bakit ang pilipinas hindi kilala sa ibang parte ng mundo?
lagi kasi akong tinatanong kung san ako galing at siyempre kahit papano e proud naman ako na sabihin sa kanila na galing ako sa pilipinas. ito yung mga panahon na ang mga pasyente ko e natutuwa saken tsaka nila sasabihin na, "oh philippines! good people!"
although madalas, sigurado ako na hindi nila alam kung san sa mundo matatagpuan ang pilipinas.
clueless sila saten. nun sa egypt, ang alam lang nilang bansa na nasa southeast asia e malaysia at thailand. tsaka nga pala indonesia. pero walang pilipinas. madalas nakakalungkot ito. walang identity. walang pangalan. sa panahon na inisip ko na sobrang kalat ang mga pilipino sa mundo, nagkamali ako.
nung nagpunta nga ako ng luxor at nagtour kasama pa ang ibang nationalities, may time na magpapakilala kami kung sang bansa kami nanggaling. ala miss universe style ba. karamihan sa kanila, akala daw nila e malaysian ako. gusto ko ngang sagutin na bakit, ganito ba kagaling magenlish ang mga malaysians? hahaha. hindi naman sa sinasabi ko na hindi magaling magenlish ang malaysians pero i know for a fact na may edge tayo sa kanila when it comes to this department.
pero mas mabuti na yung wala kang alam talaga kesa sa mali ang pagkakaalam mo sa ibang bagay. tulad na lang ng isang romanian na nakapangasawa ng pilipino. nagpunta kasi ang mag-asawa sa pinas para magbakasyon at para na rin makilala ang pamilya nung lalaki. pagbalik sa egypt, tinanong siya kung ano masasabi sa bansa natin at ang tumataginting na sagot niya ay puro kahoy daw ang mga bahay natin!
naman! mahirap daw tayo dahil puro kahoy! ang sarap batukan! kasi saken, hindi status symbol ang bahay na gawa sa bahay. mababaw. unreasonable. minsan nga ang mga kahoy na gamit sa paggawa ng bahay e napakamahal. try ka ya niyang magpunta sa forbes park? o kaya sa corinthian gardens? o kaya magpunta na lang kaya siya ng pampanga? kelan ba naging basehan ang bahay na gawa sa kahoy sa estado ng buhay?
sensitive ba? hindi naman. sabi ko nga, mas nakakainis ang kabobohan ng mga tao sa ilang bagay. mas maayos pa kasi ung wala ka talagang alam. matuturuan pa kasi ng tama.
may mga egyptians na nagtatanong kung mahirap ba ang pilipinas. ayaw kong sagutin. kasi parang ang hirap ipaliwanag ang sitwasyon saten sa kanilang mga utak na minsan napapaisip ako kung meron nga ba sila. ang masasabi ko lang, maraming mahirap saten pero meron tayong middle class kasi napansin ko lang, sa kanila, masyadong extreme. as in kung may middle class man, hindi mo pansin. kapag mayaman sa kanila, sobrang mayaman talaga at pag mahirap naman, sobrang hirap naman nila talaga.
nung nakaraan buwan, maraming balita ang lumabas tungkol sa ating bansa. may maganda at may pangit pero lahat, bumubuo ng imahe na ipinapakita natin sa mundo.
minsan, nakakaramdam ako ng hiya kung ano ang lahi ko kapag may mga masamang balitang lumalabas sa media. gusto kong magtago o kaya magpanggap na malaysian na lang ako. o kaya naman isa akong vietnamese, thai, indonesian o kaya burmese. pwede ring galing ng maldives o kaya ng bhutan. basta kung ano lang bang masabi.
ngunit sa bandang huli, ang anumang pangit na imahe ay nilalabanan ko ng aking mabuting gawa at asal. ng pag-aaruga ng isang nurse na pinoy na hindi makikita sa isang egyptian, romanian, indian o ng isang palestinian. ng lubos na paggalang sa sinumang maging pasyente ko. ng mga ngiti na nagpapasigla sa mga nais nang mawalan ng pag-asa.
naisip ko kasi, ito lang ang tanging paraaan para makilala tayo. makilala sa mabuting paraan at mabuting dahilan.
No comments:
Post a Comment