Showing posts with label Death. Show all posts
Showing posts with label Death. Show all posts

Monday, April 18, 2011

Ice Cream

salamat sa ice cream at humupa na ang mga "nagbabagang emosyon."

kasalanan yan ng tv patrol. at ni aj perez. bigla ko kasing naalala ang pinsan ko. nang gabing abala ako sa kaka-aral para sa r.l.e at si ate ay pumuslit para makitulog sa kanyang boyfriend, naaksidente ang pinsan ko.

sa kaka-aral, nakapagbiro pa ako na sana ay hindi apektado ang kanyang cranial nerves. ngayon pala, mawawala na siya...

sa pagkawala niya, naramdaman ko lalo ang kaibahan naming dalawa. siya na athletic at magaling sa math at ako naman na nerdy na magaling sa english. siya na palakaibigan at ako na masyadong introvert.

minsan, naisip ko what if kung ako na lang nawala? marami kayang malulungkot? madalas nung mga panahong iyon, i did not matter anymore. ako na buhay at kasama pa nila.

narealize ko na kahit kasama nila ako, they felt that i was not living in their midst...

Saturday, September 11, 2010

Question and Answer

palaisipan sa amin kung bakit ganito ang naging kinahantungan ng aming karera.

ano nga ba ang kulang? ano ang naging pagkukulang namin sa kanilang pamantayan? sadya ba kaming hindi karapat dapat para hindi bigyan ng pagkakataon? bakit nga ba?

para sa akin at kay weng, nanatili itong isang malaking tanong hanggang ngayon. ngunit para kay sheng, ang lahat ay nasagot sa itinakdang panahon.

kung hindi niyo natatandaan si sheng, siya yung kaibigan ko na naghintay ng mahigit dalawang taon para makapagtrabaho sa new zealand. hanggang sa hindi na natuloy.

taong 2007 nung kami ay gumradweyt. hanggang ngayon, ni minsan ay hindi nakapagtrabaho si sheng sa ospital. nandyan ng isang hakbang nalang at tanggap na siya sa trabaho. ngunit hindi. ipapatawag ang lima pero siya ay nanatiling naghihintay.

cum laude si sheng. above 80% ang board rating. ano pa ba kulang? o higit sa lahat, ano ang dahilan?

sa mga pagkakataon na wala kaming parehong trabaho, madalas kaming magchat. nagbibigay ng encouragement at nagtutulungan na labanan ang depression sa pagiging jobless at frustrated. lalo na pag alam namin na ang mga ilang kabatch o kaklase na bulakbol sa klase ay nagtatrabaho na sa mga ospital. noong nakaraan buwan, habang ako ay busy sa pag-aayos ng requirements sa aking bagong trabaho, labis akong nagulat at nalungkot sa natanggap kong text.

malubha ang sakit ng mga magulang ni sheng. parehong stage 4 na cancer. ang kanyang ama, sa spinal cord na nagdulot ng pagkaparalisa mula nipple line pababa ng kanyang katawan. ang kanyang ina naman, sa breast. nalaman na lamang na maysakit ang ina ng maospital ito dahil may tubig na pala sa baga ang kanyang ina. malala na pareho.

apat na magkakapatid sina sheng. ang kuya niya ng isang guro, siya na nurse at ang dalawang kapatid pa niya na pareho pang nasa kolehiyo. ang isa, kumukuha ng densistry at ang isa ay sa kursong nutrition. mga magsasaka ang kanyang magulang pero lumaki silang marangal at matatalino.

sa isang iglap, ang pagiging magulang ay naatang kay sheng. bilang nurse, naging natural ang pumagitna sa mga desisyong pangkalusugan at sa mga bagay na hindi na kayang desisyunan ng kanyang kuya. sa mga pagkakataong ito, si sheng na ang tumayo bilang ina at ama ng kanyang pamilya.

at nung martes, nakapiling na ng ina ni sheng ang Panginoon. sa isang buwan lamang na abiso ng sakit ng kanyang ina, ang laban ay natapos na habang ang kanyang ama ay patuloy na nakaratay sa banig ng karamdaman.

kanina, nagpunta ako sa burol ng kanyang ina. sa pananahimik namin, pareho naming napagtanto ang dahilan ng kanyang pagiging tambay. ang kawalan ng pagkakataon na maipamalas ang kanyang galing sa aming propesyon. iyon pala ay magsilbi sa pinakamahalagang pasyente ng kanyang buhay: ang kanyang mga magulang.

walang pagsisi. handa siya sa pagkawala ng kanyang ina. sa mga panahon na wala siyang trabaho, nilubos niya ang mga oras na makapiling at makasama ang kanyang pamilya. naging masaya sila sa kanilang mga camping at mga paglalakbay pati na rin sa mga kuwentuhan nila.

"kung nagkatrabaho ako, magiging isang malaking pagsisi ang aking pagtanggap sa pagkakataon na 'yon," sambit ni sheng. totoo nga naman. ang mga oras na nailaan dapat sa trabaho ay kanyang nagugol sa paglikha ng mga alaala na mananatili sa kanya habang buhay.

sa paghahanap ng mga sagot, ninais ko munang magpahinga. tanggapin ang mga bagay bagay at ibubulong sa aking isip na ang lahat ng ito ay may dahilan. hindi man ako natuloy sa u.k. at ngayon ay nagtatatrabaho ako hindi bilang isang nurse. ang aming pinansyal na kalagayan ay naghihingalo na at maraming alingasngas ang bumabagabag sa aming pamilya.

subalit, hahayaan ko na lamang ito. darating din ang panahon na ang lahat ay matutuldukan ng isang sagot sa tanong na bakit.

Wednesday, July 29, 2009

Of Death and a Day Shining with Hope

second day and still got no response. more prayers to come. maybe they are preparing the draft for the letter? but what would it contain? oh well, i will just wait.

last night, i received a patient of which i was not aware upon entering the unit that he is going down. opening to that door of doom as many people will call, i heard some familiar sounds. sounds of a defibrillator and an open crash cart. i never thought that those sounds will be coming from my patient.

a cancer patient, again and a terminal one. unknown in origin, the cancer has spread all over his body. unconscious now, with blood pressure as low as 34/10 without cardiac support, i just had a deep breath for what is to come on my shift. receiving him, i felt that he will die in my shift because after all, he almost died i the day shift as the outgoing nurse endorsed. he is for no code blue now or meaning, he will not be resuscitated should he crash again. to spice up the shift, i would have the extra duty of checking and refilling the opened crash cart. not an easy extra duty i'll say.

i did not complain of the assignment nor of the extra duty assignment. coming from a three days off and going for your one night duty made it all a little bit fitting for me. nevertheless, the thought of losing a patient is not a good sight to see.

at 9:50, i saw zero heart rate in the monitor. calling the doctor, he confirmed it. sobs from the relatives were heard all over the unit. this is the part i dread the most more than caring for a dead body.

maybe i am used to see dying people. when i was a child, just hearing somebody from the family that a relative died, it made me shiver in utmost disbelief and denial. years forward, i am made into an individual who does not find disbelief in dying. an inevitable one, especially for the type of patients that i handle, it has turned me into a different person.

two patients for this month. two patients dying in my shift. not really a pleasant one. as my patient was being cared for last night, i whispered that he say to his Creator that He not forget my prayer as the Filipino tradition played its part on me.

but for now, here is a bright day for all of us to remind that every day brings forth a new hope. as for me, a new hope that i will get the response in the coming days.

Wednesday, April 15, 2009

Of Handling and Passing Death

this month, i had the privilege of handling two patients who are dying and was able to endorse them to next shift. and after endorsing, they passed away.

also, i was able to handle a patient who had coded twice and tried to insert a pacemaker but failed.

am i privileged? i don't feel that way.

the touch of death. yes, that is the way i view myself. most often than not, the patients that i handle are really critical but then again, there is this thought that makes me succumb to self-doubt if i am really a good nurse. my friends and my colleagues tell me that it is just their time to go away. but is it? oh well, this must be really the essence of being a nurse- being able to handle and pass death.