it is the second day of my off from duty and tomorrow will be the last then i'll get back again to work for three straight days.
ano na nga ba nangyari saken? heto:
1. naranasan kong kumain ng biscuit at isang baso lang ng tubig sa loob ng 12 hours na sobrang nakakapagod na duty. sa banyo lang kami kumain kasi puno sa cafeteria. normal lang daw to at take note, alas sais na ng gabi ito.
2. masabihan dahil hindi ko nairecord ang monitoring ko sa flow sheet for 2 hours gawa ng pagkatoxic na pasyente ko.
3. maiyak sa sobrang nahirapan sa mga gawain na hindi pa ako sanay gawin habang iniiwan kaming mag-isa ng aming supposed-to-be mentors.
4. tumayo halos buong araw dahil sa pagbibigay ng care sa pasyente.
5. kumain ng manok for lunch sa loob ng isang buwan. ay hindi, may two days pala na ang lunch e baka.
6. mahulog sa upuan ng bus gawa ng hindi ako nakakapit at dahil nakisiksik lang ako sa upuan na pangsingle lang.
7. magbirthday na pagod na pagod pero sulit pa din dahil nabiyayaan ng 50 egyptian pounds for my hard work hehe
8. narealize na mabagal akong kumilos at lagi kong tinotoxic sarili ko.
9. nakita ko nang malapitan ang pyramids at nakapunta na sa the hanging church. napuntahan ko din ang mga simbahan ng mga orthodox. nahawakan ko din ang chains na ginamit kay st. george the roman pati mapuntahan ang kulungan nya.
10. napuntahan ko din ang sinasabing pinagtaguan ng the Holy Family nung tumakas sila papuntang egypt.
11. maisip na hindi ko kaya ang lahat kung sa sarili lang ako aasa. with God, alam kong makakaya ko ang work ko.
un lang muna ngayon. heto ang itsura ng pyramids at nile river ng mas malapitan pati na rin ng the Hanging Church at ng Cairo from top:
1 comment:
naku, and i thought mahirap na yung work ko nuon.. :)
Post a Comment