Saturday, September 4, 2010

Perfection Personified

so kailangan talagang may ganun sa bawat kasama sa trabaho?

wala nga talagang perpekto. konsepto lang siya. isang mataas na pamantayan sa buhay ng tao. madalas, nawawala sa isip natin na isa lamang siyang ideya na kailanman ay hindi makakamtam.

gaya na lang sa trabaho ko.

maliit lang ang departamento namin. si boss, dalawang supervisor at apat kaming quality analyst. lahat sila, matagal na ospital puwera kay boss na kareregular lang last month. wala akong problema kay boss. wala rin akong problema sa dalawang supervisor. ang problema ko ay ang isang kasama kong quality analyst.

ginusto kong magtrabaho dahil gusto kong malayo sa bunganga ng aking monster mom. i mean, minsan, gusto kong makaiwas sa kanyang mga rants at mga opinyon sa buhay. opinionated din kasi ako pero hinahayaan ko lang silang manatili sa sulok ng utak ko pwera nalang kung hindi ko mapigilan.

ninais ko din na maappreciate ang mga inputs ko. pinapahalagahan sila at kung hindi naaayon, mapansin ang aking effort.

heto ngayon, kailanman, imposible na magkaron ng isang perpektong working environment. yung lahat, natutuwa ka at bawat umaga, gusto mo silang makita. may harmony. walang negative forces. maayos makiusap. magaling makitungo sa bawat isa.

well, itong kasama ko sa office, ay isang malaking katotohanan nito. siya ang tanging panira sa konsepto ng perpeksyon ng isang harmonious working environment. isa siyang....

halimaw!

dahil gusto niya, siya lagi ang kumain ng atensyon. gusto niyang nakawin ang lahat ng kredito sa buhay. ang kagalingan, sa kanya. ang pinakamahirap, sa kanya pa rin. ang mga karanasan ng iba, sa kanya din plus marami pang mga halong pampadagdag kulay ng kanyang kuwento.

magtatanong pero sasabihan ka ng "hindi kasi ganito yun." mageexplain ka sa inquiry niya pero ipipilit ang kanya. ano ba?

ayaw kong maging snob. ayaw kong maging intimidating. ayaw kong maging sarcastic. ayaw kong maging sarado sa mga tao sa paligid ko. pero, nahihirapan akong magpakatotoo sa sarili ko.

si ate na kasama ko sa trabaho, masyado kasing know-it-all. para sa kanya, alam niya lahat. ang mga experiences namin, naranasan na rin niya. kung mahirap ang trabaho ko, mas mahirap daw ang kanya.

o sige sayo na lahat. ikaw na ang magaling. ikaw na ang pinakamatalino. ikaw na ang pinaka may alam sa lahat. ikaw na ang pinagpala.

basta ako, tatapusin ko ang study ko. goodluck sa monthly, quarterly at yearly reports mo! tsuk!

No comments: