kung nakaligtas ako kahapon mula sa mga mapanuring mata ng kaibigan ni mama at ng pagkaing nang-aakit ng aking atensiyon, sablay ako ngayon.
matapos akong konsensiyahin ng aking mga mababait na kapatid at dramahan pa ni mama, bumigay ang aking depensa sa kanilang kahilingan na sumama. ang hirap maging tambay sa totoo lang. tutal walang kuryente sa bahay, mas mabuti na sigurong makapagpalamig sa ibang bahay at makapunta sa ibang parte ng pampanga.
nampucha, papunta pa lang dun, naalibadbaran na ako sa init at traffic! whoa! piyestang-piyesta! tuloy, si daddy e sa sobrang sama ng pakiramdam nagsuka na.
now i hate this part. ung time na you will enter someone's house with all the eye's of the people staring at you. and fuck did i felt awkward with the amigas of my mom! i had a big shot being a dork killing time.
minsan, nacoconvince ako na may pagka-antisocial ako (ung literal na meaning ha, hindi yung totoo sa medical field). sa ganitong pagkakataon, hindi talaga ako mapipilit ng sinuman na sumama sa mga social events. i know, ang pangit tignan para sa isang nurse pero ganun talaga. at least, i am making some effort to change and i hope it is not too late.
deep down inside the commanding request to show up, alam ko na proud lang si mama pero di na kailangan na sabihin kung ano mga na-achieve at ginagawa ko sa buhay ko. i am really keeping it low. tuloy, nagturok pa ako ng glutathione sa isa sa mga amiga niya. malas lang ni tita at naka-apat akong turok gawa ng walang tourniquet at naconscious ako sa audience. talk about being comfortable with the crowd!
No comments:
Post a Comment