Sunday, November 22, 2009

Bilanggo

minsan, naniniwala ako sa concept of perfection. o kaya naman ng almost perfect.

andyan si mela. may lahing kastila, matalino, mayaman, maganda at mabait. ano pa bang kulang? o kaya naman ay si line na kung saan, namili kung ano ang regalo niya sa kanyang debut- condo unit o kotse?

hindi rin pwedeng balewalain si hazel. maayos na pamilya, nagtapos sa colegio san agustin, matalino, mayaman at maganda. pwede rin si diane. half chinese, maputi, mayaman din, maganda at magaling magprogram.

dumako naman tayo kay leon. guwapo, may-kaya rin sa buhay at maayos makipagkapwa tao. mahaba ang listahan. kahit nung nagpunta ako sa egypt, ang mga nakikita ko minsan ay inakala kong sa pelikula lamang ngunit, totoo pala ito sa buhay.

sabihin na nating hindi ko lahat alam ang tunay na istorya ng buhay nila. mga problema, mga insecurities din (kung meron), mga sikreto at kung ano pa mang bahagi ng buhay nila ang nakatago. hindi maikakaila na minsan, naiingit ako. nangangarap na sana ang buhay nila ay ang buhay ko.

nakakahiya mang aminin pero dumarating ako sa punto na hindi ko maappreciate kung anong meron ako kaya't minsan, mas maganda na ikaw ay nakakulong. bilanggo sa kung ano ang meron ka nang hindi mo na naising mamuhay ng perpektong buhay ng iba.

No comments: