Wednesday, April 6, 2011

Ambisyoso

hindi ako natinag sa paghihintay ng mahigit isang oras para matawag sa counter 2. umupo ako sa tabi at nag-iisip kung tama ba ang ginagawa ko.

may iranians na walang sawa sa pagkikipag-usap sa kaibigan. may naiintidhan naman ako pero kaunti lang. mga numero lang ata sa arabic ang gets ko. may mag-iina din. pero mas mukhang sosyal ang ina kesa sa dalawang anak na babae. akala ko nga yaya nung bata yung ate niya. may lola din na napakaingay. meron ding mama na hindi makapaghintay. nagawa ko na ata ang pagpansin sa lahat ng tao sa loob ng center.

maya-maya, tinawag na ang number ko. counter 7 daw ako. nagfill-up ako ng application form. binigay ang mga requirements. ok na sana nang biglang sumulpot ang mga pagpapatunay na ako ay isang taong namumuhay pa rin sa simpleng paraan. walang billing address. walang bank statement. walang registered mail.

sa probinsya, wala rin naman kaming telepono. wala din kaming credit card. wala din mga maynilad bills na nakapangalan saken. wala pa rin din akong t.i.n number since nagtrabaho ako sa abroad at kakasimula lang sa work. sa ganitong sitwasyon, nagtuloy ito sa walang sss i.d.

plan 300 lang naman inaapply ko. tapos, ung libreng phone sa plan na yun. kung sa food chain, ang phone ko e nasa level ng mga scavengers. mga uod, langgam at kung anu ano pang nasa pinakamababang antas. hindi yung blackbery at iphone.

ninais ko lang naman na magkacamera ang phone ko at radyo. ikinahihiya ko ba ang phone ko ngayon? hindi naman. it is just time na magpalit ng phone since even ang katulong namen e naka 3G phone na.

okay lang kung hindi ma-approve ang application ko. i had many rejections in the past. kahit ngayong umaga, dumating ang officemate ko na may blackberry phone mula sa pag-aapply din ng globe postpaid plan. approved agad siya. ngumiti na lang ako at nagpasalamat na buti na lang, hindi ko pa nasasabi na nag-apply din ako ng globe plan pero i-aapprove pa within 3-5 days.

i guess, ang puwersa ng mundo ay nagsasabi na huwag akong masyadong maging ambisyoso.

No comments: