Saturday, September 25, 2010

Alaala ng Isang Pagtatapos

sa araw na ito, nagtapos ang lahat...ang katapusan ng isang taon na pamamalagi sa Egypt.



ang tahanan ng mga pyramids...



ang pagtatrabaho sa isang napakachallenging na hospital...



ang pagkain ng big meal tuwing day shift...



ang pagdamay ng mga taong nagpapagaan ng duty...ate emma, shiela, doctor shamy, mohammad (na nurse at porter), hanan at safaa...



ang pagkakaroon ng bagong pamilya at kaibigan...



ang pagsama ng mga kaibigan sa galaan kahit sa tuktok ng Mt. Sinai...



o kahit mag-isa lang sa mga paglalakbay...



basta sa pagdiriwang ng aking kaarawan ay hindi nag-iisa...



salamat Egypt. utang ko ang mga karanasan sa buhay na nagpapatibay sa akin. ang mga kaibigan na nagpapa-alala na laging may kamay na aalalay sa iyo sa hirap man o ginhawa. sa mga napakagandang tanawin na nagsasabing ang lahat ay kayang marating ng isang taong naniniwala.

sa araw na ito, ang buhay ko ay nagsisimula ulit...

2 comments:

sherwin said...

ganda ng kwento..:-)

Charltoninho said...

salamat at nagustuhan niyo...