habang tumutugon sa tawag na kalikasan, nabuo sa aking isip ang ilan sa mga punto kung bakit hindi magandang ideya ang mag-asawa ng isang dating beaty queen.
matagal ko nang naisip to, hindi ko lang makumpleto ang mga argumento ko para masuportahan ko lahat. sa hindi masyadong matagal na paninirahan sa earth, isa ako sa mga nagkaron ng first-hand experience sa isang hindi masyadong magandang karanasan na ibinunga ng pag-aasawa ng isang dating beauty queen.
hindi naman sa gine-generalize ko ang lahat ng mga beauty queens dahil ito ay mga observations ko lang sa isang tao- ang aking "minamahal na inay." mas mataas ang tsansa ng tama ang mga punto ko para sa mga hard-core na beauty queens.
narito ang mga punto ko kung bakit para sa akin, hindi magandang ideya ang mag-asawa ng isang dating beauty queen:
una, ang tingin nila sa buhay sa realidad ay isang beauty show. at sa show na ito, siya ang bida o kaya siya dapat ang bida. siya ang magstand out. siya dapat ang manalo lagi. sa pagiging bida niya, marami siyang demands. gusto niya, siya lagi ang nasusunod dahil of course, siya ay nasa isang show at siya nga naman ang bida.
sa araw araw na kasama ko ang aking nanay, ang kanyang gusto lamang ang kailangang masunod and it sucks dahil si dady, tinotolerate lamang ito. madalas, wala na siya sa lugar pero si dady? tahimik lang sa isang sulok habang ang mala-sirena ng bumberong pagtatalak ng aking ina ang namamayani sa bahay. it sucks big time dahil hindi ko alam kung eto ba talaga ang babaeng minahal ni dady. masyadong domineering. control freak at unreasonable.
ano nga ba ang magagawa ko? ako ay isang hamak lang na staff sa isang show na kung saan siya ang bida. sinabi nga nya minsan saken at kay ate na anak niya lang kami. oo nga naman, siya ang bida este nanay pala. so dapat, props lang kami no?
pangalawa, dahil sa isang beauty contest, marami ang kalaban, hindi minsan naiiwasan ang mainggit. dahil wala nga namang perfect na tao, ang mga bagay na wala ang isang tao ay labis niyang inaasam at kadalasan, lumalagpas sa punto ng kabaliwan.
itinuturing kong kabaliwan ang mainggit. oh well, minsan maganda rin naman ang mainggit pero yung tipong nainggit ka at ngayon, ginawa mo itong inspirasyon upang makamit mo kung ano man ang ikinaiinggit mo.
subalit ang mainggit at ihayag ang iyong nararamdaman sa kung sino man ang nakapailigd sa iyo habang ipinahihiwatig na it sucks not to be them and not to have them around ay isang purong kagaguhan.
si inay, maraming nakikita. mainam naman sana ang makakita ng karangyaan sa buhay ngunit ang sumabay sa mga nakikita na minsan ay nakakairita sa pandinig namin ni ate habang si dady ay tahimik na naman at tinatanggap ang mga pagkukumpara na sinamahan pa ng mga reklamo, hindi ata tama.
ang iba, magaling maglakad. ang iba naman, magaling sumagot. pwede rin naman ang iba ay may magandang mukha habang ang iba ay may magandang hubog ng katawan. sa beauty contest, hindi nararapat ang mainggit dahil ito ay humihila pababa sa iyong pagkalugmok. at sa buhay? hindi kailanman makakabuti ang mainggit.
pangatlo at panghuli, dahil sa patimplak na kanilang sinalihan, ang kanilang paniniwala at prinsipyo minsan ay nagiging kasingbabaw ng kanilang konsepto ng kagandahan- isang panlabas na katangian.
sa isang patimpalak, kailangan ang lahat ay umuwing panalo. wala dapat umuuwing talunan dahil sa bawat kaganapan sa buhay ay laging may kaakibat na karanasan na mapagkukunan ng yaman. ngunit para sa isang mababaw na tao o dili kaya'y isang contestant sa beauty contest, siya ay nagiging talunan lamang kapag ang kanyang pagkatao ay nakabase pa rin sa panlabas at hindi sa kanyang angking panloob na kagandahan.
si nanay ko, madalas hindi ako sang-ayon sa mga paniniwala niya sa buhay. kagaya na lamang ng pagfreeze niya ng buko pandan as opposed sa aking belief na kailangang chilled lamang ito. ng pagiging apurado versus my relaxed and calm attitude. ng pagiging miss congeniality versus my no-nonsense and plain honesty at all costs.
marami akong resentment sa buhay. marami ring mga frustrations at ang nakakalungkot, marami ay directly at indirectly caused by my mom. aaminin ko, hindi ako close sa kanya because she keeps all lines closed. a traditional and conservative one, naisip ko lang kung dahil ba siya ang panganay sa pitong magkakapatid o dahil sa pagiging beauty queen niya?
basta ako, hindi ako mag-aasawa ng beauty queen pero hindi ko naman sinasabi na ayaw ko ng magandang mapapangasawa. it is just that, i had enough of those drama and world peace issues.
No comments:
Post a Comment