na nabasa ko na.  tinapos ko din ang if i stay.  at heto, nagsisimulang mag-aral sa pamamagitan ng youtube.

naisip ko, ang dami ng pagkakataon na yung mga delay at aberya ko, they all resulted into something better.  kung hindi man ako nailigtas sa giyera, scandal o sa pangit na lugar, alam ko na may dahilan lahat and this is not me rationalizing the events that happened.  nagpapakatotoo lang at nagpapakahistorical.

Sunday, September 14, 2014

Of Fears and Control


This is me at Mt. Pulag last May. You see, I have this fear of heights.  Aside from my fear of snakes and frogs pati pala large bodies of water.  Yung tipong puro tubig lang makikita mo. But yes, umaakyat ako ng bundok.  Mahilig din akong magpunta ng beach at magbabad sa tubig.  Like this:


Ang labo diba?

Bukas hanggang Martes, I will wait for something that is going to change my life. Nagresign na ako sa work ko to make an upgrade sa career.  Until now, naghihintay pa rin ako for my decision letter na pwede na akong magbridging program sa pupuntahan ko.  If lumabas na yung decision by Tuesday or bukas, makaka-alis na ako sa Sept. 18. If not, malamang sa november na. 

Sa mga ganitong bagay, lagi na lang may aberya.  Lagi na lang akong may ginagawang extra para lang matupad ang mga pangarap ko.  I never had the easy route sa alin mang endeavor ko sa buhay.  Madalas, gusto kong magtanong kung bakit.  Why does it has to be this way? Why does it feels like someone is trying to make me not achieve my dreams?  Bakit kailangang maghirap muna.

Well, hindi ko pa rin alam ang mga sagot but there is only one thing na natutunan ko sa pagpunta sa mga bagay na kinatatakutan ko.  Sa mga bundok na inakyat ko o sa dagat na nilangoy ko, God's creations show beauty and order. They reflect that my Lord has control over all things.  Even ang pagdating ng decision letter ko.

I guess my fears are lesser than my desire to witness His greatness.  






Saturday, April 16, 2011

Time to Shine



kagabi, sinundo ko si sheila. isa sa mga humubog ng aking nursing career at buhay na rin. matapos ang mahigit na tatlong taon na hindi pagkikita, ang lahat ay parang hindi totoo.

naluha ako. pero, tinago ko agad. ayaw kong maging melodramatic. as if hindi ako ganon. delayed ang flight niya. imbes na mga alas kuwatro ang arrival, nakalapag na ang eroplano ng alas siete ng gabi.

pagdating nun sa egypt, tatlo lang ang pinoy sa ccu. si ate emma na nakabasyon sa pinas. si kuya dar na kakalipat lang ng ccu at si sheila. pareho silang panggabi kaya halos di kami magkita sa trabaho. alam mo ba yung pakiramdam ng isang bata na iniiwanan ng magulang? ganon ang pakiramdam namin ni mark sa tuwing uuwi na si sheila at magsisimula ang shift namin.

hindi nagtagal, nagkakasama na kami sa duty.

breadwinner siya. napaaral niya ang dalawang kapatid. napagamot ang ina. tinitignan ko siya at pinakikinggan ang lahat ng kuwento niya kagabi. bawat mga gintong pangaral, pinilit na isinulat sa utak.

tumalikod ako saglit para magpunas ng luha. totoo pala na kapag nagsisikap, walang imposible. kapag nagtitiis sa mga paghihirap, may nagiging magandang bunga. mahaba ang pag-uusap namin. inamin ko sa kanya na natutuwa ako dahil ang akala ko, hindi ko na siya makikita.

marami kaming pinagsamahan sa egypt. mga gala. mga toxic na duty. mga party na kami kami lang ang dumadalo. mga pag-uusap. mga pagpunta sa hyper one para kumain. mga pagsisimba sa cairo tuwing linggo.

habang tinitignan ko siya sa terminal 2 ng naia kanina, sinipat kong mabuti ang mukha niya. pinilit na inalala ang mga payo niya. lalo na ang kanyang mga naging kuwento sa buhay. at 26, andami na niyang nagawa sa buhay niya. sa isang taong pagkakaiba ng aming edad, ano na nga ba ang nagawa ko?

hindi ko alam ang sagot diyan pero maniniwala ako sa sinabi niya na parating palang ang aking time to shine.

