Thursday, November 26, 2009

Whiner

i think i whine too much.

ang daming nangyari sa paligid ko na kadalasan, hindi ko na alam kung paano iprocess ang mga ito. all i could do is whine...

like nung sunday, i whined about having to attend the reunion on my dad' s side. bago pa dumating ang reunion, inasam ko na sana tapos na ang linggo. only to realize na ang dami kong namiss. namiss ko ang maging open sa ibang tao. lagi ko na lang kasing sinasara ang sarili ko sa aking comfort zone. nakita ko ang ibang pinsan ko pero hanggang doon lang dahil sinara ko sa isip ko na pupunta lang ako dun for the sake of going.

pauwi, may nakita kaming aksidente sa daan. isang tricycle at motor nagbanggaan. ang driver ng tricycle, walang malay at sa kanyang itsura, kritikal ang kanyang lagay. naganap iyon siguro mga 5 minuto pa lang ang lumilipas bago kami napadaan. kung napabilis ang pagpapatakbo ni dady, malamang kami ang nandun sa aksidente.

sa isang iglap, napagtanto ko ang kahalagahan ng aking pamilya. ang mga bawat sandali na kasama sila at ang mga sandali na sinasara ko ang pintuan ko para magkalapit kami.

sabi ni mark dati, masyado kang reklamador. inaamin ko naman, madalas ganito ako. hindi pala dapat kasi natatakpan na ng reklamo ung mga bagay na dapat kong ipagpasalamat. ang kulay ay nababahiran ng ibang liwanag. sa huli, hindi talaga naging tama ang magreklamo sa mga maliliit na bagay.

No comments: