nagtataka ako. tinitignan ko ang itsura ko sa friendster. payat daw ako tas iisa lang lagi ang nakikita nilang suot kong t-shirt pero ba't ang daming nag-iisip na marami na akong pera?
natatawa lang ako kasi wala talagang katotohanan yun. ako? na laging nag-aabsent sa trabaho? e dito pa naman pag umabsent e bukod sa wala ka ng sahod para sa araw na yon e may penalty ka pa!
ewan. ang sinasabi ko sa sarili ko, sana totoo na lang yun. na hindi lang sa isip nila kundi sa realidad para makaalis na ako dito.
sakal. eto nararamdaman ko. excitement? wala nun sa trabaho ko.
madalas, tinatanong ko ang sarili ko kung bakit ako nandito. kung sa ginagawa kong ito, nagiging masaya ba ako? ano nga ba ang napapala ko? sa totoo lang sakit ng damdamin sa inis at panggagamit ng mga tao sa ccu. kahit nga mga taga-dito e pareho kami ng nararamdaman. ang kinagaan lang ng sitwasyon nila e wala silang kontrata na hanggang dalawang taon.
maliit lang sahod ko. lagi kong sinasabi na mataas lang ng ilang libo sa may pinakamataas na sahod na nurse sa pinas. un lang. ang pagkakaiba lang e mas mura ang pamumuhay dito at hindi kagaya saten sa pinas.
maraming pera? sana. ganon naman ata halos ang gustong mangyari ng mga tao para makalaya na ako sa kulungan dito.
2 comments:
Ayun... kaya naman pala nila sinasabing mapera ka kasi nasa ibang bansa ka... ganun naman talaga e..kultura kasi.
hay mga pilipino nga naman...
Post a Comment