Saturday, November 14, 2009

Ano ang Plano Mo sa Buhay?

this week, medyo naging busy ako.

nung monday, nagpunta ako sa isang agency para tignan kung ano ang mapapala ko sa pag-aapply sa kanila. mukhang ok naman kaso, parang nakakatakot lang maglabas ng pera. tuesday, sa bahay lang at maghapon nagiinternet nagbabakasakling may mga sumagot sa mga pinasahan ko ng CV ko.

wednesday, nagpunta ako sa isang ospital malapit sa amin para magpasa ng CV at gaya ng inaasahan, hindi pa tumatanggap ang ospital ng mga aplikante sa ngayon. pagkatapos sa ospital, direcho kami ni ate sa sm. naglakad-lakad at nagpalamig.

thursday, nagpunta sa makati para sa isang work opportunity kay ate. sinabay na din ang pamamasyal sa trinoma sa pag-asang makapagshopping ng konti at sa huli, narealize ko na mahirap magshopping ng masyadong mataas ang standards pero kakaunti ang pera. hahaha

friday, sa bahay lang. nagdesisyon ako na kailangan kong maging aktibo. hindi ko na hihintayin na magkatrabaho pa para lang pumayat.

ano na naman kaya ang naghihintay sa akin sa susunod na linggo?

nabuhay ako nang ganito katagal na nagpaplano lagi. lahat ay dapat pinaghahandaan. mas nagiging komportable kasi ako kung alam ko na ang lahat ay aking naayos.

subalit, hindi rin nagiging mabuti ang laging may plano dahil hindi sa lahat ng oras e umaayon ang mga pangyayari. at sa ganang iyon, naiisip mo na ikaw ay isang malaking kabiguan.

dahil dito, mas nanaisin mo na lang na huwag kumilos. maghintay na lang dahil takot ka na muling mabigo sa iyong plano.

pero ano nga ba ang saysay ng buhay kung ikaw ay puno ng takot sa magiging takbo ng iyong buhay?

nabuhay ka ba dahil sa plano? ano ang plano mo?

2 comments:

Mac Callister said...

tiyaga lang yan,try ng try.

if balak mo abroad punta ka sa poea.gov.ph and hanapin un link dun ng mga ofw agency ganun ginawa ko e kaya eto nasa qatar na

Charltoninho said...

salamat! lagi rin ako nagchecheck sa workabroad.ph.

ingat