Hay ba't ganon ang buhay?!
Five months na at ganon pa rin- naghihintay! Hanggang kelan nga ba ko maghihintay? Tsaka, pano ba malalaman kapag kailangan mo nang igive-up ang isang bagay na hindi na darating?
Pano ba masasabi na kailangan nang magmove-on? Sa totoo lang, ang hirap kapag wala kang masagot sa mga tanong na to. This week kasi, nagtext ako sa office kung may nasisilip ba silang pag-asa na aalis pa ko papunta ng Ehipto. At sa awa ng Diyos, wala pa raw silang natatanggap na email na paalisin nako.
Limang buwan. Yes! Tumataginting na limang buwan na ang lumipas nang maisipan kong subukan ang aking kapalaran sa ibang bansa. Ngunit sa mga di inaasahang pagkakataon, napag-iwanan ako kasama ng dalawa pa. Ang lupit di ba? Sana nakaisang buwan nako dun o kaya dalawa pa kung naisama ako sa unang batch. Minsan nga napapraning ako kung dahil ba wala akong experience o kung dahil ba ina-assign ako sa icu kahit walang experience kung kaya't hindi pa nirerelease ang visa ko.
Sa pagkakaalam ko naman, may mga fresh grads na kagaya ko ang nauna na saken kaso sa ward nga lang sila naka-assign. Yup, engrande ang area ko at ewan ko kung tama ba to. Madalas, kinakabahan ako. Kinakabahan kung ano mangyayari saken dun. Aaminin ko, hindi pa ako nakakalabas sa isla ng Luzon! Ibig sabihin, hindi pa rin ako nakakasakay ng eroplano o kaya barko na nagbibiyahe (nakasakay na kasi ako sa MV Doulos). Kaya excited din na kinakabahan.
Kagabi, nagkausap kami ng nanay ko. Nagupdate ako sa kanya na 'yun nga, wala pang balita kung aalis ako. Tinanong niya ko kung ano na balak ko- kung magNNCLEX o ituloy yung trabaho sa abroad. Sabi ko, maghihintay ako hanggang August para sa Egypt. Kung wala, magNNCLEX ako. Pinaka-emphasize ko na I want all options to be explored. With that, bumalik sa usapan ang pagpunta sa Australia. Dati, nagbabalak ang parents ko na pa-aralin ako dun ng three months then I'll be able to work as a nurse dun. So nagIELTS ako which I passed para sa qualifications sa Australia and nag-ayos ng mga requirements. Kapapasa ko pa lang nito at ang tatay ko e nasa Melbourne pa nun so it seemed okay na tumuloy dun. Ang problema at ang pinakamasakit na katotohanan e ang bulok na sistema ng ating gobyerno ang pumigil sa akin sa planong yon. Pano ba naman, 6 months pa ang hihintayin ko bago makuha ang board certificate! (FYI: ang board certificate ay yung document na parang diploma na galing sa PRC)
Naiintindihan ko na sadyang marami ang bilang naming mga nurses na pumasa at sa ginhawa ng tadhana, ang aking napakagandang apelyido e nagsisimula sa letrang 'S.' Kumusta naman, aabutin ng siyam siyam ang paghihintay dahil kailangang mauna pa sa akin ang mga nilalang na may apelyidong nagsisimula sa letrang 'A' hanggang 'R.' Siguro ito ang gusto ng aking kapalaran dahil sa mga ganitong panahon e natapos na ang kontrata ng aking mahal na ama at kinailangan na niyang umuwi dito sa Pinas. Nangangahulugan lamang na wala na akong pang-aral sa land down under. In short, change of plans na naman. So NCLEX, ikaw naman ang haharapin ko.
Maximum of six months ang hihintayin. Ito ay para lamang sa eligibility. Bukod dun, gagastos ka na ng mga sampung libo sa pagprocess ng mga papers na ipapadala. Habang naghihintay, review na ang aatupagin ko. At dahil sa mapagbirong tadhana, hindi pa rin makakita ng trabaho si ama kung kaya't naisipan kong mag-apply na sa mga hospitals sa Manila at Pampanga para naman e hindi na ako maging pabigat sa bahay. Ayun, apply lang ng apply hanggang nagsawa kami ni Sheng sa kaka-apply. Putik, wala man lang tumatawag samen! Haha nakakatawa dahil kung sino man ang nagsabi na naghihintay ang trabaho para sa amin ni Sheng na may parehong karangalan nung nakatapos ng kolehiyo ay mali sila.
Fast forward sa year 2008 (kasi mga bandang August 2007 lahat nagstart ang pag-aapply sa Ausralia). Wala pa ring tumatawag! This time din, nakaka-ilang buwan na rin ung mga pinadala naming documents para sa NCLEX. Siyet, ang hirap na ng sitwayon ng mga nurses dito sa Pinas! (Alam niyo na kung bakit based sa previous posts ko.) So being the resourceful that I am, naghanap ako sa Manila Bulletin ng mga job openings. Minsan, si dad din ang naghahanap for me until nga na masumpungan ang sa Egypt. Pasok ako sa requirements kaya yun, nagpasa ako. After a month, tinawagan ako for interview sa March 28 at naranasan ko ang unang job interview na parang hindi. Kasi, ung Egyptian na nag-interview, sinammurize lang yung laman ng contract. At bilang si desperado at hayok sa magandang pagkakataon, pumirma ako agad. In a week, nakapagfile ako ng mga documents na kailangan.
After a month, okay na lahat incuding the medical exam. After a month, isa pang month, isa pang month, isa pang month at isa pang month. Ganun na, wala nang nagbago. Naghihintay pa rin ako. Next week, umaasa ako na may magtext sa akin na narelease na ang visa ko. Pano naman, matatapos na ang July! Ang huling sabi kasi sakin, baka daw by end of July since kami nalang ang napag-iwanan and wala nang iba pa. Kaya daw kailangan na raw nilang mag-interview pa.
Whew. Matagal naba? Sobra na ba? Oo alam ko matagal na. Alam ko rin na kung di ko tinuloy to, baka nagtatraining nako sa Medical City o St Luke's. Alam ko rin na sana USRN na ako ngayon since maayos naman na yung mga requirements ko. Alam ko rin na sana nakapagtrabaho muna ako. Alam ko rin na martyr ako sa paghihintay. Alam ko rin na patient ako after all those years na nagdevelop ang mga muscles ko sa thigh at calf gawa ng mahahabang pila sa FEU at PRC. Alam ko na may pagkadumb na itong decision ko.
Sa lahat ng ito, alam ko kasi na naghintay nako nang ganito katagal at marami na akong pinalagpas na pagkakataon kaya ngayon pa ba ako susuko at bibigay?
No comments:
Post a Comment