Monday, November 30, 2009

Mixed

nakaligtas ako sa tiyak na kapahamakan mula sa party ng kasamahan ni mama sa gym. birthday daw at imbitado ang buong pamilya pero hindi ko gustong pumunta dun para lumamon at magdagdag ng taba sa tiyan.

salamat kay benj sa pagsama saken sa practice sa choir, nakatakas ako mula sa pagrereto ng anak ng isang kaibigan ni mama saken. hindi naman sa ayaw ko pero not my type mga friends. period. tsaka pano na ang goal kong magkaanak ng may buhoy na kulay mais? so gotta stick to the plan.

*******************************************************************

masaya ang araw ko. nagsimula sa pagpunta sa church na talaga namang nagpabuti ng nararamdaman ko hanggang sa pagkikita naming mga miyembro dati ng choir nung high school. ang sarap ng pakiramdam na makasama ang mga tao na naging parte ng iyong buhay. sila na nagdulot ng saya at umukit ng mga magandang alaala.

sa pakikipagusap ko kay chard, naisip ko nasa tamang edad na rin ako para magisip ng future ko. kung ano talaga ang gusto ko. sa totoo lang, nakakainggit (in a good way) ung mga tao na alam talaga ang gusto nila sa buhay. isama mo pa ung mga tao na nagbago for the better.

*******************************************************************

i am excited...
-for changes in the coming months
-for the thought of having work again in a few months
-of leaving the country to reach higher grounds
-of thinking about my future
-of fitting in and standing out

*******************************************************************

if umabot man ako sa eleksyon sa susunod na taon, alam ko na kung sino ang iboboto ko para sa presidente.

siya na hindi nadadala ng popularidad, ng bugso ng damdamin, ng angking yaman at ng pinaniniwalaang relihiyon kungdi siya na nagtataglay ng totoong talino, ng galing at hangarin na mapabuti ang kalagayan ng bansa.

hanggang dito na muna mga kaibigan (kung meron man haha).

No comments: