kahapon, tocino ang ulam ko. the other day, longganiza naman. gawa ito sa baboy. who would have thought na sa ganitong lugar e may longganiza at tocino di ba? nakakatuwa talaga and being the kapampangan that i am, pumasa naman ito sa panlasa ko. now, i really miss my home, the food and of course my family.
sinabi ko bago ako umalis ng pilipinas, hindi ko mamimiss ang pamilya ko kasi sanay naman ako dahil parang kagaya lang ng college ang set-up. makakausap ko naman sila lagi. makikita through web cam. mali pala ako. maling-mali.
nung lunes, eksaktong walong buwan na ako dito sa ehipto. napag-isip ko na mabilis lang din ang panahon ng pamamalagi ko dito pero ang nakakapagtaka, ngayon ko nararamdaman ang pagiging homesick. dumaan ang birthday ko, pasko, new year at mahal na araw pero hindi ako nakaramdam ng pangungulila. kung kelan nalalapit na ang pag-uwi ko, tila lumalakas ang bugso ng damdamin ko na muling mamuhay kasama ng mga tunay na nagmamahal sayo.
epekto siguro ito ng sobrang longganiza at tocino. di bale, nasarapan naman ako tsaka baka matagalan pa bago makakain ulit gawa ng takot ng mga tao dito sa swine flu kaya't pinagpapatay daw ang mga kawawang nilalang sa cairo ayon sa bbc news na napanood ng kasama ko sa trabaho.
inspired by manilenya's post entitled balut, penoy, balut.
1 comment:
pakiramdam ko nga meron ako. me lagnat ako ngaun.
Post a Comment