Saturday, September 25, 2010

Baligtad

nag-usap kami ni sheng.

ano nga ba ang mararamdaman mo kapag narinig mo ang iyong ama na inahahabilin na kayong magkakapatid sa kanyang kapatid at mga kaibigan? na bukas o sa makalawa, maari na siyang mamahinga nang lubusan?

wala akong naisagot kay sheng. isang matagal na pananahimik habang pinipilit na pagaanin ang sitwasyon ang aking tugon.

ang mga tanong lang ang pumuno sa blangko kong isipan. mas nanaisin mo bang mamahinga na ang iyong ama? kahit alam mong siya na lang ang iyong natitirang magulang? araw- araw, nakikita mo siyang nakaratay. nakikibuno sa sakit na biglaang dumapo habang pinipilit na maging matatag laban sa pangungulila sa asawang kelan lang namayapa.

e ang maging ulila? kaya mo ba?

kayong magkakapatid na lamang ang matitirang haharap sa mga darating pang umaga. kapag may mga tanong ka na ang tanging makakasagot lang ay ang dunong na dulot ng edad, san ka huhugot ng sagot?

sa tuwing mag-uusap kami ni sheng, parang ako ang tinutulungan niya. imbes na siya. siguro, ito ang paraan ng Diyos para matahimik ako sa mga kalungkutan ko na nag-uugat sa mga bagay bagay sa paligid. sa pamilya. sa trabaho. laging nababaligtad ang aking pananaw kapag nag-uusap kami.

minsan ata, dapat baligtad na lang ang mundo ko.

2 comments:

sherwin said...

napaisip ako, pano na nga pala kun kayo kayong magkakapatid nalang ang matitira....sino na ang magbubuklod-buklod sa mga magkakapatid?...

Charltoninho said...

close naman silang magkakapatid pero pag sa ibang usapin, hindi ko alam kung paano...