Saturday, April 16, 2011
Time to Shine
kagabi, sinundo ko si sheila. isa sa mga humubog ng aking nursing career at buhay na rin. matapos ang mahigit na tatlong taon na hindi pagkikita, ang lahat ay parang hindi totoo.
naluha ako. pero, tinago ko agad. ayaw kong maging melodramatic. as if hindi ako ganon. delayed ang flight niya. imbes na mga alas kuwatro ang arrival, nakalapag na ang eroplano ng alas siete ng gabi.
pagdating nun sa egypt, tatlo lang ang pinoy sa ccu. si ate emma na nakabasyon sa pinas. si kuya dar na kakalipat lang ng ccu at si sheila. pareho silang panggabi kaya halos di kami magkita sa trabaho. alam mo ba yung pakiramdam ng isang bata na iniiwanan ng magulang? ganon ang pakiramdam namin ni mark sa tuwing uuwi na si sheila at magsisimula ang shift namin.
hindi nagtagal, nagkakasama na kami sa duty.
breadwinner siya. napaaral niya ang dalawang kapatid. napagamot ang ina. tinitignan ko siya at pinakikinggan ang lahat ng kuwento niya kagabi. bawat mga gintong pangaral, pinilit na isinulat sa utak.
tumalikod ako saglit para magpunas ng luha. totoo pala na kapag nagsisikap, walang imposible. kapag nagtitiis sa mga paghihirap, may nagiging magandang bunga. mahaba ang pag-uusap namin. inamin ko sa kanya na natutuwa ako dahil ang akala ko, hindi ko na siya makikita.
marami kaming pinagsamahan sa egypt. mga gala. mga toxic na duty. mga party na kami kami lang ang dumadalo. mga pag-uusap. mga pagpunta sa hyper one para kumain. mga pagsisimba sa cairo tuwing linggo.
habang tinitignan ko siya sa terminal 2 ng naia kanina, sinipat kong mabuti ang mukha niya. pinilit na inalala ang mga payo niya. lalo na ang kanyang mga naging kuwento sa buhay. at 26, andami na niyang nagawa sa buhay niya. sa isang taong pagkakaiba ng aming edad, ano na nga ba ang nagawa ko?
hindi ko alam ang sagot diyan pero maniniwala ako sa sinabi niya na parating palang ang aking time to shine.
*p.s. wala si sheila sa picture na yan. nakauwi na siya ng pinas by the time the picture was taken. hindi ko kasi alam kung pano magcopy ng picture sa friendster hehe.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment