Nareunite ako nitong nakalipas na araw sa isang tao na naging malapit saken dati nung college. Sa pamamagitang ng isang kaibigan, nagkausap kami ulit. Dati kasi, bigla na lang siyang nawala. As in hindi na lang namin siya nakita.
Medyo naging makulay ang samahan namin dati. Masasabi kong naging memorable ang college days ko dahil sa kanya. Nagkuwentuhan kami. Nagkamustahan at nagkaroon ng mga pag-aamin. Nakakatuwa dahil kahit ilang taon na ang lumipas, kinilig pa rin ako.
Humingi ako ng paumanhin. Nag-apologize kung sa tingin niya ay iniwan ko siya sa ere dati. Madami na nagbago pero yung feelings, sa tingin ko meron pa rin kahit papano. Sino at ano raw ang bago saken? Sabi ko wala. Dito ako tinamaan. Ang sabi niya,
"Siguro nararamdaman nila na they are not your priorities. Iparamdam mo naman na mahalaga sila sau."
Siguro nga. Masyado akong cluttered ng kung anu- ano sa buhay. Madaming gumugulo at tumatakbo sa isip ko. Masyado ata akong nagiging preoccupied sa sarili ko at kung ano ang dapat kong gawin.
Hindi ko alam kung ano mangyayari sa amin, pero sa ngayon, masaya ako na nagbalik siya.
No comments:
Post a Comment