Monday, September 27, 2010

Baka sa Susunod

bukas, birthday ko na.

hindi ko alam kung ano mangyayari bukas. wala naman akong mga expectations o mga wish list ng material na bagay.

sa ngayon, ang gusto ko lang e makaraos kami. makatapos ang kambal. magkaroon ng mas magandang trabaho si ate at kung papalarin sa edad niya, pati na ang aking ama. idagdag pa ang magandan kalusugan at kaligtasan para sa lahat ng mga mahal ko sa buhay.

kung walang regalo, ok lang. kung meron, mas ok. dumating na ako sa punto ng buhay ko na alam kung ano ang mas importante. kung ano ang mas makakapagpasaya. ang mga kaibigan. mga TV series na sinusubaybayan ko. mga pagkaing masarap. pagkakataong makatulog nang mas matagal.

nung hulyo, ang tanging gusto ko lamang ay magkatrabaho bago sumapit ang aking kaarawan. natupad naman iyon.

kaya nung tanungin ako ng aking boss ngayon kung ano ang gusto ko, hindi ako makasagot. sinabi ko na lamang na wala. nagulat ang lahat. madalang lang daw magtanong ang aming boss kaya bakit ko daw pinakawalan ang pagkakataon.

sa loob ko, hindi pa ito ang takdang panahon. darating din ako sa pagkakataon na hihingin ko ang kalayaan sa departamentong ito at lilipat na sa nursing.

baka sa susunod na birthday.

No comments: