this is a continuation of my posts about my trip in egypt. i am now going to talk about the Bibliotheca Alexandrina or the Library of Alexandria.
walking to the entrance of the library.
it is the major library and cultural center located on the shore of the Mediterranean Sea in the Egyptian city of Alexandria. it is both a commemoration of the Library of Alexandria that was lost in antiquity and an attempt to rekindle something of the brilliance that this earlier center of study and erudition represented (wikipedia.org).
eto ang bubulaga sayo pagdating mo sa main entrance ng library. sobrang ganda na you can't help yourself but stop and take a good look at it.
ito siguro yung library na literal na pwede akong tumira sa sobrang ganda ng architecture at sobrang amazing lang talaga. i am lost for words for kung gano kagara ang silid-aklatan na ito that is why i had to go back the following day para talaga makapasok at mamasdan ang ganda nito.
yung library, pababa siya sa loob. you will see later. dito sa picture, merong mga nakaukit na hieroglyphic characters.
naisip ko, kung ganito kaganda ang mga library saten, wala na sigurong magiging tamad magbasa upang matuto. nakakatuwa talaga kasi yung pakiramdam ko, hindi ko maipaliwanag. nung bago pa ako pumunta ng Egypt, sinabi ko talaga sa sarili ko na kailangan kong makapunta sa library na ito. kailangan kong mapuntahan ang mga sinaunang lugar na nagkaroon ng puwang sa ating kasaysayan at sa awa ng Diyos, nakapunta ako sa mga lugar na iyon.
ganito lang naman ang itsura ng library sa loob.
ang library na inakala kong sobrang luma e sobrang modern pala. kahit nasa malayo ka, alam mo na iyon na ang library. ang arkitektura, sobrang moderno mula sa tubig na nasa labas nito, sa planetarium at maging sa loob mismo ng gusali. ang ganda talaga kaya't napakaraming turista din ang nagpupunta dito upang mamalas ang ganda niya.
isang napakalumang printing machine...
bitbit ang mga pasalubong...
ito naman ung isa sa landmarks ng alexandria. paglabas sa library, ito ang bubungad sayo.
hanggang ngayon, madalas kong inaalala ang mga panahon na namasyal ako sa alexandria. ibang mundo kasi kumpara sa buhay sa cairo at giza. tahimik pero ang modernong ihip ng hangin ay nandon. maunlad ngunit pinapanatili ang sinaunang pagkakakilanlan. puno ng kasaysayan at ang kultura ay makulay.
kung magkakaroon ako ng pagkakataon na makabalik sa egypt, isa ang library sa babalikan ko.
No comments:
Post a Comment