2006
bagyong milengyo. brownout at maulan. bukod pa dyan ang malakas na hangin na muntik nang maglipad sa bubong ng mga kapitbahay ni weng. sa bahay ako nun ni weng. dun ako nagcelebrate ng birthday. hindi ko makakalimutan dahil sa bagyo. oh well, madalas, may bagyo naman sa birthday ko kaya nga nung 7th birthday ko, walang party na naganap. pano ang baha e abot hanggang baywang noon.
ang handa ko e masarap na lucky me pancit canton at monay galing julie's bakery. basa pero meaningful. at least, hindi ako nag-iisa sa birthday. may bisita naman ako nun. si tin. haha. good times. bakit ba kasi pag september maulan.
2007
paalis si daddy papuntang uganda. busy dahil biglaan ang alis niya. sa sobrang biglaan, nakalimutan ng mga magulang ko na birthday ko pala. nagbiyahe kami papuntang airport. yun lang. nakakapagod. special pa rin naman dahil sobrang daming naganap sa taon na to. graduation. board exams.
ang handa ko e doughnut habang kumakain sa bus. hindi naman maulan sa taong ito. mainit pa nga.
2008
sa egypt na to. mag-iisang buwan sa ccu. ang eksena? toxic sa patient. dahil hindi pa marunong ng pamatay na diskarte, 630 pm na nakapaglunch. ang patient ay totoong napakadiwara. maangal at madaming kahilingan sa buhay.
bago ako bumaba para magbreak, nabigyan ako ng 100 pounds haha. regalo? siguro natunugan niya na birthday ko. pangkain din ito at panggrocery. habang mag-isa akong kumakain ng matabang na pasta at chicken fillet, tumabi sa upuan ang isang pinoy nurse. kinumusta ako at hindi ko naiwasan na ilabas ang sama ng loob at katoxican ko sa duty. at the end ng break, bumalik ako nang may ngiti sa labi kahit nagsimulang magdirawa ulit ang matandang pasyente.
walang handa sa bahay at walang celebration. bagsak agad sa kama sa sobrang pagod.
2009
maitim. payat. ito ang itsura ko pero sa totoo lang, masaya ako sa mga panahong ito. katatapos lang ng isang linggong paglalakbay sa egypt at pagbalik ko, apat na araw na lang at uuwi na ako ng pilipinas. hindi na ako babalik sa egypt.
walang pera dahil sa paglalakbay kaya't isang simpleng salu-salo na lang ang naisip ko. ang baked macaroni ni mark at lumpiang shanghai. yun lang. sama na rin despedida ko dito. pero ang mas masaya dito e yung celebration ko sa little buddha sa sharm el sheikh ng red sea. sa isang resto-bar kasama ang mga bagong kaibigan.
bagong kahulugan ng kasiyahan.
2010
nasa trabaho pero hindi kaharap ang makulit na pasyente. kasama ko ang mga bagong office mates. simple lang ang araw ko. walang magarbong selebrasyon. masaya dahil sa mga taong naka-alala at sa mga taong nagbigay panahon para bumati. naramadaman ko ang saya ng isang taong maraming nagmamahal. walang handa pero sagana sa pagmamahal.
thank You Lord!
2 comments:
2006 - wag kalimutan ang handang sisig.... by purefoods..hehe..with egg yun ha..
haha!
yummy!
Post a Comment