labels. tags. categories. names.
iisa lahat ang purpose- to put someone or something in what is perceived as its place. kasalanan ata ng utak why people put labels to anyone and anything.
i am coming from an incident this morning with dead wood girl opening it up. tinanong niya kung bading ang isang head ng isang area. malumanay daw kasi magsalita. tinanong lang naman daw siya ng isang kasama sa trabaho. sabi ko, sa nursing kailangan caring ka. ang trabaho e by nature e pangbabae talaga. kung malumanay siyang magsalita, dala yun ng trabaho niya.
gusto mo ba ng bastos at sigang nurse? lalo na kapag sa intensive care unit ka? ung mala-robin padilla na style ba. naalala ko tuloy ang isang nurse na nagpapaclearance sa office namen. sige tawagin na nating astig siya pero kung makapagsalita e may pagkabarumbado.
dahil dun, walang gustong humarap sa nurse na yun.
hindi pa ba sapat na katunayan na ang isang tao e nakapagtaguyod ng pamilya? nagtatrabaho nang maayos at may malaking pakinabang sa pamayanan? dahil ba sa boses e sasabihan ng bading?
ang mga pinoy in particular e mahilig talaga sa labels. o ang gawaing alamin kung ano ang sexual orientation ng mga tao. dahil sa boses e bading na. dahil mahinhin kumain at hindi parang patay gutom bading na.
dahil maikli ang buhok e tomboy na siya. dahil may tatto e addict na siya. dahil tahimik e snobbish at masungit na. lahat ay dapat may label. hindi makuntento sa kung ano ang ginagawa at pakinabang ng isang tao. at kadalasan, ang mga label na ito ang nagdedefine sa pangkalahatang persepsyon ng isang tao.
dahil mahinhin kumain e bading siya kaya wala yang girlfriend at hindi natin pwedeng yayain para uminom ng alak para magpakalasing. dahil tahimik yan e masungit yan kaya huwag mo nang kausapin.
hindi ba pwedeng isantabi ang mga kategoryang ito para mapalawak natin ang ating mga kaisipan?
sensitibo ang paksang ito dahil ako man ay pilit na kinukulong sa mga labels. hindi ba pwedeng huwag ikahon ang mga bagay at tao?
2 comments:
lalo na sa ICU?
i think mas evident ang rudeness and pagiging siga kapag nasa ward setting ka....
feel ko lang mag comment hahahahahaha
i mean dapat sa icu, mas caring ang nurse.
hey, it feels weird na nagtatagalog ka haha.
Post a Comment