*p.s. wala si sheila sa picture na yan. nakauwi na siya ng pinas by the time the picture was taken. hindi ko kasi alam kung pano magcopy ng picture sa friendster hehe.

Sunday, April 18, 2010

Two Is Not Always Too Much

dejected, i let it run its course in my always vulnerable mind and soul. that delay, was in fact the second time. no, two is not always too much.

so here i am thinking again, did i really resent that event? because right now, i am just so delighted that it did happen. crazy right? i know.

but the fact that a volcano in iceland is causing all the trouble in airspace across europe, i now have the reason to be happy.



seriously, no more delays come this time please?

*image from here.

Tuesday, March 16, 2010

Time for Miracles

i mailed them last march 11. today is march 16 and still, my documents are still in that fedex facility in cairo. yeah wtf?

sorry for being impatient but there is not a day that i am hoping that those forms were delivered already at nanay connie's house. ron is ready. kuya alex is waiting for redemption after the first forms were lost in the universe.

it makes me fearful that it might happen again. those forms who now hold the realization of my dream, being lost again in transit. not that i am really hateful of the egyptian system but damn, they are really not conscious of time.

well, what do you expect from them? working there for a year and exposed to their laziness was never enough for me to understand them. clearly, i am lost for the reason behind this event.

the questions has always remained, why is that this country is trying to hold my dreams? many times, i have felt the modern-day israelite contemplating about the exodus from that land. from the harsh working environment that had made me cold and soul-less to some extent about death and the bereaved loved ones to the mentality of eat or be eaten, that place is sure to have a place in my heart.

yet, i cannot removed those memories i had from my trip to alexandria, mt. sinai, luxor and sharm el sheikh. i have made friends with them as well. i was robbed there but i gained a lot. however, there are just some things that really won't work for me.

there is only one thing that is keeping me from my u.k. dream. now, i am praying for miracles like what moses did in egypt.

Tuesday, November 3, 2009

Pagsasadula ng mga Pangarap

malinaw ang gusto ko sa simula pa lang. manirahan sa ibang bansa at maranasan ang mga bagay na napapanood sa tv. magdrive ng sariling sasakyan, magsapatos sa loob ng bahay na naka-carpet na mga kuwarto, kumain sa local pub kasama ang mga barkada, magcivilian clothes sa school na hatid sundo ng school bus at maranasan ang mga buhay ng pinapanood kong bida sa dawson's creek o kaya naman ng young americans.

sabihin mo ng colonial mentality. siguro nga sapagkat pagkabata, naranasan ko kung pano mamuhay nang may konting kasaganaan mula sa pagpapakahirap ng aking ama sa ibang bansa. masarap. komportable. kaya't sa ganitong nabuong diwa ay umusbong ang hangarin kong makapagtrabaho at makapamuhay sa abroad.

simple lang naman un. mamuhay doon at magtrabaho. matamasa ang ilang bagay na pinapangarap pero bakit ganun ang nagiging kapalaran ko? bakit tila may pumipigil? katulad na lamang ng aberya na dulot ng 9/11 attack sa new york na kung saan nilalakad na ang aming mga papeles para makapunta doon. dahil sa nangyaring pag-atake, sumabog na rin na parang bula ang aming tsansa na makapunta sa u.s.

hindi ko rin malilimutan ang pagtanggi ng canada sa kagustuhan naming maging mamamayan niya. naging masakit para sa amin.

at heto, sa pangalawang henerasyon ng aming pamilya, ito na ang aking pagkakataon upang maisakatuparan ang lahat ng aming pangarap. ngunit, bakit ganon? parang nauulit na naman ang mga pangyayari na kung saan sa bandang huli, nanonood na naman ako ng mga palabas na gusto ko. nanonood pa rin at hindi pa rin ako ang bida. hindi pa rin ako ang gumaganap sa buhay na gusto ko...

Friday, October 2, 2009

Salam Egypt!

it was august 27 last year when i had the text message that i am set to leave for egypt by first week of september. at that time, i had already abandoned the plan of working where i am now. i have waited for it for about six months and i figured that it aint gonna happen.

so i pursued my nclex application and my plans to go to australia as well. things started pretty well until this text message changed my course of actions. i said to myself, a work experience is still a work experience. and so year later, i am celebrating my one year anniversary here in egypt and waiting for october 2, today, the date i will leave egypt.

i could have stayed longer. i could have finished my contract. i could have endured the situation of being away from home. but, i cannot endure the feeling that i am not suited into this place of people who do not have the penchant of excellence at work. i cannot take the thought that i am better off somewhere else rather in this ill-fated place of opportunists and greedy people.

i should thank them. yes, i should. for the trust to put a newbie in icu and for the belief that i can survive it. thank you for the small salary that is always cut by my penalty for absences because without it, i cannot have my fiona and sitti- my laptop and digicam. i should thank them for friends that i've met, for my colleagues in ccu that are truly worth keeping for life-ate emma, mark, gerby, jen, aidel,liza and she. i should thank them for letting me work with dr. shamy and dr. magrabhy for they believe and appreciate my work. i should thank them for the lessons in life that i have learned in the hard way. for making me feel that i should stand up for my rights, for what i want in my life and for what i truly believer is right.

i could cry over the hardships i endured, the body weight i've lost, the emotional upsets that occur to me over my persistence to be always at my best. i will miss egypt and all the special people i keep in my heart.

Sunday, September 13, 2009

Numbered

my days in egypt are numbered. by october 2, ill be eating my last breakfast and lunch in egypt. i dont know if i will be able to return here in the future and so i am set to spend my days here to the fullest.

it is just so sad that it had to come to this point in my stay here that i am cramming to visit all the nice places there are. oh well, no time for regrets.

here are some of my pictures here in egypt.









Thursday, July 30, 2009

Moving Out, Moving In

after three months, i am moving out again. for this, i will be on a hiatus for some time.

till then, i am still going to wait for that response.

goodbye old flat and hello to our new home.

Sunday, June 14, 2009

No What Ifs and No Turning Back

i just made my resignation letter to be sent later this month. yes i am resigning. i am going to pursue my goal, that is, to be able to work in the land down under. and it is because i am tired of working with people who do not know the meaning of professionalism, fair and consideration. i am also tired of fronting my fake smile behind my crushed dignity and wrath-filled blood. so more than two months from now, i am leaving egypt...

*********************************************************************************
People can be really so mean. after all the hard work you did, all you get is pure power tripping from people who are drowning from a glass of new-found authority. can't they just teach their staff, talk to them nicely, reprimand when necessary and appreciate a job well done? by this, i mean to every staff? not just to egyptians.


*********************************************************************************
from the start, i have always succeeded in leaving things where they should be left and taken care of. if i have problems at home, i leave it there. now if you have problems with your girlfriend, do not bring the problem to her fellow Filipinos. be fair and be professional. you are a doctor. our work is no stranger to you. we both work our assess off just to save lives and with that, you should have at least an ounce of consideration.


*********************************************************************************
i am ending this post to where i started- my forthcoming resignation. i am having some doubts and fears about what will happen but digging deeper into it, i know it is the risk that i have to take if i really want to be where i want to be. no what ifs and no turning back.

Thursday, May 7, 2009

May Swine Flu Ata Ako

kahapon, tocino ang ulam ko. the other day, longganiza naman. gawa ito sa baboy. who would have thought na sa ganitong lugar e may longganiza at tocino di ba? nakakatuwa talaga and being the kapampangan that i am, pumasa naman ito sa panlasa ko. now, i really miss my home, the food and of course my family.

sinabi ko bago ako umalis ng pilipinas, hindi ko mamimiss ang pamilya ko kasi sanay naman ako dahil parang kagaya lang ng college ang set-up. makakausap ko naman sila lagi. makikita through web cam. mali pala ako. maling-mali.

nung lunes, eksaktong walong buwan na ako dito sa ehipto. napag-isip ko na mabilis lang din ang panahon ng pamamalagi ko dito pero ang nakakapagtaka, ngayon ko nararamdaman ang pagiging homesick. dumaan ang birthday ko, pasko, new year at mahal na araw pero hindi ako nakaramdam ng pangungulila. kung kelan nalalapit na ang pag-uwi ko, tila lumalakas ang bugso ng damdamin ko na muling mamuhay kasama ng mga tunay na nagmamahal sayo.

epekto siguro ito ng sobrang longganiza at tocino. di bale, nasarapan naman ako tsaka baka matagalan pa bago makakain ulit gawa ng takot ng mga tao dito sa swine flu kaya't pinagpapatay daw ang mga kawawang nilalang sa cairo ayon sa bbc news na napanood ng kasama ko sa trabaho.

inspired by manilenya's post entitled balut, penoy, balut.

Saturday, May 2, 2009

Para Kay Shi

aalis na si sheila. si sheila na tinatawag na shelia dembo ng mga tao dito. ate pa nga tawag ko sa kanya dati nung una ko siyang makita kahit ba na mas mukhang matanda ako sa napakaliit na frame ng katawan niya.

pagkatapos ng dalawang taon na walang uwian sa pinas, heto at bilang na lang ang araw niya sa egypt. matatapos na kasi kontrata niya. masaya at nakakalungkot. masaya kasi makakauwi na siya sa kanyang pamilya. malungkot kasi nabawasan na naman kami ng pinoy sa ccu.

small but terrible kung ituring siya sa ccu. kung makita niyo lang ang mga hinahawakan niyang pasyente, naku baka matulala kayo. mantakin niyo ang four times sa laki ng katawan niya na mga pasyente! dambuhala talaga. siyempre kailangan silang i-turn lalo na pag bedridden sila so pano niyo ibabaligtad ang isang tao na mas malaki pa sayo ng apat na beses? o kaya e paliguan?

naging inspirasyon ko si sheila sa ccu lalo na nung nagsisimula ako dito. nakita ko sa kanya kung pano lumaban sa mundong isa kang estranghero. bukod sa pagpapalakas ng loob, sila rin ni ate emma ang naging dahilan kung bakit kami nanatili ni mark sa ccu. masaya ang duty pag kumpleto kaming mga pinoy. kahit gano katoxic, walang problema kasi kampante kami sa isa't isa. pag natotoxic ako at natataranta na sa deteriorating status ng pasyente ko, laging andyan si sheila. o kaya naman kapag hindi ako makapag-extract ng dugo sa pasyente.

minsan, hindi ko maintindihan ang timing ng mundo. minsan nakakainis, minsan naman e sakto lang.

sa bawat tamang pagkakataon, may mga nabubuong pagkakaibigan. may nabubuong samahan na nagmamarka sa buhay mo. may mga alaala na tumatatak sa pagkatao mo.

sa bawat tamang pagkakataon, ang lahat ay natatapos. ang lahat ay natutuldukan. ang lahat ay nahihinto at nahihimlay sa isang yugto ng iyong buhay.

ngunit sa bawat tamang pagkakataon, isang bagong ikaw ang nabubuo. isang bagong ikaw na hinulma ng mga karanasan at mga samahang nagtali ng isang lubid na kailanman hindi mapipigtas.

kay sheila, isang napakatatag na buhol ang ginagawa ko ngayon para hindi mapigtas ang lubid.

Monday, April 6, 2009

Present sa Galaan!

every month i have 19 shifts at work pero ako na mismo ang nagbabawas nun kaya ang mga susunod na larawan ay bunga ng aking matinding pagnanais na mapagaan ang buhay ko. in short, bunga ng aking pag-aabsent.

ako sa likod ng fountain


si ate jen, sheila at ako at the lakeside


ako paakyat sa tagumpay (?)


under the egyptian heat


the very old cairo city...



thanks to sheila for coming up with the idea to explore the city, lonely planet guide to egypt for giving us directions and to ate jen for being adventurous enough to come with us.

next target: alexandria!

Friday, December 12, 2008

Sulat

Dear Charltoninho,

alam ko na hindi biro ang pinagdadaanan mo sa bawat araw na ikaw ay pumapasok sa trabaho. mahirap. minsan nakakasauka. delikado. madalas nakakainis ang mga katrabaho. minsan sumasama pa sa kadiwaraan ang mga pasyente. tiis lang at tingin sa itaas dahil siguradong may umaalalay sa iyo sa bawat minuto na ikaw ay malayo sa iyong pamilya at nasa gitna ka ng karagatan ng walang kasiguraduhan.

simulan mo ang iyong araw na may ngiti at pasasalamat sa Diyos. lubos kang pinagpala dahil sa libu-libong nars na nasa Pilipinas, may trabaho ka. kung tutuusin, hindi lang basta-basta nars. isa ka sa mga nars na nasa espesyal na lugar kaya ituring mo ito bilang isang napakagandang pribilehiyo.

walang nagsimula na hindi nahirapan. lahat dumadaan sa yugto ng pagsang-ayon sa agos ng iyong paligid. huwag mong madaliin ang iyong pagtungtong sa mundo ng isang propesyunal.

charltoninho, matuto kang tumanggap ng kung ano ang ipinagkaloob ng Maykapal. alam ko na ikaw ay naniniwala na ang lahat ay may dahilan kung bakit ito naganap. manalig ka at itanim sa isip kung ano ang iyong pakay kung bakit ka nandito. tanungin ang iyong sarili kung nasa tamang landas ka pa. maging matalino sa bawat hakbang at matatag sa iyong paglalakbay.

hanggang sa muling pagbibigay ng panahon sa kung ano ang dapat mapagtanto ng iyong sarili.....

Charltoninho

Monday, December 8, 2008

The Good Side

mukha raw akong masaya dito sa egypt sabi ng mga friends ko. ang sabi ko sa sarili ko, talaga lang ha.

sarcastic? not really. i am just not that convinced with the way people perceive how i am doing here in egypt. the thing is, siyempre sa mga pictures kailangan kong magsmile e pangit naman kung nakasimangot ako so un siguro ung dahilan kung bakit tingin nila, ok na ok ako dito sa ehipto.

it is not that life is so bad here in egypt but the things is, i came here for work and if you are to talk about my work, it is not that nice. well it is because partly of the local nurses here are unprofessional and we filipino nurses in this area are few. most of the time, the patients that we handle are pangit. i mean you can't do anything but just to deal with them.

but, enough for this bad side of my life in egypt. little by little, i feel that i am comfortable with my area except when i am alone in a particular shift with no filipino nurses around. i think that i am gaining some pounds also since i do not let myself get hungry at work. i am also starting to grow as a person with all these things that i have endured these past 3 months.

i try to think that i am more lucky than other nurses in the philippines. i have work and i get paid for it. hindi nga lang kalakihan pero it is still good. maraming nalalaman pero it is up to me pa rin kung pano ku pagiibayuhin ang knowledge ko. people here kasi do things without really knowing why they are doing it. scary di ba? but God is gracious.

kahapon nagcity stars kami and today, carrefour. gala talaga kasi kailangan mong magrelax talaga since it is your off and it should be spent wisely. somehow, i sound mature diba? hehe well that is good news kung ganon. kaya sa ngayon, tiis muna and try to see the good side of everything.

Tuesday, November 18, 2008

Ang Buhay ay Parang Life

malapit nakong magthree months working as a real nurse and all i can say is to hell with witch, putla and bulinggit!

haha. that felt really good. after ilang days of duty, you really need to let it out and feel that all emotions come and go. they are real and it is never too good to let them creep in the innermost part of your humanity. real sila pero just let them come and go.

somehow, i feel the truth na kapag nagtrabaho ka or nag-abroad, you will be changed in a tremendous way. bukod sa parang nagkawrinkles ako at naglose ng 10 kilos within two months, i felt na ibang tao ako each passing day.

before, i easily complain. mabilis akong maburyong sa mga simpleng bagay na minsan, ala namang kuwenta kung pagtutuunan ko ng pansin. mabilis din akong mastress and maapektuhan ng ibang tao.

i am not saying na hindi nako nagcocomplain ngayon nor hindi nako nai-istress at naapektuhan ng ibang tao pero, i now have this tendency to just ignore them. i always say bahala sila or bahala kayo basta ako buhay and nagtatrabaho.

mataas ang pressure sa work and if i will put myself in the same level, bibigay ako. that's the good thing now. little by little, i get the hang of it. nakukuha ko nang maging numb sa kung ano ang mga nangyayari saken. sometimes, maganda to pero minsan din, napapaisip ako kung nagiging soul-less ako at cold as a stone.

ang work namin, ganun pa rin. maraming asungot at maraming buwisit sa buhay. ganon naman ata sa work diba? eto, andito pa rin kami ni mark sa ccu and it seems na pinapabayaan na lang naming ung mga nangyayari samen. medyo nabawasan na yung yearning namin to leave ccu and go to the other side of the fence dahil sa totoo lang, hindi naman namin alam kung mas green ba ang pasture don kaya ngayon, ganito lang muna.

may ilang days na naghawak ako ng pasyenteng ventilated and mind you, mag-isa ako. kakatakot ba? well para samen, normal na lang kaso at the rate of these happenings, di ba mabilis? kasi kung sa pnas ako nagwork, malamang vital signs at pagbibigay lang ng gamot ang alam ko ngayon. sa totoo lang, madaming experience and learning sa area namin. sobrang varied and sobrang complicated. sobrang nakakapagod din and minsan, emotionally draining.

narealize ko rin kung gano kaikli ang buhay for the nth time. may pasyente akong ieendorse sa o.r mamaya namatay na pala siya. minsan sa duty mo, hawak mo siya, the next day, patay na pala siya. life is so fleeting. mabilis lang. dumadaaan lang talaga tayo dito sa mundo. kaya in as much effort to be the best nurse that i can be, kinakaya ko pero madalas hindi hehe.

ang tagal pala ng two years no? kasi two years akong dadanas ng hirap sa ccu hehe pero by God's grace e makakaya ko.

nga pala, nakapagpyramids nako kaya bawi naman ang pagod kaso di pa ko makapagupload kasi ala naman ako camera and kailangan ko pang kunin yun sa mga kasama ko sa trip. hay buhay parang life

Monday, October 20, 2008

Work, Work and Work

working for a living is do damn tough.

ito lang ang nasabi ko after almost two months of working here in egypt. i have been working since middle to late of septemeber in the critical care unit. and all i can say is that i have experienced the fiercest moments of my life as a professional. well, ito lang naman ang mga moments ko for now since this is my first job diba?

shocks ni sa tanang buhay ko sa college, i never experienced such hardships and complicated cases dito sa hospital. i felt so alone most of the time and helpless with the procedures i never knew existed in this world! in addition, patients who speak no english who were very agitated and uncooperative made my life these past days a real mess. idagdag mo pa ang charge nurse namin, si witch at ang nagmamagaling na doctor.

di ko alam kung makakaya pa namin ni mark. nagiisip na kaming magpalipat sa or or sa ward. please help God!

Saturday, October 4, 2008

ano na?

it is the second day of my off from duty and tomorrow will be the last then i'll get back again to work for three straight days.

ano na nga ba nangyari saken? heto:

1. naranasan kong kumain ng biscuit at isang baso lang ng tubig sa loob ng 12 hours na sobrang nakakapagod na duty. sa banyo lang kami kumain kasi puno sa cafeteria. normal lang daw to at take note, alas sais na ng gabi ito.

2. masabihan dahil hindi ko nairecord ang monitoring ko sa flow sheet for 2 hours gawa ng pagkatoxic na pasyente ko.

3. maiyak sa sobrang nahirapan sa mga gawain na hindi pa ako sanay gawin habang iniiwan kaming mag-isa ng aming supposed-to-be mentors.

4. tumayo halos buong araw dahil sa pagbibigay ng care sa pasyente.

5. kumain ng manok for lunch sa loob ng isang buwan. ay hindi, may two days pala na ang lunch e baka.

6. mahulog sa upuan ng bus gawa ng hindi ako nakakapit at dahil nakisiksik lang ako sa upuan na pangsingle lang.

7. magbirthday na pagod na pagod pero sulit pa din dahil nabiyayaan ng 50 egyptian pounds for my hard work hehe

8. narealize na mabagal akong kumilos at lagi kong tinotoxic sarili ko.

9. nakita ko nang malapitan ang pyramids at nakapunta na sa the hanging church. napuntahan ko din ang mga simbahan ng mga orthodox. nahawakan ko din ang chains na ginamit kay st. george the roman pati mapuntahan ang kulungan nya.

10. napuntahan ko din ang sinasabing pinagtaguan ng the Holy Family nung tumakas sila papuntang egypt.

11. maisip na hindi ko kaya ang lahat kung sa sarili lang ako aasa. with God, alam kong makakaya ko ang work ko.

un lang muna ngayon. heto ang itsura ng pyramids at nile river ng mas malapitan pati na rin ng the Hanging Church at ng Cairo from top: